Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/31/2025
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga na hapon po!
00:02Ngayong umiiral ang hanging habaga at ramdam na ang efekto nitong madalas na pagulan sa ilang bahagi ng bansa.
00:09Sa Tupi, South Cotabato, marami ang napinsala dahil sa mga bumagsak na kahoy,
00:15kumulan pa ng hail o mga butin-butin na yelo.
00:18Nakatotok si CJ Torida ng GMA Regional TV.
00:21Hindi magkamayaw ang mga residente sa barangay Crossing Robert sa Tupi, South Cotabato sa lakas ng ulan.
00:36Nilipag din ang mga bubong at sanga ng mga puno sa lakas ng hangin.
00:44Bubunga din sa mga residente ang hail o pagulan na mga tipak-tipak o butil-butil na yelo.
00:50Nagbagsakan naman ang mga puno sa isang taniman sa barangay Palian, Bunsod ng Ulan.
00:55Sa tala ng mga autoridad, pitong bahay mula sa anim na barangay ang napinsala matapos tamaan ng malalaking sanga ng kahoy.
01:02Ang mga natumbang puno, nagpabagal at nagpasikip din ng dalyo ng trapiko sa National Highway.
01:08Agad nagsagawa ng clearing operations.
01:11Sa tala ng mga autoridad, labing apat ang nasugatan dahil sa mga natumbang puno at disgrasya sa kalsada sa bayan ng Tupi.
01:18Nagsasagawa na ng assessment at needs analysis ang MDR-RMO.
01:22Ayon sa pag-asa, localized thunderstorms ang nanalasa sa bayan ng Tupi.
01:28Inulang din ang ilang probinsya sa Luzon.
01:32Sa kasiguran Aurora, tumagal ng apat na oras ang ulan kahapon.
01:36Wala namang naitalang pinsala o pagbaha sa lugar.
01:39Tumagal naman ng dalawampung minuto ang naging pagulan sa Nagilian, Isabela.
01:44Sa ngayon, nagbabala ang mga otoridad sa mga residente sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa lugar.
01:51Ang masamang panahon sa Aurora at Isabela, efekto ng umiiral ng ngayong hanging habagat ayon sa pag-asa.
01:58Para sa GMA Integrated News, CJ Torida ng GMA Regional TV, nakatutok 24 oras.
02:07Patay ang isang suspect sa pagnanakaw ng motorsiklo matapos makipagbarilan sa mga polis sa antipolarizal.
02:14Ayon sa mga polis na abisto ang suspect.
02:16Nang event na nito ang ninakaw niyang motorsiklo sa halagang 5,000 piso.
02:21Pero ang motorsiklo namukha daw ng buyer dahil sa social media post ang asawa ng ninakawang biktima.
02:28Naisumbong daw ito sa biktima at sa mga otoridad.
02:31Pero nandumating ang mga polis sa lugar, biglang tumakbo ang suspect na nakipagbarilan pa sa mga polis.
02:37Nagtamo ng tama ng balang suspect na dead on arrival sa ospital.
02:42Narecover ang motorsiklo pero wala na itong plaka at kulang-kulang ang mga pyesa.
02:47Nakuha rin ang ginamit na barilang suspect.
02:50Napagalaman din ang polisya na may nakabidming warrant of arrest sa kasong theft ang suspect na dati na rin nakulong dahil sa pagnanakaw.
03:01Ang resulta ng eleksyon ang isa sa mga napag-usapan ni na Vice President Sara Duterte
03:18at ng kanya amang si former President Rodrigo Duterte sa The Hague sa Netherlands.
03:23Ano kaya ang sentimiento niya sa payag ni Pangulong Bongbong Marcos na bukas daw itong ayusin ang hidwaan sa pagitan ng kanilang mga pamilya?
03:32Nakatutok si Jonathan Nandaan.
03:34Kamakailan sa unang episode ng kanyang podcast sumagot si Pangulong Bongbong Marcos kung handa raw siyang makipagkasundo sa mga Duterte.
03:44Oo, ako ayaw ko ng gulo. Gusto ko makasundo sa lahat ng tao. Mas maganda. Marami na akong kaaway. Hindi ko kailangan ng kaaway. Kailangan ko kaibigan.
03:55Happy birthday to you!
03:59Natanong tungkol dito si Vice President Sara Duterte na nagdiriwa ngayon ng 47 kaarawan.
04:06Hindi naman na siguro ako magsalita about reconciliation dahil hindi naman mahalaga siguro ang mga personal na problema ng mga tao.
04:15Ang mas mahalaga is yung taong bayan at yung bayan natin.
04:20Nasa The Hague, Netherlands ang Vice kasama ang inang si Elizabeth Zimmerman para dalawin ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
04:27Isang oras tumagal ang dalaw ng Vice sa dating Pangulo sa ICC Detention Facility.
04:32Masaya siya nung nakita niya kami kasi alam niya na lang doon kami to celebrate free birthday with him and with my mother.
04:43Napag-usapan din namin yung oath niya at pag-usapan. Pag-usapan daw nila ng lawyers niya kung paano gawin yung kanyang oath.
04:55Pero initially ang sinabi niya, I want, set me free and I will take an oath.
05:01Pinag-usapan din daw nila ang resulta ng eleksyon sa Pilipinas at si Sen. Amy Marcos na kasama niya sa The Hague pero hindi pinayagang makadalaw sa kulungan.
05:10Wala pong role si Sen. Amy sa case ni former President Rodrigo Duterte. Nandito lang siya para kausapin si Atty. Kaufman.
05:23Kung ano man yung napag-usapan nila, wala ako doon. So mas mahalaga siguro na makausap ninyo si Sen. Amy Marcos.
05:30Nagsalitari ng bises sa resulta ng May 2 to 6 survey ng SWS na 88% o halos siyam sa bawat sampung Pilipino ang nagsabing dapat sagutin niya ang impeachment complaint.
05:43Oo, I totally agree. Kasama ako dyan sa 88% na yan na nagsasabi at ako ay parang thankful sa opportunity na malinis yung pangalan ko at masagot yung mga akusasyon sa akin.
06:00Naniniwala raw ang bise na walang epekto sa kanya ang pag-usog ng Senado sa impeachment case niya mula June 2 papuntang June 11.
06:07Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, nakatutok 24 oras.
06:14Samatala, tinawag na gawa-gawa ng Philippine Navy ang ulat ng State News Agency ng China na nagsagawa ng patrol sa kanilang Navy sa Bajo de Masinluc o Scarborough Shoal. Nakatutok si Nico Wahe.
06:30Naglabas ng ulat ngayong araw ang State News Agency ng China na Xinhua na nagsagawa raw ng combat patrols ang Southern Theater Command ng Pilipino.
06:37People's Liberation Army sa Bajo de Masinluc na tinatawag ng China na Huangyan Island.
06:43Pero ayon sa Philippine Navy, kawagawa lang daw ito. Wala silang na-monitor na aktibidad ng China sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
06:51Ang ganitong uri raw ng balita ay bahagi ng tinatawag nilang Information Shaping Operations ng Chinese Communist Party para raw pahupain ang mga usapin ng ibang bansa sa pagtutol sa kanilang mga aktibidad.
07:01Ang paglabas ng ulat ng China nangyari sa gitna ng isinasagawang Shangri-La Dialogue sa Singapore, isang forum tungkol sa defense kooperasyon ng iba't ibang bansa.
07:11Ngayong taon, hindi ipinadala ng China sa forum ang kanilang defense minister.
07:15Naroon naman si na US Defense Secretary Pete Hegseth at ating Defense Secretary Gilberto Chudoro Jr.
07:21Ang ginawang talumpati ni Hegseth ay unang beses na nagsalita ang Amerika sa ilalim ng Trump administration, kaugnay sa mga aktibidad ng China sa Indo-Pacific region.
07:30Ayon kay Hegseth, prioridad ng Trump administration ng Indo-Pacific region.
07:34Nagbabala rin siya sa posibleng umanong pagsakop ng China sa Taiwan.
07:38It has to be clear to all that Beijing is credibly preparing to potentially use military force to alter the balance of power in the Indo-Pacific.
07:47We know, it's public, that Xi has ordered his military to be capable of invading Taiwan by 2027.
07:56Again, to be clear, any attempt by Communist China to conquer Taiwan by force would result in devastating consequences for the Indo-Pacific and the world.
08:06Kailangan daw dagdagan ang pondo ng mga bansa sa region para sa kanilang depensa.
08:10NATO members are pledging to spend 5% of their GDP on defense, even Germany.
08:17So it doesn't make sense for countries in Europe to do that while key allies in Asia spend less on defense in the face of an even more formidable threat.
08:27Pinuri naman ni Defense Sekretary Gilbert Chodoro si Hegseth sa ani ay magiging malaking epekto ng suporta ng Estados Unidos.
08:34Patuloy raw nilang pag-iibayuhin ng bilateral at multilateral relationship ng Pilipinas sa Amerika.
08:38It is the proof of the commitment of the Trump administration to engage in the ASEAN and the Indo-Pacific all with the vision of a free and open Indo-Pacific and of course our shared interest in upholding a rules-based international order.
08:59Kahapon naman, magkasama si na incoming Foreign Affairs Sekretary Maria Teresa Lazaro at Chinese Ambassador to the Philippines, Wang Shillian, sa pagdiriwang ng 50th anniversary ng Philippines-China relations.
09:10Ayon kay Lazaro, batid niya ang mga pagsubok na kinakaharap ng Pilipinas sa China, na ayon kay Wang ay mareresolba sa pamamagitan ng dialogue at konsultasyon.
09:18We acknowledge the challenges remain, but it is important to remember that this do not define the entirety of our engagement and our friendship.
09:29I vividly recall our joint efforts through rounds of negotiation serve as a valuable reference for the management of maritime differences
09:43and contributes meaningfully to the peace and stability in this region.
09:49Para sa GMA Integrated News, ni Kuahe, nakatutok 24 oras.
09:55Dagdag bawas sa presyo ng petrolyo ang asahan sa unang linggo ng Hunyo.
09:59At sa tansya po ng kumpanyang Uni Oil, 10-30 centimo ang posibing price hike sa kada litro ng gasolina.
10:06Posibing namang walang pag-alaw o kaya ay mag-rowback ng 10 centimo sa diesel.
10:10Ay sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy, ilan po sa nakikitang dahilan sa paggalaw ng presyo ng langis ay ang tensyon sa mga bansang pinagmumulan ng langis.
10:21Ang plano ng OPEC Plus na itaas ang produksyon sa Hulyo at ang pagbagal ng ekonomiya, particular na sa Asha.
10:29Samadala nag-anunsyo ang petro ng rollback sa LPG na piso at 75 centimo kada kilo simula bukas.
10:35At isunod daw ito sa itinaklaang contract price ng LPG para sa Hunyo.
10:40Baka puso, patuloy na nagpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon ang hanging habaga.
10:47Ayon sa pag-asa, nagdadalaya ng malalakas sa pagulan at thunderstorm sa buong Luzon,
10:51lalong-lalong na sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region,
10:55Sambales, Bataan, Batanes, Cagayan at Metro Manila.
10:59Localized thunderstorms naman ang nagpapaulan sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao.
11:04Sa rainfall forecast ng Metro Weather, posibleng light to intense rain sa bukas sa Abra,
11:10Cagayan, Mountain Province, La Union, Benguet, Pangasinan, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro,
11:16Camarines Sur, Albay at ilang lugar sa Palawan.
11:20Light to heavy rain sa man ang posibleng maranasan bukas sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.
11:25Isang mag-anak sa Bulacan, Bulacan, ang nagluluksa ngayon dahil sa sunog.
11:32Nasa Wi, ang tatlong minor de edad na magkakaanak na natrap sa sunog sa kanilang bahay.
11:38Nakatutok si Jonathan Andal.
11:39Isa-isang inilabas ang mga bangkay na nakasilid sa mga body bag.
11:50Ganyan ang mapait na sinapit ng tatlong na traps sa nasunog nilang bahay sa barangay Bambang sa Bulacan-Bulacan kahapon.
11:57Labis ang hinagpis ng kanilang mga kaanak, lalo't pamang mga minor de edad ang tatlong biktima.
12:01Kabilang ang magkapatid na si Naiara, labing-anim na taong gulang, at Iani, labing-apat na taong gulang.
12:07Gayun din ang kanilang pinsang si Jaden na isang taong gulang pa lamang.
12:11Ayon sa kapatid ng dalawa sa mga nasawi, nasunog ang isang extension wire kung saan nakasaksak ang isang electric fan sa bahay ng mga biktima.
12:19Nang katokin na raw ng nakababata nilang kapatid ang kwarto, wala raw sumasagot.
12:24Doon na raw tuluyang lumaki ang apoy.
12:26Pasado o launa ng hapon na makatanggap ng tawag ang BFP at agad rumispondi sa sunog na umabot sa unang alarma.
12:31I-dineklara itong fire out matapos ang kalahating oras patuloy na iniimbestigahan ang sanhinang sunog.
12:38Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, nakatutok 24 oras.
12:42Sa mga mabag-back to school ngayong Hunyo, may school supplies na mas nagmura po ngayong taon ayon sa DPI.
12:54Sa Pangasinan, maaga nang nagpadala ang DepEd ng mga libro para sa ilang estudyante sa bayan ng Mangaldan.
13:01Nakatutok si Darlene Kai.
13:02Sa paaralan, mas mainam kung bawat mag-aaral may kanya-kanyang libro.
13:10Lalo na at ilang linggo na lang, pasukan na.
13:13Ang DepEd, maaga nang nagpadala ng kahon-kahong libro sa Mangaldan National High School sa Pangasinan,
13:18kung saan problema raw ang kakulangan ng libro.
13:21Target ngayon ng eskalahan na bawat estudyante nila magkaroon ng tigi-isang libro.
13:25One is to one po ang magiging ratio sa ating mag-aaral ay magkakaroon po sila ng enough na resources para sa ganun ay mas higit nilang maintindihan at matutunan yung kanilang mga pinapag-aralan.
13:39Ang incoming grade 11 student na si Kevin di na kailangan manghiram sa mga kaklase.
13:44Dapat po bawat estudyante po sa amin may tigi-isang libro po para if ever na kahit wala pong paso or nasa bahay lang po ganun,
13:53pwede po kaming makapag-advanced reading.
13:56Science books ang karamihan sa mga librong ipinadala para sa mga grade 8 at senior high school students.
14:01Inaasahang may susunod pang batch na ipapadala sa paaralan bago ang pasukan sa June 16.
14:07Bukod sa mga libro, kailangan ding paghandaan at budgetan sa pasukan ang school supplies o kagamitan ng mga papasok sa eskwela.
14:16Ang good news, lalo sa mga magulang, mas bumabaraw ang presyo ng ilang uri ng school supplies ngayong taon kumpara noong 2024
14:22ayon sa Department of Trade and Industry.
14:25Sa inalabas sa price guide ng DTI, 28 sa kanayimang gamit ng mga mag-aaral ang mas mura ngayong taon kumpara noong 2024.
14:33Piso hanggang 10 piso raw ang natapya sa presyo ng mga ito.
14:37Kaya ang notebooks, salimbawa, naglalaro ngayon ng presyo sa 15 hanggang 52 pesos.
14:4211 hanggang 24 pesos ang isang piraso ng lapis.
14:44Kung bibili ng pad paper, nasa 15 hanggang 48 pesos and 75 centavos ang presyo nito.
14:51Kung may mga nagmura, may school supplies na hindi gumalaw ang presyo.
14:55Gaya ng ball pen, pantasa, pambura, crayons at rulers.
15:00Patuloy ang paalala ng DTI sa publiko na maging maingat sa pagbili ng school supplies.
15:04Lagi raw dapat tignan ng product labels at i-double check ang bibilihin para hindi lugi o madaya
15:09gaya ng bilang ng pahina ng mga notebook at pad paper.
15:13Para sa GMA Integrated News, Darlene Kain. Nakatutok 24 oras.
15:24Ang pagtataguyod ng sarili negosyo isang malaking sugal.
15:28Kaya ang ilan na ispasukin ang pagpa-franchise kung saan ang negosyo mas sumukna at mas tiyak ang kita mo.
15:35Kung magkano'ng kailangan mong bunuin para maging isang franchisee,
15:38alabid sa pagtutok ni Bernadette Reyes.
15:44Napaso sa unang negosyo niyang coffee shop si Rox kaya nagsara.
15:48Pero hindi siya sumuko sa pagtintla ng bagong negosyo.
15:52Kaya nais niyang sumukang mag-franchise.
15:54Ang hirap din mag-start from scratch.
15:57So ang isang sa mga pinakamabilis na way to create or have a business is mag-franchise.
16:03Ayon sa DTI, mas mataas daw ang success rate ng mga negosyo tulad ng mga makikita rito.
16:09So for those that are thinking of what business to get into, best for them to get into franchising.
16:15So kung anong kaya ng budget nila, dun sila.
16:18Imbis na ikaw yung mag-iimbento o mag-uumpisa ng sarili mong brand,
16:23you're already investing in a tried and tested system.
16:27Sa halagang P50,000, may mga negosyong maaaring i-franchise gaya ng Shomai at Donat.
16:34Yung P50,000 kasi napakadaling bawiin eh, di ba?
16:37Maliit yung investment sa amin.
16:39So madali nilang mababawi.
16:41Pero ang totoo, may mga franchise kami na two weeks lang nabawi na eh.
16:46Ang magkaibigang Vince at Jem sumakses bilang franchisee.
16:49Nagsimula po ako ng June 2023 and then ngayon po, April, ay meron na po akong 13 and 14 branches na po.
16:59Dalawang sasake na po and then going to three properties already.
17:04After I think three years, we're handling 23 branches nationwide.
17:09Depende sa franchise, magkakaiba raw ang mga kakailanganin.
17:13Kadalas ang hanap ng mga franchisor o mga negosyong nag-aalok ng prangkisa.
17:17Kailangan mo lang location na maganda.
17:19Sa mga dokumento, maglakip ng letter of intent, ID card o documents,
17:27pati government mandated requirements gaya ng barangay at LGU permits.
17:32Ang franchisor na si Jan, nagtayo ng homegrown brand ng Japanese food
17:36at ngayon ay may mahigit 60 branches nationwide.
17:40Pero gaya sa anumang negosyo, may mga hamon din sa franchise business.
17:44Ang kailangan lang gawin ng franchisee is to really just follow the system and follow the process.
17:50And obviously, yun talaga ang pinaka-importante, people management.
17:52Take care of your people and your people will take care of your business.
17:55Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatutok 24 Horas.
18:00Sub indo by broth3rmax
18:10Sub indo by broth3rmax

Recommended