Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Halos anim na taon na mula nang mangyari ang Gretchen Diez incident, ang trans woman na na-discriminate matapos gumamit ng women’s restroom.

Hanggang ngayon, mainit na usapin pa rin ang tungkol sa pagbibigay ng restroom access sa mga trans individual.

Bakit nga ba mahalaga na magkaroon ng maayos na restroom access ang trans community? Here’s what you #NeedToKnow.

Category

🗞
News
Transcript
00:00Not to ring ang comfort room, pero may mga pagkakataong tila nagdudulot pa ito ng discomfort sa mga trans individual.
00:08Ang simple yung paggamit ng banyo sa eskwelahan, trabaho o mall, nagiging hassle pa at minsa'y nagdudulot ng hindi magandang karanasan para sa ilang mga kababayan nating miyembro ng LGBTQIA plus community.
00:23Why does restroom access matter for trans people?
00:28Hi, I'm Dano Tingkongko and here's what you need to know.
00:36Throwback muna tayo to August 2019.
00:39Si Gretchen Diaz na isang trans woman, hinarang at hindi pinayagang gumamit ng women's restroom sa isang mall sa Cubao.
00:48Kumalat agad ang video ng insidente. Marami ang nagprotesta.
00:53At ang iisang panawagan, ipasa na ang sexual orientation and gender identity and expression equality o SOGI equality bill.
01:02Yung discrimination within the bathroom or within the restrooms do exist and mistreatment can happen.
01:10And that's why it's so important to have such policies in place para hindi mangyari yung ganun.
01:16Unfortunately, policies are not yet as established. Kaya ganun pa rin yung nangyayari.
01:24Takot at diskriminasyon ang nagtutulak sa ilang trans people na iwasan ang public restrooms.
01:31Yung maliit na espasyong inaasahan sana nilang maging safe space.
01:36And not so safe space pa rin ba ngayon?
01:38Ang comfort rooms nandiyan to give us relief or comfort.
01:42Di ba? Kailangan natin siya. Kasi pag meron natin yung conference, tapos may break ang tawag ay biological break.
01:48Kasi lahat tayo kailangan gumamit niyan.
01:50At dahil doon sa kawalan ng access, naaapektohan yung well-being ng mga tao.
01:55I know of people na hindi mo naiinom ng tubig kung sila ay papasok sa trabaho o pupunta sa skwela.
02:01Precisely because ayaw nilang mag-restroom kung nasaan sila because they do not feel safe.
02:05And now, all gender restrooms are starting to appear in different spaces.
02:11Nakadesenyo ito for everyone, kasama ang trans community.
02:15We just have to insist na it's not a special privilege we're asking.
02:22Hindi naman tayo nag-a-ask for more than what is available.
02:25If ayaw nyo kaming bigyan ng access to the kind of restrooms that we feel most comfortable in,
02:32and then siguro that all gender restrooms will be beneficial for everyone.
02:37I think magandang ano din yung initiative kasi it doesn't only serve the LGBT people,
02:43but actually anyone, kaya siya all gender restrooms.
02:47Anyone can use it.
02:48It's a private space.
02:49Regardless of how you present yourself, however you express yourself,
02:54pwede mo siyang gamitin and mas open.
02:57May mga lungsod at institusyon na nga sa Pilipinas na nagpasa ng ordinansa para magpatayo ng all-gender restrooms.
03:05Isa itong hakbang tungo sa isang mas inklusibong espasyo para sa lahat.
03:11Pero ayon kay Akbayan Representative Percy Sendanya, higit pa ito sa mga restrooms.
03:16May mas malalim pang adhikain na kailangan isulong kasama ng mga ordinansang ito.
03:22Napakalaga sa kasama ng ating mga ginagawang panukalang batas ay yung ating plano kung paano siya efektibong ma-implement.
03:31Halimbawa, yung usapin ng gender-neutral restrooms, di ba?
03:34Mayroon bang kasamang edukasyon ito para sa mga tao?
03:38Nasa ganun, mas maging madulas yung pagtanggap.
03:41Kasi itong usapin ng restroom, hindi ito isang simple structural issue lamang.
03:45Yes, kailangan yung engineering solution, pero mas mahalaga yung consciousness raising.
03:49Dagdag din daw sa hamon ang kawalan ng pambansang batas na magpapatibay pa sana sa mga umigiral na ordinansa
03:58at magbibigay ng dagdag na proteksyon sa trans community laban sa diskriminasyon.
04:04Mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas, pending pa rin ang SOGI Equality Bill
04:10na magpoprotekta sana laban sa diskriminasyon base sa sexual orientation, gender identity, at expression ng isang tao.
04:19Pag wala ka kasing pambansang batas, madalas ginagamit itong dahilan ng mga tao para hindi gawin yung kanilang responsibilidad, yung kanilang duty.
04:27Kung meron kang pambansang batas, you're sending a strong signal na bawal talaga ang diskriminasyon
04:31at dapat may pantay na akses at karapatan ng bawat isa.
04:35Maraming nagsasabi na, eh, panggap naman ang mga LGBTQIA+, dahil sa mga nakikita nilang personalidad sa media.
04:43Ayon sa isang pag-aaral noong 2024, may high level of acceptance daw ang mga Pilipino sa LGBTQIA+, community.
04:54Pero ang tanong, ramdam ba yan ng community?
04:57Base sa isang national survey noong 2024, 58% ng LGBTQIA+, youth sa Pilipinas ang nagsabing
05:06hindi nila naramdamang sila'y ligtas o tanggap sa tahanan, eskwela o komunidad na kanilang kinabibilangan.
05:15Somehow, we can say na conditional pa yung acceptance ng Filipino society towards LGBT people
05:23kasi we still do not enjoy the same rights as everyone else.
05:28Something like the Sojie Equality Bill ay hindi pa rin na ipapasa.
05:33So, parang from there, pwede natin sabihin na hindi pa rin ganun kabukas ang society with giving us equal rights.
05:42Sinasabi nila na tayo daw ay tanggapin ng lipunan.
05:45Ang sagot ko dyan ay hindi ito totoo.
05:47Dahil naririnig pa rin natin maraming pamilya ang hindi kayang tanggapin na kanilang mga anak na beki,
05:52lesbiana or transgender, maraming workplaces pa rin na ang safe for queer people
05:57at maraming pa rin educational institutions ang nagtuturo lamang ng binary genders.
06:02So, sa dulo, malayo pa tayo kasi nangyayari pa rin ang diskriminasyon sa ating pang-araw-araw na buhay.
06:10Inclusivity ba ka mo?
06:11E di dapat merong matatag na batas, merong malawak na pang-unawa ang publiko,
06:17at merong praktikal na solusyon sa infrastruktura.
06:21The more we talk about our experiences, the more naman naiintindihan yung mga struggles natin,
06:27yung mga pinagdadaanan natin.
06:29And sa marami namang mga nakausap na natin during our seminars, our workshops, or even our events,
06:36nagiging bukas naman sila.
06:37Kasi tao-tao lang naman to eh, kwentong tao na kayang intindihin ng kapwa-tao.
06:43Ang hamon ko nga sa mga tao at kumpanya at organisasyon na nagdidiwang ng Pride Month,
06:48baka dapat may kasama itong actual policy and program changes
06:53to encourage yung totoong diversity, equity, at inclusion.
06:56Kasi sa totoo lamang, yung isapin ng restroom para sa transgender women,
07:00isa lang yan sa maraming isong kinakaharap na mga kapatid nating LGBTQIA.
07:04Hindi sapat na bumati lang ng Happy Pride.
07:06There has to be action and actual steps kapag sinabi natin yung Happy Pride.
07:11Pag nagsabit dapat ng Pride vlog ang isang kumpanya,
07:14dapat meron silang gender affirmative policies,
07:17dapat in-place yung mga pulisya kung paano magre-reklamo
07:20kapag nakaranas ang diskriminasyon.
07:23At dapat nakapagdaan sa matinding education session,
07:26ang bawat isa, nasa ganun maging mas makatao at mapagtanggap yung workplace na iyon.
07:31At the end of the day,
07:33ang paggamit ng banyo ay basic need ng bawat tao.
07:37Walang dapat humadlang sa isang simpleng karapatan
07:41na makagamit ng banyo ng walang takot o pangamba.

Recommended