Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magda hapon po, patuloy na nagpaparamdam ang epekto ng habagat at thunderstorms sa iba't ibang bahagi ng bansa.
00:08Sa kalaliman ng gabi, pinerwisyo ng masamang panahon ang Mandaluyong.
00:13Naglutangan ng mga basura at may mga patay pandaga.
00:17Nakatotok si Bea Pinlak.
00:21Nagmistulang dagat ang bahagi na to sa barangay Plainview, Mandaluyong City.
00:26Binahang ilang parte ng Mandaluyong matapos ulanin kagabi.
00:30Basura at pati patay na daga ang nagpalutang-lutang sa baha na namerwisyo sa mga tao roon hanggang kaninang madaling araw.
00:38May batang lumanguy sa baha.
00:42May ilang tao na nakisakay sa truck, pero may lumusong na sa tubig.
00:46Hindi kami makalusong, kaya lang no choice na kasi nga oras na rin, madaling araw na.
00:52Daming basura na bumabara.
00:54Lulusong talaga, kaysa hindi lulusong, hindi naman makauwi.
00:58Kanya-kanyang diskarte ang mga motorista para makatawid.
01:02Naantala naman ang pamamasada ng ilang tricycle driver.
01:06Talagpiroisyo talaga yung baha na yan.
01:08Kaya yan, hindi kami makabiyahin ang mga ayos.
01:12Hindi namin makatid yung mga pasahero.
01:13Hunting ulan lang, baha na.
01:15Gumamit naman ang rescue boat ang mga otoridad para sagipin ang ilang na-stranded sa baha.
01:21Ilang oras matapos ang ulan, hindi pa rin tuluyang humuhupa ang tubig.
01:25Ayon sa barangay, gumagana ang lahat ng pumping station sa lugar.
01:30Pero ang problema, mga baradong kanal.
01:33Sa ibang drainage po, may mga basura lang po talaga na nabablock po yung parang pinaka-way po ng tubig.
01:40Kaya medyo natatagal lang po ng konti.
01:42Yung ibang bugaw po kasi ng tubig, imbis po na papasok sa drainage, palabas po yung bugaw po ng iba.
01:49Nakikipagtulungan na raw sila sa MMDA at Mandalu yung LGU.
01:52Para matanggal ang basurang bumabara sa mga kanal at estero, sinusubukan pa namin kunin ang panig ng MMDA.
02:00Para sa GMA Integrated News, Beya Pinlak, nakatutok 24 oras.

Recommended