Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/29/2025
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Walang kamalay-malay ang inang si Jennifer, hindi niya tunay na pangalan,
00:05na ang ordinaryong gabing kapiling ng anak na isa't kalahating taong gulang mauwi sa trahedya.
00:11Alas 8 ng gabi, June 21, naghapunan daw ang kanyang anak ng kanin at sabaw.
00:16Matapos ang kalahating oras, dumede raw ito bago natulog bandang alas 9 ng gabi.
00:20Around 12.40am po.
00:23Di naman po talaga ako usually na gigising ng ganong oras,
00:28pero nagising po ako kasi pakiramdam ko po na iihi ako.
00:31Nakita ko po nakadapa siya.
00:33Then naamoy ko po na parang siyang nagpoop.
00:36Nung tinihaya ko na po siya, sabi ko po, pat parang siyang sobrang lantay niya.
00:43Tapos hindi po siya nagalaw.
00:45Then nung binuksan ko po yung ilaw, nakita ko po na yung bibig po niya medyo violet na.
00:51Isinugod sa hospital ng bata at dun lumabas na marami raw liquid at pagkain na nakuha sa baga ng bata.
00:57Base sa death certificate, pneumonia aspiration ang ikinamatay ng bata.
01:01Ang ibig sabihin daw po noon, marami pong, yung mga contents po na galing sa tiyan, napunta daw po sa baga.
01:10Na ang dahilan daw po noon, dahil nga daw po, nasuffocate siya, nakadapa siya.
01:15Ang instance daw po ng tao, pag hindi makahinga, masusuka.
01:20E sa case po ng anak ko, nakadapa po siya, hindi po niya nailabas yung suka.
01:24Kaya po, doon po siya dumarit siya sa baga niya.
01:27And then, naluno daw po siya sa sarili niyang suka.
01:32Nakadapa po siya, nakaklose po ang bibig.
01:35Huwag niyo po hahayaan na kahit po sana yung anak niyo na nakadapa,
01:39huwag niyo po hahayaan na matutulog sila ng ganon kasi baka po matulad siya sa anak ko na
01:45sana na sana naman po dumapa pero ganon po yung nangyari.
01:48Ayon sa eksperto, base sa pag-aaral, hindi maganda ang pagtulog ng nakadapa,
01:53lalo na sa mga sanggol at bata.
02:18Kaya raw sa American Academy of Pediatrics, ikinakampanya ang back to sleep
02:36o pagsigurong hindi pada pa ang pagtulog, lalo na mga bata.
02:40Bukod dyan, mainam din daw na suriin kung may ibang posibleng kondisyon sa paghinga ang anak,
02:45lalo't hindi pa nila kayang sabihin ang kanilang nararamdaman.
02:49Para sa GMA Integrated News, Dano Tingkungko, Nakatutok, 24 Horas.

Recommended