24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
05:51Opo, tapos tinamaan na yung van tsaka yung sa customer namin dito.
05:55Yung sa labas ako kahapon yan, tambay, bigla na lang kumidlat saka malakas yung hangin, saka tinamaan yung sa taas.
06:03Ayun, nagbagsakan na.
06:05Ayun, tumakbo na ako agad sa loob.
06:07Kabilang sa mga natamaan ang sasakyan ng customer ng barbershop na nooy nagpapagupit, wasak din ang truck sa katabing tindahan.
06:15Ito yung mismong truck na nadaganan ng billboard sa C5 Katipunan kahapon.
06:19At sa itsura nito, kung may tao sa loob, ay tiyak hindi makakaligtas.
06:24Mabuti na lang, ayon sa driver, ay nandoon siya sa likod ng truck na naghahakot ng kanilang mga dideliver.
06:29Kanina, dumating para maghahakot at mag-ayos sa tumaob na billboard ang ilang tauhan ng may-ari nito.
06:45Sinusubukan pa namin kunin ang pahayag ng may-ari ng billboard, na ayon sa isa sa mga may-ari ng sasakyan na nadamay, ay nagsabing sasagutin din daw ang lahat ng mga nasira.
06:54Nag-uusap pa raw sila at ang mga may-ari ng nadamay na sasakyan.
06:57Na-clear na kahapon ang tumaob na poste ng Miralco at inaayos na nila ngayon ng mga kawad.
07:03Kanina umaga lang din, bumalik ang supply ng kuryente.
07:06Ayon sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office,
07:10Ayon sa Office of Civil Defense, posibleng hindi pa itinupi ang billboard na ito
07:25dahil wala namang cyclone warning signal sa Metro Manila at habagat ang nagpaulan.
07:30Meron na tayong policy na pag may storm signal, kailangan kasama yan sa mga dapat ayusin o tatanggalin.
07:38Pareho din ang ordinansa ng Quezon City LGU kaugnay sa mga tarpulin kapag masama ang panahon.
07:43Reripasuhin daw ng LGU ang ordinansa.
07:46Aayosin din ang Office of Civil Defense ang protocol kung kailan dapat magbaba ng billboard kung walang storm signal.
07:52Para sa GMA Integrated News, Miko Wahe, Nakatutok 24 Horas.
07:57Nananatiling banta sa Norte ang mga pagguho bunsod ng patuloy na pag-uulan
08:02gaya sa naahulikam na pagbagsak na malaking bato sa Baguio City kung saan may isa pa palang boulder na dumausdos.
08:10Wala sa Baguio City Nakatutok Live, si Jasmine Gabriel Galvan ng GMA Regional TV.
08:15Jasmine.
08:18Ivan, tuloy-tuloy pa rin ang clearing operation na sinasagawa ng DPWH,
08:22ganun din ang iba't ibang LGU sa mga lugar na nakapagtala ng landslide.
08:26Sa CCTV footage na ito kahapon, kitang-kita ang pagbagsak ng boulder o malaking bato.
08:36Nadagan na ng isang asong lumabas mula sa kulungan bago gumulong ang bato sa nakaparadang sakyan na nagmistulang pinitpit na lata.
08:45Nangyari yan sa property ni Connie Potensiano sa Camp 7, Cannon Road, Baguio City.
08:50Buti ka mo, umalis na yung CSW at saka mga pulis. Sila-sila lang natira dyan.
08:55Na-apat?
08:56Oo.
08:57Tapos mahamo?
08:58Yun.
08:59Manon yung bato na yan.
09:01Nagsitalunan sila parang yung may arthritis nakatakbo.
09:07Ika-ika nakatalun pa.
09:10Ligtas ang kanilang aso sa video na nadaganan ang bato.
09:13Pero may isa pa silang aso na siya nabagsakan ng boulder at nasawi.
09:17Pero bukod pala riyan, mas malaking bato ang dumausdos sa kanilang lugar matapos ang ilang oras.
09:23Alauna ng hapon ang unang dumausdos mula sa bundok ang napakalaking bato na dumagan sa nakaparadang kotse dito sa lugar.
09:34Pag-sapit naman ang alas 5 ng hapon ay sunod na dumausdos mula sa bundok ang mas malaking bato na sumira sa garahe ng isang bahay.
09:45At kung papansinin po natin yung bato, talagang walang makakaligtas sakaling meron ang madaganana.
09:54Nakatakdang alisin ang malalaking bato sa lugar.
09:57Magsasagawa rin ang ocular inspection ng otoridad para malaman ang kondisyon ng kabundukan sa Cannon Road.
10:01Mag-aaralan po ng mga technical experts po natin from MGB, DPWHK, kung anong magandang intervention po na pwede natin gawin para mapag-igting natin yung kaligtasan doon sa may rockfall area na nangyari.
10:15Sa datos ng Mines and Geosciences Bureau, maraming lugar sa Cordillera ang may tuturing na susceptible sa landslide.
10:22Talagang prone po ang landslide, including the city of Baguio sa linya ng Cannon Road.
10:28Ngayon po, naglabas na rin po tayo ng guidance dyan, pag-ibayuhin yung alertness, pagiging alerto sa mga lugar dito sa Cannon Road.
10:36At yung mga residente po natin ay dobly pag-iingat.
10:40Maging isang bahagi ng Longlong Tamawan Road sa Baguio City na balahaw ng rock slide.
10:46Nagka-landslide din sa iba pang lugar sa Cordillera, gaya sa Bingget, Apayaw, Abra at Mountain Province.
10:53Sa ngayon, sarado pa sa mga motoristang Cannon Road at tuloy-tuloy ang clearing operation.
10:58Patuloy na pinag-iingat ang mga motorista, lalo't may banta pa rin ng mga pag-uho.
11:02Ivan, maghapon pa rin ang naranasang pag-uulan dito sa Baguio City.
11:10Samantala, inawisuhan ng otoridad ang mga motorista na dito na lang duman sa Marcos Highway.
11:14At ayon naman sa monitoring ng Office of the Civil Defense,
11:17nakauwi na sa kanika nilang mga bahay ang mga residente inilikas noong biyernes.
11:21Ivan?
11:21Ingat at maraming salamat, Jasmine Gabriel Galvan ng GMA Regional TV.
11:28Samantala, negosasyon sa taripa at alyansang pangsiguridad.
11:33Ang pangunahing agenda ng pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos sa Amerika,
11:37ngayong July 20 hanggang 22.
11:40Ito po ang unang official visit ng Pangulo sa ilalim ng administrasyon ni U.S. President Donald Trump.
11:45Nakatotok si Darlene Kai.
11:46Pasado alas 10 kanina umaga, lumipag pa Washington D.C. sa Amerika si Pangulong Bongbong Marcos.
11:54Makikipagpulong siya kay U.S. President Donald Trump sa imbitasyon nito.
11:58Inaasahang tatalakay ng 20% tariff na ipinataw ng Amerika sa mga produkto galing Pilipinas sa August 1.
12:05Mas mataas ito sa naunang anunsyo na 17% tariff.
12:08I intend to convey to President Trump and his cabinet officials that the Philippines is ready to negotiate a bilateral trade deal
12:17that will ensure strong, mutually beneficial, and future-oriented collaborations that only the United States and the Philippines will be able to take advantage of.
12:29Dating sinabi ng administrasyon na gagawin daw ang lahat para maidaan sa negosasyon ng ipapataw na taripa.
12:35Top priority daw ng Pangulo ang pagpapayabong ng economic relations sa Pilipinas at Amerika.
12:53Inaasahang pag-uusapan din ang defense o siguridad ng bansa.
12:57Naunang sinabi ng administration Trump na nananatili ang kanilang suporta sa Pilipinas sa gitna ng sigalot sa West Philippine Sea.
13:03Kasama rin sa agenda ng Pangulo ang pakikipagpulong sa business leaders doon.
13:08Mananatili ang Pangulo sa Blair House na President's Guest House.
13:12Habang nasa US ang Pangulo,
13:14ang kinalagang caretaker ng bansa si na Executive Secretary Lucas Bersamin,
13:17Justice Secretary Jesus Crispin de Mulya,
13:20at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III.
13:23Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, Nakatutok, 24 Horas.