Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa pagsisimula ng mandato ng mga bagong halal na opisyal ng gobyerno bukas,
00:04ibinahagi ng ilang botanti ang kanilang inaasahan pagbabago at hiling para sa ating bansa.
00:09Nakatotok si Rafi Tima.
00:16Bukas opisyal lang uupo ang mga nahalal sa 2025 midterm elections,
00:20simula ng tatlong taong paninilbihan, maliban sa labindalawang senador na uupo ng anin na taon.
00:25Ayon sa UP National College of Public Administration and Governance ONCPAG,
00:29mayorya ng mga nahalal sa mga LGU, mga dati nang nakaupo sa pwesto.
00:33Kaya naroon pa rin daw ang pananaw na halos parang walang nagbago.
00:37Ang kaibahan lang daw sa katatapos na eleksyon,
00:39nagpakita ng lakas ang mga kabataan at nakita ang resulta nito sa senatorial race.
00:44The 31% youth vote parang spelled the difference.
00:49May pag-asa pala tayo na, kasi surprise yun eh, diba?
00:53At yun nga, despite the parang surveys before the elections,
00:58ang napunta sa magic five ay yung mga hindi natin inaasahan.
01:03Sa datos ng GMI Integrated News Research sa kabuuan,
01:0718,255 na opisyal ang magsisimula ng kanilang mandato bukas mula sa mga senador,
01:13kongresista, governors, vice governors, sangguniang panalawigan,
01:17mayors, vice mayors at mga sangguniang bayan.
01:21Mas marami ng 155 opisyal ang nahalal ngayong taon kumpara noong 2022
01:26dahil sa isang bagong nadagdag na probinsya at walong bagong munisipalidad.
01:30Tinanong namin na ilang kapuso kung anong inaasahan nila sa mga bagong halal na opisyal.
01:34Kung ano yung nagagawa noong nakaraan, previous nga nakaupo,
01:38kung maganda na yung ginagawa niya, dapat plamangan niya para ang mga tao,
01:43okay yung kabuhayan.
01:45Gawin nila yung best nila at saka sa platforma nila,
01:52yung magagandang mga plano nila, gawin nila ngayon, tuparin nila ngayon.
01:58Yung mga pinangako nila, dapat tuparin pa rin nila yun.
02:01Kung hindi naman nila natupad, para saan pa po yung e-elect nila.
02:06Huwag puro pangako, kasi pag sa kampanya, malakas sila,
02:09pinapasok nila lahat ng iskinita.
02:12Pero pag nanalo na, hindi nila mabisita ko sino yun nasa laylayan ng lipunan.
02:18Nainasahan ko sana magkaroon ng trabaho yung mga nahira po makahanap ng trabaho.
02:25Lalo na yung mga katulad ko na 21 years old yun.
02:29Tsaka yung pagbaba ng presyo na bilhin.
02:32Ang laging napapansin ko, ang ginagawa, laging maayos na kalsan.
02:37Tapos yung sira, hindi nila napagtutuonan ng pansin.
02:39Ang ginagawa nila, yung sira, yung mga at buo, yun yung binabakbak nila.
02:43Ba't kaya ganun?
02:44Hindi ko alam. Siguro, ando din yung pondo.
02:47Si Aling Adelita, na pansamantalang nakatira sa isang waiting shed,
02:50aminado ang bumoto ng ibang kandidato dahil hindi daw tinupad ng kanyang dating ibinoto ang kanyang pangako.
02:56Sabi doon sa staff niya, tulungan mo to alma, pakitapos wala naman.
03:01Kaya yun.
03:02Ang ngayon, wala pa rin?
03:03Wala pa rin.
03:04Itong bago nga, nakakasigurado kung makakatulong sa amin.
03:09Paalala ng NCPAG, hindi dapat natatapos sa pagboto ang responsibilidad ng mga butante
03:14dahil bahagi ng obligasyon ng taong bayan ang singilin ang kanilang mga leader
03:18sa tuwing sila ay may pagkukulang.
03:21Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Oras.

Recommended