Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5 days ago
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Double dago ang hinaharap ngayon na ilang taga Batangas.
00:04Apektado ang kanilang kabuhayan, hindi lang ng paghahanap sa mga nawawalang sabongero,
00:08kundi pati ng masamang panahon.
00:10At mula sa Laurel, Batangas, nakatutok lang si Von Aquino.
00:16Von?
00:17Tia, dahil sa masamang panahon, sinuspindi ng Philippine Coast Guard
00:21ang kanilang search and retrieval operation para sa mga nawawalang sabongero
00:25dito sa lawa ng taal sa Laurel, Batangas.
00:30Halos zero visibility sa taal lake dahil sa malakas at pabugsubugsong ulan
00:37dulot ng habagat na pinalakas ng bagyong krising.
00:40Pero may mga pumalaot pa rin mangingisda.
00:43Dahil din sa masungit na panahon, hindi nakapag-search and retrieval operation
00:47ang mga technical diver ng Philippine Coast Guard para sa mga nawawalang sabongero.
00:52Nasa evacuation center ang mga residente ng Sityo Bucal, Barangay Gulod sa Laurel, Batangas,
00:57na nagsilikas kahapon.
00:59Hinatiran sila ng tulong ng provincial at local government at DSWD.
01:03Dahil ang operation nga po natin ngayon ay almost 24-7 na kahapon pa po kami
01:09nag-aabiso sa kanila na lumikas na sila sa mga lugar na kung saan para maging safe po
01:14ang bawat isa.
01:16Dala pa raw ng mga residente ang takot mula sa bagyong kristi noong isang taon.
01:20Pag nabuhos ang malakas na ulaan na, akyat na po.
01:23Talagang pagka na ulaan, tas may baha, kahit anong ginagawa, iniiwanan na.
01:28Dahil doon po nung huling kristin po ay may natabunan.
01:30Tas yung mga bahay was out talaga.
01:32Dobleng dagok naman sa evacuee na si Isabel Solis ang masamang panahon at mahinang kita
01:38sa pagbibenta ng tawilis at tilapia dahil sa search and retrieval operations sa lawa.
01:43Paano naman po ay marinig ng mga nanonungkulan ng aming hinahing na tama-tama na tigilan na yung mga isyo na yun,
01:52nakakaawa na yung mga naghahanap buhay.
01:55Hindi na po namin alam kung saan kami kukuha ng aming ikabubuhay.
01:5853 pamilya ang voluntaryong lumikas at nakisilong muna sa kanila mga kaanak sa ibang lugar.
02:04Bukod sa bayan ng Laurel, malakas din ang ulan sa ibang bahagi ng Batangas tulad sa Tanawan at Talisay.
02:13Pia, ayon kay PCG spokesperson Noemi Kayabia,
02:18posibleng bukas na lang nila ituloy yung search and retrieval operation kapag bumuti na yung panahon.
02:23Sa ngayon kasi Pia ay pabugso-bugso pa rin yung malakas na ulan dito sa Laurel, Batangas.
02:29Pia?
02:30Maraming salamat, Von Aquino.

Recommended