Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Good morning, there's a lot of rain on the beach in a barangay in Navotas.
00:08The beach is a deep water that is a big blue sky.
00:13This is a Navotas on the beach, Darlene Kain.
00:16Darlene?
00:19Pia Ivan, hanggang bukong-bukong pa yung baha dito sa kinatatayuan kong bahagi ng Celestino Street.
00:25Pero kanina, umabot daw hanggang lagpas leeg yan. Talagang mabilis daw tumaas yung level ng tubig kanina na labis ikinagulat ng mga residente rito.
00:38Naghiyawan ang mga taga San Andres Street sa barangay San Jose Navotas nang biglang rumagasa ang tubig sa kanilang lugar.
00:46Hindi umulan pero biglaro bumigay ang DK River Wall dito.
00:49Bandang alas 11.30 ng umaga kanina at agad na pinasok ng tubig ang mga bahay.
00:55Isang aso ang stranded sa gitna ng baha.
00:58Ayon sa use cooper na si Rodora Oliveros, nasagip naman ang aso pero wala raw na isalbang mga gamit ang ilang kapitbahay.
01:05Pati ang nakaburol na patay roon, inilikas.
01:09Ang taas ng tubig na nagpalubog din sa Celestino Street hanggang leeg ng residenteng si Dens.
01:15Si Rika napaiyak na lang sa sinapit ng kanyang mga gamit.
01:24Wala pang limang minuto, abot hanggang leeg na agad ang baha sa kanilang bahay.
01:29Lahat ng kanilang gamit pati ang kanyang mga paninda, nasira.
01:32Mabuti na lang at ligtas ang kanyang apat na anak dahil naayakyat niya sa second floor ng kanilang bahay.
01:38Labis din ikinagulat inarsiso ang nangyari.
01:41Abot daw hanggang kanyang bibigang tubig sa loob ng kanilang bahay.
01:46Nabigla, as in, umiyak na lang po habang yakap-yakap po yung platuhan namin para hindi lang matumba.
01:53Nasa barangay ako, tumatakbo ako, baka ako, matihim pa ako dahil hingal na hingal ako.
01:58Nung makita ko, pasok na tubig. Ang nakalutang na lang yung rep ko.
02:04Napasugod tuloy dito ang ilang fire volunteers galing Kaloocan para tumulong mag-rescue ng mga residente.
02:16Bumigat ang traffic tulad dito sa M. Naval Street.
02:19Agad ding nagsagawa ng rescue operations ang Navotas LGU.
02:23Ayon sa Navotas CDRMO, abot sa isan daang individual ang inilikas kanina mula sa kanilang mga bahay papunta sa Navotas Elementary School.
02:31Sakto rin daw na umabot ng dalawang metro ang high tide sa ilog kaninang tanghali.
02:36Hindi pa rin daw kasi naayos ang bahagi ng navigational gate na nasira noong nakaraang buwan.
03:01Barko o lan siya na for repair.
03:04Kaya po, maaaring dahil na rin po sa katagalan ng parahon ay nasira kasi nakatuntong na po siya sa lupa.
03:10Kung ang diki po natin ay nakatuntong sa lupa, kung lumalambot po kasi yun dahil sa nabababag sa tubig.
03:17Pia Ivan, unti-unti nang humuhupa yung baha rito sa ilang bahagi ng Navotas nga na apektado nitong pagkasira ng diki.
03:29Sa katunayan, mula kaninang tanghali ay malaki na yung diperensya.
03:33Patuloy yung rescue operations pa rin ang Navotas LGU para doon sa mga hihingi ng saklolo.
03:38Nilagyan na rin daw nila ng sandbags, yung tabing ilog para mapigilan yung pagpasok ng tubig.
03:43At pinag-aaralan na rin daw ng kanilang engineers, yung mga pwede nilang gawing solusyon para maayos na nga itong diking nasira.
03:49Yan ang latest mula rito sa Navotas. Balik sa inyo, Pia Ivan.
03:53Itatanong ko sana, Darlene, yung nabanggit mo, ano kaya ang posibleng gawin dahil hindi naman maayos ng overnight yung dike na yan eh.
04:00Sa habang inaayos yung dike, ano kaya yung pansamantalang solusyon para hindi maulit yan, lalo't nangyari yan na hindi umuulan ha?
04:07E paano, tag-ulan pa naman ngayon, paano kung nagkabagyo o nagkahabagat?
04:13Yun nga Ivan eh. Sa ngayon, ang pansamantalang solusyon na ginagawa ng Navotas LGU ay yung binanggit nila na paglalagay nitong sandbox doon sa area o bahagi ng dike na nasira.
04:25Unti-unti naman ang humuhupa yung tubig dito pero meron pa rin ilang residente na posibleng manatili doon sa kanilang mga kaanak mula sa mga karating na lugar o sa mga evacuation centers.
04:37Yan daw muna yung pansamantalang magagawa habang inaalam pa kung paano yung magiging permanente at pangmatagalang solusyon sa nasirang dike, Ivan.
04:46Darlene Kay, maraming salamat.
04:50Isang lindol na may magnitude na 6.1 ang nagpayanig sa ilang bahagi ng Mindanao.
04:56Hulikam sa iba't ibang lugar doon ang epekto ng pagyanig at ang takot ng mga residente.
05:02Nakatutok si Katrina Son.
05:03Dila nagsayaw ang mga ilaw sa panaderyang ito sa Malita Davao Occidental dahil sa lindol kaninang umaga.
05:16Ang ilang gamit, umalug din.
05:24Naramdaman ang pagyanig hanggang Takurong City sa Sultan Kudarat.
05:27Maging saglan sa Rangani, kung saan mabilis na napalabas ng bahay ang pamilyang ito.
05:40Sa South Cotabato, kitang naalog ang mga paninda sa isang sari-sari store.
05:46Naramdaman daw ang pagyanigroon ng ilang minuto.
05:49Sa Ampatuan, Maguindanao del Sur, tila dinuyan rin ng lindol ang mga residente.
06:01Hanggang sa Davao City, nagdulot ng takot ang lindol.
06:05Sa ilang gusali, nagsilabasa ng mga empleyado.
06:12Gayun din ang mga nakatira sa kondo units.
06:14Isang tulay naman ang pansamantalang di madaraanan sa baragay mati na crossing Davao City.
06:20Isinira muna ito matapos makitaan ng crack na dulot ng lindol.
06:24Pinaalerto ng Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office ang volunteer groups.
06:30Maging ang mga response clusters at ang publiko.
06:33Ang isang gusali sa General Santos City, nagkaroon pa ng bitak.
06:39Nawalan din ang kuryente sa ilang bahagi dahil sa nasunog na kable ng kuryente dahil sa pagyanig.
06:45Naupula na ito ng mga bombero.
06:486.1 magnitude ang lakas ng lindol sa Mindanao na yumanig pasado alas 7 kaninang umaga.
06:54Sa dagat ang epicenter nito.
06:5685 kilometers mula sa timog silangan ng Sarangani Island, Davao Occidental, sa lalim na 79 kilometers.
07:03Ang pinakamataas natin na intensity na naitala or naibigay sa amin as observe or paano nila naramdaman na intensity 5.
07:11Sa may Tiglan and Malungon, Sarangani, sa may Pantukan Davao de Oro and even sa ilang municipality ng Davao Occidental sa may Sarangani Island po.
07:22Wala naman itong banta ng tsunami pero ilang aftershocks na ang naitala ng PHEVOX.
07:28Para sa GMA Integrated News, Katrina Son, nakatutok 24 oras.
07:36Arestado sa Cavite ang isang lalaking nagre-reseta sa mga pasyente at may apat na klinik pero isa palang peking doktor.
07:44Nakatutok si John Consulta, exclusive.
07:46Pagkakuha ng hudya at wala sa kanilang undercover, dumiretso na ang mga agents ng NBI Cavite North para kulin ang kanilang primary target sa isang medical clinic sa dasa Marinias Cavite nitong Huwebes.
08:03Kinuhuli ka po namin for legal practice of medicine under public health 22 or the medical app.
08:11Arestado ang 52-anyos na lalaki na umunoy peking doktor.
08:17Ayon sa NBI, nakatanggap sila ng reklamo mula sa isang asosasyon ng mga doktor.
08:22Nang madiskubri nilang di tunay na doktor ang suspect.
08:26Meron siyang minimaintain na around 4 clinics, medical clinics,
08:33at siya ay tumatanggap ng mga pasyente, nag-i-issue ng prescription.
08:37Humingi ng bayad para sa kanyang servisyo.
08:40Pati sa mga ospital nga, umaabot ang mga prescription nito na binibigay sa mga pasyente.
08:45Nag-sagawa ng verification from the PRC.
08:48At napag-alaman natin na siya po ay hindi kasama sa listahan ng mga licensed physicians sa Pilipinas.
08:56Na-recore ng Mark Manning na binayad sa umunoy peking doktor,
08:59habang kumpiskado naman ang ilang ebidensya tulad ng mga reseta at mga gamot.
09:03Kung ikaw po ay walang kukulang competence para sa trabahong ito,
09:09ay maaaring, tama nga, ma-misdiagnose mo at makapag-prescribe ka ng maling gamot
09:14sa mga pasyente na imbis na bumuti ay baka lalong mapasama.
09:20Sinisika pa namin makuha ang panig ng suspect na na-inquest na sa reklamang paglibag sa Philippine Medical Act.
09:25Sakaling mapatunayan nagkasala siya, posibleng siyang makulong ng hanggang limang taon.
09:31Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 aras.
09:38Huli kam sa Kaloocan ang panuloob sa isang bahay kung saan nadali ang isang mamahaling relo.
09:44At ang nanalising suspect, kapitbahay ng mga biktima.
09:50Nakatutok si Bea Pinlock.
09:51Malanin diyang galawan ng lalaking ito.
09:57Nang pasukin at nakawan niya ang isang bahay sa Barangay 8 sa Kaloocan,
10:02miyerkules ng madaling araw.
10:04Tinangay ng 28-anyos na suspect ang mga relong nakasilid sa maliit na kabinet sa itaas ng ref.
10:11Ayon sa pulisya, ang halaga ng ninakaw na relo.
10:15Nasa 11,000 pesos.
10:16Yung biktim natin, may mabing pagkakatulog.
10:22Then, nagising na lang siya, may narinig siyang ingay sa kitchen nila.
10:28Then, nakita niya yung suspect habang kinukuha yung relo.
10:33Sa bintana raw ng kusina, dumaan ang suspect.
10:37Intak naman po daw yung pinto nila.
10:39Kung saan siya pumasok, dun din siya lumabas.
10:42Humingi naman ng tulong ang biktima sa barangay at pulisya.
10:46Napag-alaman na ang suspect, kapitbahay pala niya.
10:50Nagsabi itong biktim natin na pan-interview rito sa opisina na
10:53kilalang kilala na yun kasi kapitbahay talaga nila at talamang na magnanakaw talaga doon sa lugar nila.
10:59Nahuli sa follow-up operasyon ng pulisya ang suspect malapit sa kanyang bahay.
11:04Identified naman na talaga siya through CCTV.
11:07Suot-suot niya yung relo na ninakaw niya sa biktim natin.
11:11Aminado ang suspect sa ginawa niyang krimen.
11:14Para pangkain lang po namin, ma'am.
11:16Sising-sisi po ako. Sana mapatawad niyo po ako.
11:20Reklamong robbery ang isinampa laban sa suspect na nakapiit sa sangandaan police station.
11:26Para sa GMA Integrated News,
11:28Bea Pinlak, nakatutok 24 oras.
11:31Iginiit ni Vice President Sara Duterte na hindi niya kailangan iulat sa publiko ang detalya na kanyang pagpunta sa Australia para sa kanya isang personal na lakad doon.
11:42Kasunod niya, nasagutan nila ng palasyo kung official o personal business ba ang pagpunta niya sa Australia at kung dapat ba itong indetalya sa publiko.
11:51Nauna lang sinabi ni VP Duterte na personal ang kanyang biyahe at bagaman lumalabas siya ng bansa,
11:56ay nagtatrabaho pa rin daw siya bilang Vice.
11:59Kaya tingin ng palasyo sa sinabi ni Duterte, magkakaroon nito ng ethical at accountability concern.
12:05Lalo't ginamit din daw kasi ng Vice ang social media page ng OVP na bahagi ng gobyerno.
12:11Ay sa palasyo, kung nagtrabaho raw ang vice, kailangan niyang iulat sa bayan ang kanyang ginawa sa Australia,
12:16ang resulta nito at kung sino ang kanyang makasama.
12:20Pero sa bagong tugon ng vice, nanindigan siyang personal ang kanyang lakad.
12:26Yan yung example ko sa inyo na bobo talaga.
12:30Diba?
12:31Hindi nga official business yung...
12:35Kasi...
12:35Kailangan ko pa ba mag-explain?
12:45Sige, kailangan ko mag-explain nito kasi ang kausap mo medyo mahina, diba?
12:50Kapag gumagamit ka ng pera ng gobyerno, official business yan, kailangan nung mag-report.
12:56Kapag personal siya at walang gamit ng pera ng gobyerno, hindi mo kailangan mag-report.
13:02Kailangan ko pa ba mag-report.
13:05Kailangan ko pa ba mag-report.
13:06Hinihingi pa namin ang pahayag ng palasyo, kaugnay ng pahayag ng vice.
13:12Matapos ang big-time oil price hike, asahan po ang rollback sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.
13:18At sa tansya po ng kumpanyang Unioil, piso at 30 centimo hanggang piso at 50 centimo
13:24ang posibleng tapyas sa presyo ng gasolina.
13:27Piso at 70 centimo hanggang dalawang piso naman sa kada litro ng pisa.
13:33Ayon sa Oil Industry Management Bureau, isa sa mga dahilan ng rollback
13:36ay ang anunsyo ni U.S. President Donald Trump ng ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran.
13:42Matatandaang dahil sa bakbakan ng Israel at Iran,
13:46nagkaroon ng big-time oil price hike na hinati sa dalawang bagsakan noong Martes at Wemes.
13:51Outro

Recommended