Namonitor ng Philippine Navy ang isang barkong pandigma ng China na nasa 4.6 nautical miles mula sa BRP Andres Bonifacio, habang nagsasagawa ito ng maritime patrol. Apat na beses na ni-radio challenge ng BRP Andres Bonifacio ang nasabing Chinese warship bago ito sumagot.
00:00Isang Chinese warship ang namataan ng Philippine Navy habang nagpapatrulya kaninang umaga sa may bahagi ng Panata Island.
00:08Na-monitor ng Philippine Navy ang isang PLA Navy Manshan Chiang Kai-class frigate na may bound number na 525 sa may 4.6 nautical miles mula sa BRP Andres Bonifacio habang nagsasagawa ito ng maritime patrol.
00:25Apat na beses na ni-radio challenge ng BRP Andres Bonifacio ang nasabing Chinese warship bago sumagot.
00:34Bukod dito, dalawa pan-Chinese maritime militia vessels ang namonitor ng Philippine Navy sa lugar.
00:40Ang Panata Island ay isa sa mga maritime feature na nasa kontrol ng Pilipinas sa Kalayaan Group of Island.