Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Wala na po sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Crising, pero makaka-apekto pa rin ba ito sa bansa?
00:06Alamin po natin ang latest sa panahon mula kay Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center.
00:13Amor!
00:15Salamat Pia mga kapuso, kahit nasa labas na nga ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Crising
00:21at ibinaba na po ng pag-asa ang lahat ng wind signals.
00:25Magpapatuloy po yung pabugso-bugso mga pagulan at hangin na sa ilang bahagi po ng ating bansa.
00:30Dahil pa rin sa habagat.
00:32Huling namataan ang pag-asa ang severe tropical storm, Crising na meron pong international name na WIPA,
00:37345 kilometers, kanlunan po yan ng Itbayat, Batanes.
00:41Ang pagkilos po nito ay pa-west-northwest sa bilis na 20 kilometers per hour
00:46at tinutumbok na po nito ngayon ang southern China.
00:49Wala na wind signal pero may gale warning pa rin po sa northern seaboards po yan ng northern Luzon
00:55kaya hindi pa rin po ligtas po malaot yung maliliit na sasakyang pandagat.
00:59Habang patuloy ang paglayo ng bagyo dito po sa Pilipinas,
01:02hinahatak at pinalalakas pa rin po nito yung hanging habagat
01:06at yung paghampas po nitong habagat lalong-lalong na dito sa western sections po ng ating bansa,
01:11yung dahilan kung bakit maraming lugar pa rin ang nakakaranas ng mga pag-ulan.
01:17Base po sa datos ng Metro Weather, posibleng maulit yung mga pag-ulan ngayong gabi.
01:21Dito po yan sa malaking bahagi po ng Luzon,
01:23kasama po dyan ang ilang lungso dito sa Metro Manila,
01:27pati na rin po dito sa may western Visayas at ganoon din dito sa may western part ng Mindanao.
01:32Bukas ng umaga, may mga pag-ulan din po dito yan sa Ilocos Provinces,
01:36La Union, Pangasinan, Central Luzon, kasama po dyan ito pong Zambales at Bataan,
01:41Calabarzon, ganoon din po dito sa may Mindoro Provinces,
01:45at pati na rin dito sa Bicol Region.
01:47Sa hapon naman, halos buong Luzon na po ang makakaranas ng mga pag-ulan.
01:51May mga matitiding boost ng ulan pa rin sa ilang lugar,
01:54kaya po nananatili yung banta na mga pagbaha o di kaya naman ay landslide.
01:59Dito naman sa Metro Manila, mataas pa rin po ang chance sa mga pabugsu-bugsong ulan bukas
02:04gaya po nang naranasan natin kanina, pero posigli po na bahagya naman po itong mabawasan,
02:09pero patuloy po natin niyang imonitor sa rainfall advisories ng pag-asa.
02:14May mga pag-ulan din sa Visayas, lalo na po dito sa Panay Island at pati na rin sa Negros Island Region.
02:21At meron naman mga panakanakang ulan dito po yan sa ilang bahagi ng Central at ng Eastern Visayas.
02:27Dito naman sa Mindanao, bahagya pong mababawasan yung mga pag-ulan.
02:30At kalat-kalat na lang po yan dito sa May Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga
02:35at pati na rin sa ilang bahagi po ng Soxargen.
02:38Sa atin namang extended outlook, posibli pong magpatuloy ang maulang panahon sa lunes,
02:44lalong-lalo na dito sa western sections po ng Luzon at ng Visayas.
02:48Pero dito may mga nakikita rin po tayong mga pag-ulan sa May Cagayan Valley,
02:51Bicol Region at ilang bahagi rin po ng Eastern Visayas.
02:54Halos ganito rin po sa Martes pero may mga pag-ulan na rin dito po yan sa malaking bahagi ng Mindanao.
03:02Yan po ang latest sa lagay ng ating panahon.
03:04Ako po si Amor La Rosa.
03:05Para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.

Recommended