PANOORIN: Namataan ng Philippine Navy ang isang barko ng China na Ma'anshan Jiangkai Class Frigate na may bow number 525 sa karagatang sakop ng Panata Island umaga ng Biyernes, June 6. Ni-radio challenge ng PH Navy ang naturang barko at makaraan ang tatlong subok ay saka lamang ito sumagot. Bukod sa naturang barko ay may dalawang iba na Chinese maritime militia vessel ang namataan malapit dito. MNP I UNTV News Correspondent Ryan Lacanlale