- 5/31/2025
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Patok sa mga turist at residente ang isang tulay sa ibabaw ng Kawitan River sa Santa Catalina, Negros Oriental.
00:08Iba-iba ang trip ng mga nagsiswimming doon.
00:11May nag-fairy walk. Meron ding tumatalon para mag-dive sa malinis at kulay-asul na tubig.
00:19Maraming kabataan ang nagtatampisaw sa tubig at nag-picnic sa mga cottage.
00:23At ayon sa mga residente, noon pa man, ay naliligo na sila at naglalaba sa tabi ng Kawitan Bridge na itinayo noon pang 1953.
00:34Paalala naman ang mga barangay officials, panatilihing malinis ang ilog at ang paligid nito.
00:44Hirap daw mag-focus. Sa isang bagay ay ang 35 years old na businessman na si Carjeet.
00:50Minsan, may kausap siya sa telepono. Pero ilang minuto lang, magsusulat na siya.
00:55Kapag meron akong ginagawa, naghahanap na naman ako ng panibagong gagawin.
01:01Habang nagdidiscuss ako sa kausap ko, naiisip ko na naman mo yung susunod kong gagawin.
01:06Ganyan din daw ang TNVS driver na si Crisanto Belista.
01:10Nagse-cellphone habang nanonood ng TV o lumilipad ang isip habang kumakain.
01:16Minsan naman, hindi mo pala tapos yung ginagawa mo, nag-focus ka na sa iba.
01:20Kaya minsan hindi mo na tuloy yung ginagawa mo na dapat pokusan muna muna na matapos mo.
01:25Ayon sa isang eksperto, bata man o matanda, posibleng may short attention span.
01:31Ang taong hirap mag-focus, tila nahihirapan o walang matapos na mga gawain,
01:36lalo na kung mahilig mag-multitask, mahinang memorya o hirap matandaan ang tasks at mabilis may rita o mainis.
01:44Maraming factors in terms of mental health, pwedeng due to stress.
01:50Lalo na kung marami kang iniisip, hindi makapag-focus yung mind mo kasi maraming kailangan na sikasuhin.
01:57Yung inability to focus can be a symptom of depression, lack of concentration, anxiety.
02:04Maari rin umigsi ang attention span kung kulang sa tulog sa bitamina o nutrisyon o sa exercise.
02:10Posible rin makaranas ng short attention span ng mga batang may attention deficit hyperactivity disorder o ADHD.
02:19Nakikita rin sa niyong pagkababad sa gadgets.
02:23Yung with the advent of technology, na parang mabilis lahat na yung information in one click,
02:30nakukuha na kaagad or nakaka-obtain ka na.
02:34Payo na mga eksperto para maiwasan ang short attention span, bawasan ang screen time, maging mindful.
02:42Ibig sabihin, take one task at a time.
02:45Kung mabigat o marami ang dapat gawin, hati-hatiin ito at live in the present.
02:51Tiyaking sapat ang tulog.
02:53Kumain ng masusustansyang pagkain at mag-exercise.
02:57Saka magpakonsulta sa doktor kung kinakailangan.
03:00Para sa Jimmy Integrated News, Katrina Son, nakatutok 24 oras.
03:09Ang usapang beauty, madalas iniugnay sa mga kababaihan.
03:13Pero naniniwala si pambansang ginoon, David Licaco,
03:16na walang pinipining kasarian to look good and feel good.
03:20Ang pogi tips ni David, alamin sa aking chika.
03:22Hindi daw dapat accepted ang guys when it comes to looking good.
03:30David Licaco swears by the OG ways to look good and feel good.
03:36Yung pag-workout, it gives us endorphins.
03:38Happy hormones.
03:39Yeah, yung happy hormones.
03:40So for me, it's really part of my routine the past, I don't know,
03:4410 years to work out every single day in the morning.
03:47Even twice a day, actually.
03:49Isinisingit daw talaga ni David ang pagpapapawis.
03:52Kahit busy ang kanyang schedule.
03:55I make time.
03:55Syempre, if you want something, you will make time, di ba?
04:00To glow outside, kailangan din in-nurture ang inyong katawan on the inside
04:06by eating healthy and hydrating.
04:09For me, I just drink a lot of water and a proper skincare routine at night.
04:16And then vitamins.
04:18Lilipad pa Hong Kong si David para sa Independence Day celebration doon.
04:22Hatid ng GMA Pinoy TV.
04:25Excited siyang makabonding ang mga Pinoy doon for a day of fun and entertainment.
04:31Syempre, yung mga OFW na nasa Hong Kong, sana ay makapagbigay tayo ng saya sa kanila
04:38dahil syempre, pagod sila sa trabaho, na-miss nila yung pamilya nila.
04:42So, siguro kapag may pumunta doon ng artista o na actor, eh baka makataste sila ng Philippines somehow.
04:51Yung glimpse of the Philippines, di ba?
04:53Yun, a slice of hope.
04:54Bago yan, lumahok si pambansang ginoo sa flood disposal ceremony ng Boy Scout of the Philippines kahapon sa Imus Heritage Park sa Cavite.
05:03Bilang isang scout ambasador, privilege daw para sa kanya, na masaksihan at maranasan ang tradisyong ito ng pagsusunog ng mga lumang watawat ng Pilipinas.
05:14Ikinagulat ng isang komunidad sa South Africa ang isang naligaw na bisita.
05:31Isang napakalaking seal.
05:33Is this for real?
05:34Kuya Kim, ano na?
05:40Tiyak man lalaki rin ang inyong mga mata kung ito makakasalubong mo sa kalsada.
05:45Isang malaking seal.
05:46Ang elephant seal na tinatayang nasa dalawang tonelada ang bigat.
05:50Naligaw ka makailan sa isang pamayanan sa South Africa.
05:54Ang mga otoridad, agad na nagsagawa ng operasyon para marescue yung seal.
05:58Ligtas daw itong nakauwi sa kanyang tamang adres sa taga.
06:05Pero alam niyo ba kung bakit tinawag na elephant seal ang mga seal na ito?
06:08Kuya Kim, ano na?
06:12Yan ay dahil sa pisikal na anyo.
06:14Ang mga lalaking elephant seal kasi may malalaki at mahabang ilong na parang trunk ng elepante.
06:19Ginagamit nila ito para gumawa ng malalakas na tunong tuwing breeding season.
06:25Malalaki rin ang mga seal na ito.
06:27Maaari sila lumaki ng hanggang 20 feet.
06:29Ang mga merong galionina o southern elephant seal na nakatira sa sub-antarctic and antarctic waters ang tinuturing na pinakamalaking seal sa buong mundo.
06:37Laging tandaan, kimportante ang may alam.
06:41Ito po si Kuya Kim, at sagot ko kayo.
06:42Kahit nagpaparamdam na ang tagulan, maaari pa rin lumarga at mag-refresh.
06:53At kung dalayo po sa Norte, may mga lugar pa rin na swak sa mga nais takasa ng init.
06:59Pumasyan na tayo dyan sa pagtuto ni Darlene Guy.
07:02Init na init, sa Ilocos Norte, you can beat the heat.
07:12Sa bayan ng Dingras, perfect pampapresko ang madong ganda.
07:15Kahit sino mag-e-enjoy magbabad sa mababaw at malinaw na tubig.
07:19Hindi pa mag-aagawan ang magandang spot para sa picture-taking sa lawak ng mala-waterfall na tubig.
07:25May marirentahan pang mga kubo na perfect para sa food trip pati sa trip lang umidlip.
07:30Sa bayan ng Adams, family man of friends, masusulit ang pagtampisaw sa Bola River.
07:35Refreshing ang malamig at napakalinis na tubig sa ilog.
07:38Mababaw lang din ito kaya ang kid-friendly.
07:40At kung feeling adventurous, pwedeng mag-cliff diving.
07:44Kapag nagutom, pwede rin mag-picknick sa mga marirentahang kubo.
07:49Sa bayan ng Burgos, kahit hindi magpatangay sa Agos,
07:51refreshing na sa mata ang picture-perfect vista ng West Philippine Sea
07:55mula sa pamosong lighthouse o parola sa Cape Bojador.
07:58Nasa tuktok ito ng burol, pero kung takot sa heights,
08:02pwede rin bumaba at tumambay sa Rock for Mission sa tabing dagat.
08:05Kahit tinikang araw, refreshing pa rin dahil mahangin.
08:09Pwede pang magtampisaw sa tubig sa pagitan ng nagladakihang mga bato.
08:13Kung di naman feel mag-swimming, pwedeng mag-chill lang sa mga kubo.
08:17Walang entrance fee pero bawal magkalat ng basura para mapanatili ang kalinisan.
08:22O, san tayo sa susunod na pasyalo food trip?
08:24I-share nyo na sa 24 Horas Weekend page ang inyong travel at food adventures.
08:29Para sa GMA Integrated News, Darlene Kain, nakatutok 24 Horas.
08:40Walang tapo ng mga disenyo ng isang trash on designer na na-inspire sa upcoming
08:44telepantasyan na Encantadia Chronicle Sangre.
08:48Ang kanyang mga likha, sustainable.
08:50Let's watch this.
08:54Ang sabi nila, may pera sa basura.
08:59Pero para kay U-Scooper Purple De Viri, ang basura, pwedeng ipang aura avisala.
09:07Via Ibo Messi.
09:09Talaga namang powerful ang ipinamalas niyang husay.
09:13Ang kanyang mga obrang sangre, kostyum na singkinang na mga brilyante ng Encantadia.
09:19Eco-friendly.
09:21Yari ito sa mga recycled material gaya ng mga plastic ng instant coffee, shampoo at chichiria.
09:27Saktong-sakto sa nalalapit na pagsisimula ng Encantadia Chronicle Sangre.
09:34Laking kalsada raw si U-Scooper Purple na ang pangarap maging isang fashion designer.
09:41Pero dahil sa hirap ng buhay, tila naging imposible na ito para sa kanya.
09:45Kung kaya't naisipan na lang niyang gumamit ng mga basurang nakikita sa kalsada para lumikha ng mga kasuotan.
09:53Ang kanyang sangre-inspired designs nakatakdang itampok sa isang fashion show na gaganapin bukas sa Marikina.
10:01Trash yun? No!
10:04It's fashion na sinamahan ng matinding passion.
10:08Ang mga pagkainghain ng bawat lugar sangkap nila para makaingganyo ng mga turista.
10:17Ito ang recipe ng Department of Tourism para mas makilala ang mga putaheng ipinagmamalaki ng Malabon.
10:24Maging food crawl tayo sa Malabon sa pagtutok ni Nico Wahe.
10:27Sa mga turistang pumupunta sa Pilipinas, hindi lang naman magagandang tanawin ang pakay nila.
10:37Kasabay niyan ay ang matikman ng iba't ibang putaheng Pinoy.
10:41Pero alam kaya nila ang uunahin at kung saan pupunta para matikman ang mga pagkaing Pinoy.
10:47Ang Department of Tourism gustong palakasin ang food and gastronomy tourism sa Pilipinas
10:52sa pamagitan ng isang roadmap na maglalagay sa Pilipinas bilang premier destination,
10:58hindi lang ng mas malalim na kultura, kundi maging ng iba't ibang klase ng pagkain.
11:02Napakasarap ng pagkaing Pinoy.
11:05And there is such great diversity across our regions that it represents our history and our heritage.
11:14Sa Malabon ang unang destination para simulan ang pagpapakilala ng mga putaheng Pinoy.
11:20Una na riyan ang Pansit Malabon, puto, at maging sa halo-halo at kakanin, kilala dyan ng Malabon.
11:27Nadiskubrihan po natin na napakasarap ng pagkain ng Malabon
11:30and that these are heritage dishes that have been passed on from one generation to another.
11:37Hindi po titipirin yung ingredients.
11:40Pag may natitira po sa hapon, pinamimigay na lang po namin kasi mas masarap po yung bagong burto.
11:50Parte rin ng proyekto ang Palengke Tourism.
11:53Gusto ng DOT na maging centro rin ng mga palengke ng turismo pagdating sa pagkain.
11:58Dito sa palengke ng Concepcion Malabon, may dinadayong nagtitinda ng okoy.
12:021999 pa nang magsimula itong okoy ni JR dito sa Concepcion Malabon.
12:08Ang sikreto daw kung bakit ganito nakatagal at tinatangkilik itong okoy ay itong dough na ito.
12:16Ang sikreto lahat nandyan at syempre ang hipon na fresh na fresh, patok na patok yan.
12:24Hindi lang sa mga taga Malabon, maging sa buong Metro Manila.
12:27Dati kasi yung mga dating mga tigareto lang na pagkain na pupunta sa Malabon, sila lang yung nakakilala sa okoy natin.
12:33Sa awa naman dyan, sinatikman nila, yun, bumabalik-balik sila.
12:37Medyo matagal na rin naman itong food crawl namin.
12:40Marami na rin nagpupunta.
12:41Yung mga pagkain dito has been around for so many centuries.
12:44Nag-ibang-ibang iteration na siya.
12:46Pero the basic, ano pa rin is masarap, malinamnam.
12:52Sa bawat kain natin ng pagkain Pinoy, hindi lang naman linamnam ang na-experience natin.
12:58Kundi maging kultura at kasaysayan, nakaakibat ng bawat lasa.
13:02Para sa GMA Integrated News, Niko Wahe, Nakatutok 24 Oras.
13:07Ipinakilala na ang stars na magpapasiklaban sa upcoming Kapuso Dance Competition na Stars on the Floor.
13:18Ready nang humataw ang celebrity dance stars kung saan kabilang si Naglaiza de Castro,
13:23Rojun Cruz, Faith Da Silva, Taya Astley, at Vision member na si Patrick.
13:29Handa na rin ang killer moves ng makakasama nilang digital dance stars.
13:34Kasama dyan si Nasuz Collins, Dasuri Choi, J.M. Uvery, Kakay Almeda, at Joshua De Sena.
13:43Ang collab na nila sa Stars on the Floor, mapapanood na this June 28.
13:47And that's my chika this Saturday night. Ako po si Nelson Canlas. Pia, Ivan?
13:59Thank you Nelson. Makapuso nilinaw po ng pag-asa na ang pagsisimula ng habagat season
14:04ay hindi nangangahulugang, simula na rin ng tag-ulan.
14:08Nagahanda naman ang mga ahensya ng gobyerno para rito.
14:11So, nakatutok si Darlene Kai.
14:16Sa video na kuha ng use cooper na si Daryl sa Pase City kahapon,
14:20kitang nababalot ng puti ang paligid kaya halos hindi na makita ang mga gusali at istruktura.
14:26Ganyan din ang napansin ng use cooper na si Jainal sa Diokno Boulevard.
14:30Naranasan din yan ang rider na si Vergel pasado alas 4 kahapon.
14:34Hindi ko namin alam kung saan nung galing yun. Pero, syempre, natakot din kami kahit mapanok.
14:40Ang alaw namin, ulan. Yung pala, ang kapal na nung aligabok. Sobra.
14:44Alaw namin kung ano na. Tapos may humahangin po na parang ipo-ipo.
14:49Abot yun. Tapos yung mga siguro mga 5 to 10 minutes,
14:52tumipat naman po yung aligabok. Banda rito na may buhengya.
14:55Makapagal. Pag ganoon po siya buhengya.
14:57Doon naman po binalot ng kapal na aligabok. Sobra. Ang laki.
15:01Ang mistulang dust storm, posibleng dulot daw ng pag-ihip ng habagat.
15:06Palas kasi yung hangin ng habagat. Malakas ang hangin.
15:11So, tuyo yung lupa na tangay ng hangin, itong mga aligabok galing sa lupa.
15:17So, maaaring po yun na nakapag-contribute.
15:20Naging dahilan para lumabo yung ating visibility ng panahon na yun.
15:25Posible pa raw itong maulit sa mga lugar kung saan hindi pa bumubukos ang ulan.
15:29Maaaring sa ibang lugar kasi dito mulan na. So, basa na yung lupa.
15:33So, maaaring sa bisasyon dyan, tuyo pa ang lupa doon. So, maaaring mangyari po doon.
15:38Ayon sa pag-asa, kahit nagsimula na ang habagat season, hindi raw ibig sabihin simula na ng tag-ulan.
15:44Posibleng ideklara yan sa susunod na dalawang linggo.
15:47Ang karitera kasi na ma-deklara natin na rain season, dapat sa doob ng limang araw o kailangan tuloy-tuloy ang pag-ulan for five days sa mga lugar sa bisyon, lalo-lalo nasa kalda ng bahagi nito.
16:02Gayunman, kailangan ng paghandaan ang pagdating ng tag-ulan.
16:06Kanina, naabutan ng GMA Integrated News ang pagkukumpunin ng reprap sa ilog na bahagi ng Rojas District sa Quezon City na karaniwang umaapaw tuwing tag-ulan.
16:14Ongoing din ang dredging sa mababaw na bahagi ng Marikina River.
16:17Na-factor din naman namin yung weather conditions at sa climate change phenomenon.
16:24Actually, iba na pa siyang gagamitin namin yung concrete dyan sa EDSA.
16:29Yung mas mabilis mag-settle yung gagawin na namin.
16:33As early as, when the budget was released, mga March pa yata yan, yung mga flood control projects.
16:38Over the country, na-umpisan ko na namin lahat, I think, by...
16:44Pero, aminado siyang mahabang panahon ng kailangan para tapusin ang ibang proyekto,
16:53gaya ng desilting at dredging sa riverbeds o paglilinis at pagbubungkal ng mga ilog para sa mas maayos na pagdaloy ng tubig.
17:00Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai, nakatutok 24 oras.
17:14Darlene Kai, nakatutok 24 oras.
Recommended
0:43
|
Up next
10:44
13:13