- 6/22/2025
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Hanggang dibdib, ang bahang idinulot ng malakas na ulan sa baragay Santo Domingo sa Quezon City.
00:07Sa kuha ng CCTV, mag-aala 5 ng hapon kahapon,
00:11ang biglang tumaas ang tubig sa bahagi ng Don Manuel Street.
00:15Ilang residente rin ang lumusong sa lagpas tuhod na tubig sa Santo Domingo corner Calamba Street,
00:21habang inaanod ang mga lumulutang na basura.
00:24Sa bahagi ng Calamba corner Don Pepe Street, isang lalaki ang lumusong sa abot dibdib na baha.
00:30Kanina naglinis sa kalsada ang ilang residente.
00:33Ngayong hapon, may thunderstorms sa ilang bahagi ng Metro Manila.
00:37Ang iba pang balita, kaugnay ng lagay ng panahon, abangan maya-mayala.
00:46Maginahapon po, direkta ng inatake na Amerika ang Iran.
00:49At tatlong nuclear facility ng Iran ang binomba ng US military ayon kay President Donald Trump.
00:55Kabilang dyan ang pasilidad na dahil nasa ilalim ng lupa ay tinarget ng bombang
01:00kayang bumaon at sumabog sa ilalim na Amerika lang daw ang meron.
01:05Nakatotok si Mav Gonzalez.
01:07The US military carried out massive precision strikes on the three key nuclear facilities in the Iranian regime.
01:18Iran's key nuclear enrichment facilities have been completely and totally obliterated.
01:25Hindi pa man tapos ang sariling deadline para umaksyon sa hidwaan ng Israel at Iran,
01:29inihayag na ni US President Donald Trump na binomba ng Amerika ang mga nuclear facility ng Iran sa Fordow, Natanz, at Isfahan.
01:38Base sa ulat ng isang local media, sinabi ni Trump na anim na bunker buster bombs ang inihulog ng militar sa Fordow,
01:45Habang ang iba pang nuclear sites, pinuntir yan ng 30 Tomahawk missiles.
02:02Isang di nagpakilalang US official ang nagsabing nagpalipad sila ng B-2 bombers,
02:07ang jet fighter na kayang magdala ng mga bombang bumabaon sa lupa para mapasabog ang mga underground facility ng Iran.
02:14Banta ng Amerika sa Iran, kung hindi ito titigil sa mga pag-atake sa Israel,
02:19hindi dito nagtatapos ang pagtarget nila sa ibang pasilidad ng Iran.
02:23There will be either peace or there will be tragedy for Iran far greater than we have witnessed over the last eight days.
02:31But if peace does not come quickly, we will go after those other targets with precision, speed and skill.
02:39Nagpasalamat naman ang Prime Minister ng Israel sa Amerika.
02:43Congratulations President Trump.
02:45Your bold decision to target Iran's nuclear facilities with the awesome and righteous might of the United States will change history.
02:55President Trump, I thank you.
02:58Naalarma ang Secretary General ng UN saan niya'y banta sa kapayapaan at seguridad sa iba't ibang bansa.
03:05Panawagan nila sa iba pang bansang kasapi ng UN na pahupain ang tensyon.
03:10Nagpahayag din ang pagkabahala sa aksyon ng Amerika ang iba't ibang bansa.
03:14Habang ang grupong hutis sa Yemen, nakampi sa Iran, nagsabing handa silang gumanti.
03:19Ang Iran, palaban pa rin.
03:21Gumuhit sa langit ng Jerusalem at West Bank ang mga bakas ng Iranian missiles.
03:25Pero ayon sa kanilang Prime Minister, lubhang mapanganib ang nangyari.
03:29Sumulat na sila sa UN para kundinahin ang ginawa ng Amerika
03:33na anila paglabag daw sa UN Charter at International Law.
03:37Giyat ng Iran, ang kanilang nuclear program ay para sa kapayapaan.
03:41Pero naniniwala ang Israel at Amerika na puspusan ang nuclear weapon program ng Iran
03:46ayon sa defense analyst at profesor na si Dr. Renato de Castro.
03:50Ang issue ng Amerika ng Israel, bakit ka nag-enrich ng uranium?
03:56Kasi pag nag-enrich ka ng uranium, ginagamit mo na yung mga,
04:00kumbaga yung nuclear, yung component na paano mo gagamitin sa buba.
04:06Sa isang social media post, muling nagbanta si Trump na anumang pagganting gagawin ng Iran
04:11ay hihigatan ang puwersa ng Amerika.
04:13Ayon sa mga defense analyst, ginawa lang ng Amerika ang salili bilang target.
04:18Sabi pa ng defense analyst na si Dr. Renato de Castro,
04:21sa puntong ito, walang katiyakan kung ano pang bansa ang maaaring madamay.
04:26War is in the realm of uncertainty.
04:28Pag inukisahan mo na talaga yung gulo,
04:30hindi mo malalaman kung paano magre-react yung kalaman at sino yung patasok.
04:36Pero asahan na raw na maapektuhan nito ang mga OFW pa din ang presyohan ng petrolyo.
04:42Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez nakatutok 24 oras.
04:49Nakuna na video ang sinasabing pagpapasabog ng isa sa tatlong nuclear facilities sa Iran
04:54na tinarget ng pambobomba na Amerika.
04:56May tina kumislap din na nakita sa kalayuan.
05:08Kuha ito sa Isfahan, kung saan ang isa sa tatlong nuclear facility ng Iran
05:13na pinasabog ng U.S. military.
05:16Hindi pa ma-verify ka ng Reuters ang petsa ng nakunang video.
05:21Pero itong maraw ito sa mga lokasyon sa Isfahan.
05:25Nagpapatawag ng pulong kagnay rito ang International Atomic Energy Agency.
05:29Wala pa naman daw silang nadidetect na mataas na antas ng radiation matapos ng pag-atake.
05:39Kahit umiira lang Alert Level 3 o Voluntary Repatriation sa Israel at Iran,
05:43may mga OFW sa Israel na nagdadalawang isip umuwi sa kabila ng panganib.
05:48Nakatutok si JP Suryan.
05:50Sa pag-ulan ng long-range ballistic missiles ng Iran sa Israel,
05:58nadamay ang hotel sa Tel Aviv kung saan nagtatrabaho ang mga OFW na si Ann at Michelle,
06:04hindi nila tunay na pangalan.
06:06Matapos magtago sa bomb shelter, tumambad sa kanila ang epekto ng pambobomba.
06:24Ay Diyos ko Lord!
06:26Bumasak yung elevator!
06:28Bumasak yung elevator!
06:30Bumasak yung elevator!
06:32Bumasak?
06:34Bumasak?
06:35Bumasak?
06:36Bumasak?
06:37Bumasak?
06:38Nung time po na sumabog, nandun kami sa shelter.
06:44Narinig namin yung kalabog, nakita namin yung pagyanig ng dinding, ng kisame, yung alikabog.
06:55Doon na namin nakita kung gaano ang sira na nangyari sa tinitirahan namin.
07:00Doon na kami talaga kinilabutan ng sobra.
07:08Ang mismong embahada sa Israel sa Pilipinas, first time din na dinig ang matitinding pagsabog sa nakalipas na maraming taon.
07:18Yung foundation ng embassy, yung chancery building na medyo gumala, yung parang nag-vibrate. So since June 13, ngayon lang namin naramdaman yung gano'n na meron may impact.
07:37Opisyal nang isinailalim sa alert level 3 ang Israel at Iran, bunsod ng mahigit isang linggo na nilang gantihan ng airstrikes.
07:46Voluntary ang pag-uwi ng mga Pinoy kapag level 3. Pero ang mga hotel worker na nakausap ng GMA Integrated News, hindi pa raw muna uuwi.
07:56Pag umuwi ka ng Pilipinas, makakatanggap ka ng halaga sabihin na natin na 150,000. Ilang weeks mo lang siya magagamit, mag-a-apply ka pa ulit. Sana kukukuha ng source. Sana kukukuha ng panggastos ko.
08:11Kung sakali raw na itaas sa alert level 4 o mandatory repatriation ang status sa Israel, may panawagan ang mga OFW.
08:21Yung isure na meron kaming employer na pwedeng ma-applyan agad.
08:24Ang Pilipino namang kritikal at naoperahan. Nasa ICU pa rin at kailangan ng isa pang operasyon kapag naging stable na ang kondisyon, ayon sa embahada sa Tel Aviv.
08:36Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano. Nakatutok 24 oras.
08:45Sabigang buhos ng malakas na ulan, muling nalubog sa baha ang ilang lugar sa Metro Manila.
08:50At ang ilang residente nagbangka para makatawid. Nakatutok si EJ Gomez.
08:55Dulot ng malakas na ulan, malawak ang baha ang naranasan sa Maynila kahapon.
09:04Ang Espanya Boulevard nagmistulang ilog.
09:08Dahil lampas binti ang baha, ang ilan sumakay na ng bangka.
09:12Umabot yan hanggang sa Dapitan Street.
09:15Sa Maceda Street, gutter deep ang baha.
09:18May iba rin sinuong ang baha sa Kundiman Street sa Sampaloc.
09:21Yung mga tao po, naglakad na lang silang, nabuhat-buhat nila yung mga sapatos nila.
09:28Kasi yun, basang-basa po talaga sila.
09:31Sa Kundiman Street, marami po ang mga pinasok ng baha.
09:34Kasama po dito yung bahay po ng mga officials.
09:38Ang residenteng ito, inangat ang mga gamit para hindi mabasa ng baha.
09:44Kabi-kabilang traffic ang dinulot ng baha.
09:46Gaya sa Demasalang Street, Salaunlaan Road at Maria Clara Street.
09:52Sa Espanya, halos bus na lang ang dumaraan noong kasagsaga ng malakas na ulan.
09:57Wala, piktado po talaga kami kasi hindi kami makapamasara.
10:00Sobrang traffic, hindi alas hindi na gumagalaw.
10:03Ang traffic umabot hanggang mag-aalas 11 kagabi.
10:07Gaya sa Blooming Street.
10:09Ito yung kahabaan ng New Antipolo Street sa Tondo, Maynila,
10:11kung saan umabot daw hanggang sa tuhod ang baha ayon sa mga residente.
10:15Kita sa aking gilid ang mga basura na naglitawan noong kasagsaga ng baha.
10:21Minabot po hanggang tuhod po.
10:24Then ito nga po yung mga basura, naglabasan po ma'am.
10:27Tapos yung mga dagarin po, ayon niya, nakakadiri, nakakasuka.
10:32This month po actually, nag-ano po kami, nag-declogging.
10:35Bali, meron naman po tayong weekly cleanup drive po.
10:37Tapos, parati pong pinapaalanahan po yung mga residente po na huwag basa-basa mag-ano ng mga kalat
10:45o magtapon po sa mga drainage.
10:48Pasado alas 10 ng gabi, nang humupa ang baha sa Maynila.
10:52Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
10:58Mga kapuso, tatlong weather systems ang nagpapaulan sa bansa ang iyong araw
11:04ayon sa pag-asa Intertropical Convergence Zone o ITCZ
11:08ang nagdadala ng maulap na panahon na may kalat-kalat na pagulan at thunderstorms
11:12sa Davao Region at Surigao del Sur.
11:14Habagat po Southwest Monsoon naman ang nagpapaulan sa Metro Manila,
11:18Calabar Zone, Soxargen, Pangasilan, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at Palawan.
11:23Ngayon din sa Bicol Region, Western Visayas, Negros Island Region, Zamboanga Peninsula,
11:29BARM at natitirang bahagi ng Central Luzon at Mimaropa.
11:34Localized thunderstorms ang nagpapaulan sa natitirang bahagi ng bansa.
11:38Sa rainfall forecast ng Metro Weather, light to intense rains
11:41ang posibleng maranasan bukas sa malaking bahagi ng Luzon,
11:44lalo na sa Zambales, Marinduque, Quezon, Aurora at Oriental Mindoro.
11:49May chance rin ng light to intense rains sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.
11:53Light to Mother with Rain Saman sa Metro Manila simula bukas ng umaga.
11:58Hanggang gabi.
Recommended
10:23
|
Up next
10:44
10:05
13:58