Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Problema pa rin ang pagbaha sa ilang lugar sa Metro Manila ngayong tag-ulan.
00:05Sinasabing nakadaragdag dyan yung mga bumabarang basura sa mga daluyan ng tubig.
00:10Kaya para sa isang grupo, hindi sapat ang mga proyekto kontrabaha.
00:15Kung hindi magiging disiplinado ang mga tao, balitang hatid ni Darlene Kai.
00:22Sa pag-ulan sa Mandaluyong, naging malaking perwisyo ang baha sa ilang lugar.
00:27Bakas din ang mga naglutangang basura pati mga patay na daga.
00:32Hindi maikakailang na ulit sa Mandaluyong ang pagbaha sa Maynila at Quezon City kamakailan
00:36na nasisi sa pagbara ng mga basura sa mga daluyan dapat ng tubig ulan.
00:42Sa Quezon City, inaayos na raw ng LGU ang drainage system sa mga lansangan malapit sa Don Antonio at Batasan,
00:47bunsod ang naranasang baha sa Commonwealth Avenue.
00:50Sabi naman ang DPWH tuloy-tuloy ang kanilang flood control project sa Metro Manila.
00:54Ngayon, ang instructions ni Presidente is we have to find a holistic solution, tubig-baha ng Metro Manila.
01:01Yung kasi yung watershed natin ng Metro Manila is nasa Sierra Madre.
01:06So sabi ni Presidente, gumawa tayo ng impounding structures pa doon
01:11para hindi tuloy-tuloy ang pagbagsak ng tubig sa Metro Manila.
01:15Pero, aminado si Bono na dahil malalaking infrastructure projects ito ay hindi yan basta-basta matatapos.
01:22Kaya, nakikipagtulungan sila sa MMDA para sa flood management program gaya ng rehabilitasyon ng pumping stations.
01:29Sinusubukan pa namin makuna ng pahayag ang MMDA.
01:32Pero nauna na nilang sinabi na gumagana naman daw ang lahat ng 71 pumping stations.
01:37Iniikot din at nililinis ng MMDA ang mga estero bilang isa sa mga solusyon sa mga basurang nakabara sa mga drainage system.
01:45Ayon sa MMDA, may 273 creeks sa Metro Manila na may kabuang haba na 570 kilometers.
01:53Sabi ng Environmental Advocacy Group na Eco Waste Coalition,
01:56hindi sapat ang flood control infrastructure sa projects.
02:00Dapat daw talagang pagtuunan ng pansin ang problema ng basura.
02:04Ang solusyon ay hindi lang manggagaling sa gobyerno, pero kailangang pagtulungan ng bawat isa.
02:11Kaya yung disiplina ng ating mga kababayan sa buwag na magtapong-tapong sa bahagi ng ating mga duty bearers,
02:17yung mga nakaupo sa gobyerno, na nasa mga lokal, ipatupad, kung hindi nasa saan sa batas,
02:23magkaroon ng segregation at stores, magkaroon ng schedule collection para hindi halong-halo.
02:29Magkaroon din ng linis yung mga drainage.
02:32Kasi yun yung itang source ng pagbabaha dahil hindi umaagos yung mga drainage natin.
02:38Darlene Kay, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended