Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/1/2025
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Maganang hapon po!
00:03Ipirahito muna ni Pangulong Bongbong Marcos ang planong rehabilitasyon ng EDSA ngayong buwan.
00:09Dahil dyan, hindi rin muna ipatutupad ng add-even scheme sa EDSA.
00:13At mula sa Pasay City nakatutok live si Darlene Cai.
00:17Darlene!
00:20Ivan, dito dapat sa Pasay City uumpisahan yung EDSA Rehabilitation sa June 13.
00:24Pero hindi na muna matutuloy yan matapos i-anunsyo ng Pangulo kanina na pag-aaralan muna nila ang proyekto.
00:33In instruction ko si Sekretary Vince Dyson at si Sekretary Manny Bunuan ng DPWH ay sinabi ko,
00:42pause muna doon sa rehabilitation.
00:45Huwag muna natin gagawin.
00:48Dahil pag tinitignan natin yung cost-benefit analysis, maganda sana kung maayos natin.
00:53Ngunit, ang laking sakripisyo ng dalawang taon.
00:58Sa paglulunsad ng isang programa sa Metro Manila Rail Lines,
01:02inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos na ipagpaliban muna muli
01:06ng hindi bababa sa isang buwan ng EDSA Rehabilitation na magsisimula na dapat sa June 13.
01:12Anya, marami raw ang nangangambang mauwi sa Carmageddon
01:15o matinding traffic ang construction sa EDSA.
01:18Ang daming bumalik na nag-aalala paano yung trabaho namin.
01:24Eh kung ang pag-commute namin ay napakatagal na,
01:30madadagdagan pa ng isang oras, dalawang oras, wala na talaga.
01:34Hindi na kami uuwi.
01:35Pag-aaralan daw muna ng pamahalaan kung kayang pabilisin ng rehabilitasyon
01:40na unang sinabi ng DPWH na posibleng tumagal ng dalawang taon.
01:43Bigyan natin ang sarili natin ng isang buwan.
01:46Pag-aaralan natin itong mga bagong teknolohiya na nakikita natin.
01:51Pag-aaralan natin, gumawa tayo ng magandang plano.
01:55Baka naman, imbis na dalawang taon, magawa natin sa anim na buwan, magawa natin sa isang taon.
02:02Sabi ni Transportation Secretary Vince Dizon,
02:04hindi ibig sabihin na tuluyan ng kanselado ang proyekto.
02:07He said, go back to the drawing board is what the President's message was today
02:13because he has listened to the concerns of the residents of Metro Manila
02:20and he has also listened to experts who have informed him na mayroong mas epektibong paraan
02:30at may mga makabagong teknolohiya, sabi niya, na pwede natin gawin ito ng mas mabilis.
02:35Hati ang reaksyon ng mga motorista sa anunsyo ng Pangulo.
02:40Better mag-experiment, baka may mabas na solusyon.
02:44Parang wala rin mangyayari.
02:46Nag-propose sila ng rehabilitation tapos may ad-even pa which is mas maganda sana.
02:51Parang walang pagbabago sa Pilipinas.
02:54Dahil hindi na muna matutuloy ang EDSA Rehabilitation,
02:57kanselado na rin ang pinaplanong odd-even scheme sa EDSA
03:00na bahagi dapat ng traffic management plan kapag nagumpisa na ang construction.
03:04Patuloy namang ipatutupad ang kasalukuyang number coding scheme.
03:08Sinusubukan pa namin makuha ang reaksyon ng Department of Public Works and Highways
03:11sa DPWH para wala pa silang tugon.
03:17Ivan, higit walong bilyong piso yung inalaang budget para dito sa EDSA Rehabilitation.
03:22Babantayan natin sa susunod na buwan kung paano magbabago yung plano
03:25para matupad yung hinahangad na mas moderno at hindi binabahang EDSA.
03:30Yan ang latest mula rito sa Pasay City. Balik sa iyo, Ivan.
03:33Maraming salamat, Darlene Kai.

Recommended