Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/5/2025
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa gitna ng matinding ulan, nasunog ang isang construction barracks sa Malolos, Bulacan, Pasadalas 11 na umaga kanina.
00:10Natupok ang mga PVC pipe, kawad at mga pintura sa loob, ang mga tauhan ng BFP at PDR-RMO.
00:17Kinilangan ng gumamit ng oxygen aparato sa sobrang kapal ng usok.
00:21I-dineclare itong fire out bago magtanghali. Patuloy na inaalam ang sanhinang sunog at ang halaga ng pinsala.
00:28May ambulansya rin rumesponde sa kabutihang palad. Wala namang napaulat na nasaktan.
00:37Mga nahapon po, nagkabaha sa ilang parte ng Rizal matapos ang biglang buho sa ulan kanina umaga, bunso ng mga thunderstorm.
00:45Inulan din at binaha ang isang barangay sa Marikina at tumambad ang problema ng mga bara sa kanilang imburnal na sila nang nagtanggal.
00:54Mula sa Antipolo City, nakatutok live si Jamie Santos.
00:58Jamie?
01:02Ivan, Pia, maaliwalas na ang lagay ng panahon at wala na rin pag-ulang nararanasan dito sa Antipolo City.
01:08Pero kaninang umaga, ilang lugar nga sa probinsya ng Rizal ang binaha dahil sa malakas na ulan.
01:14Kuha ito ng isang motorista na dumaan sa hanggang gater na baha sa ilang bahagi ng kainta Rizal dahil sa biglang buhos ng ulan kaninang umaga.
01:26Ang ilang sasakyan, napilitang tumawid sa mga binahang bahagi ng kalsada.
01:30Halos umabot na sa binti ang bahang ito sa bayan ng Montalban dahil din sa lakas ng buhos ng ulan.
01:37Bukod sa mga iyan, nagdulot din ang masamang panahon ng pagbagal sa daloy ng trapiko sa E. Rodriguez Avenue at Sumulong Memorial Circle Road sa Antipolo at sa Ortigas Avenue Extension at Taytay Diversion Road.
01:52Agad ding humupa ang baha matapos tumila ang ulan.
01:56Dalawang beses naglabas ng thunderstorm advisory ang pag-asa na kasama ang malaking bahagi ng probinsya ng Rizal.
02:03Una ay kaninang bago mag-alas 11.30 ng umaga at sumunod ay nitong alauna-imedy ng hapon.
02:10Apektado rin ang ulan ang marikina na katabilang ng Rizal.
02:13Sa barangay Malanday, bumaha sa ilang lugar at pinasok ng tubig ang ilang bahay.
02:19At nakunan pa nila ang pag-aalis ng maraming baras sa kanilang imburnala.
02:23Marami sa mga nakuha ay mga tipak ng simento.
02:26Meron ding mga basura o kaya'y tuyong dahon.
02:29Hinaing na mga residente ang mabilis na pagtaas ng baha sa lugar kahit na mahina lang ang ulan.
02:35Nananawagan sila sa barangay na aksyonan ang problemang ito sa kanilang lugar.
02:40Pia Ivan, nagpunta tayo kanina sa tanggapan ng PDRRMO sa Rizal
02:45para alamin ang mga aksyon ginagawa nila kaugnay sa pagbaha sa ilang lugar dito nga sa probinsya ng Rizal.
02:51Pero wala yung ma-authorize na magbigay ng panayam sa atin.
02:55Pero ayon sa PDRRMO, mabilis namang humupa ang baha matapos tumila ang ulan kanina.
03:00At yan ang latest mula rito. Balik sa inyo.
03:03Maraming salamat, Jamie Santos.
03:05Dalawa hanggang tatlong bagyo parao ang posibyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong buwan.
03:12Ayon po yan sa pag-asa.
03:14Kaya dapat po maging alerto sa epekto niyan kasamang baha.
03:18Gaya ng naranasan kanina sa ilang bahagi ng Metro Manila dahil po sa ulang dala ng thunderstorms.
03:25Nakatutok si Nico Wahe.
03:27Biglang buhos ang ulan magtatanghali kanina sa ilang bahagi ng Metro Manila.
03:36Sa Quezon City, pag-ulan na may kasamang kulug at kidlatang naranasan.
03:40Ang ilang riders, napilitan tuloy sa milong.
03:44Bumuhos din ang ulan sa Santa Mesa sa Maynila.
03:46Kaya ang daloy ng trapiko, bumigat.
03:49Sa ilang bahagi ng pinagbuhatan pasig, bumaharin dahil sa lakas ng ulan.
03:54Thunderstorms ang nagdulot ng ulan sa ilang lugar sa Metro Manila kanina.
03:57Ayon sa pag-asa.
03:59Ang mga pag-ulang dala rin ng localized thunderstorms ang naramdaman sa Taguloan, Misamis, Oriental mula pa noong Webes.
04:06Kaya ang paaralang ito, pinasok na ng baha.
04:11Tulong-tulong muna sa paglilimas ng tubig ang mga estudyante at guro.
04:15Ayon sa schoolhead, bukod sa malakas na ulan,
04:17nagpapabaharin ang naging epekto sa kanila ng drainage system ng ginagawang konstruksyon doon para sa karagdagang classroom.
04:24Para mapigilan ng pagbahan, nagbigay na ng lupang panambak ang ilang stakeholders.
04:27Ayon sa pag-asa, dalawa hanggang tatlong bagyo pang inaasahan papasok ngayong Hulyo.
04:33At sa nalalabing buwan naman ng 2025,
04:36sampu hanggang labing walong bagyo pang inaasahan papasok sa bansa.
04:39Pero hindi raw silakas gaya nung nakaraan taon.
04:42Kung kailan may pagkakataon na anim na sunod-sunod na bagyo ang pumasok sa bansa mula Oktubre hanggang Nobyembre.
04:48Ang ilanin nasa typhoon at super typhoon kategory pa.
04:51Pero huwag daw magpakampante dahil magdadala pa rin ang mga papasok na bagyo ng mga pagulan at malakas na hangin.
04:57Para sa GMA Integrated News,
04:59Niko Ahe, nakatutok 24 oras.
05:02Dalawang nasawi habang limang sugatan sa pagguho ng ikalawang palapag ng ginagawang warehouse sa Bulacan.
05:09Pahirapan ang pagsagip sa kanila.
05:11Nakatutok si Jamie Santos.
05:16Napuruhan sa kanang binti ang lalaking ito na nasa ospital.
05:20Isa siya sa pitong tauhan ng industrial compound na sakop ng bustos at pandi sa Bulacan.
05:25Kung saan gumuho ang ikalawang palapag ng ginagawang warehouse kahapon.
05:29Ayon sa PDRRMO ng Bulacan, lima ang sugatan na agad na isugod sa ospital.
05:48Dalawa ang nasawi kabilang ang foreman.
05:51Sabi ng PDRRMO, nahirapan namang rescuer na makuha ang kanyang katawan
05:56dahil sa bigat ng bumagsak na bahagi ng konstruksyon.
06:00Katuwang ng PDRRMO Bulacan sa operasyon ang MDRRMO ng pandi, bustos at maliwag.
06:06Gayun din ang BFP Bulacan at PNP.
06:09Unfortunately, yung dalawa ay talagang napailalim dun sa mga islabs at dun sa mga beams.
06:15Bumagsak talaga.
06:16In fact, yung foreman nito nakita talaga natin na talagang natamaan ng beams talaga ang nagpahirap sa atin.
06:25Naipagbigay alam na sa mga kaanap ng foreman ang nangyari.
06:28Nakikipagugnayan pa ang mga otoridad sa iba pang pamilya ng mga biktima.
06:32Tukoy na raw ang may-ari ng warehouse at patuloy ang imbistigasyon sa sanhinang disgrasya.
06:38Para sa GMA Integrated News, Jamie Santos, nakatutok 24 oras.
06:44Sumabay sa maulang panahon sa Metro Manila,
06:46ang pagsagupa sa sunog sa Barangay Edition Hills, Mandaruyo,
06:50na umabot sa ika-apat na alarma.
06:53Nasa siya na ang pamilya na sunugan ayon sa lokal na pamahalaan.
06:57Nakatutok si Von Aquino.
07:02Sa gitna ng buhos ng ulan, kaninang pasado las 11 na umaga,
07:07sumiklab ang sunog sa Block 27 Welfareville Compound, Barangay Edition Hills, Mandaruyong City.
07:13Tinatayang mahigit dalawang daang bahay ang natupok.
07:15Ang ilang bumbero, pati mga residente, umakyat sa mga bubong para apulahin ang apoy.
07:21Ang ibang residente, nagkumahog sa paglalabas ng kanila mga gamit.
07:26Gumamit na rin ang mga residente at bumbero ng tubig mula sa estero para sa pag-apula.
07:31Ayon sa BFP Mandaruyong, mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light material sa mga bahay.
07:36Medyo malakas po kasi yung hangin, ma'am.
07:38And also, yung mga bahay po natin is, ano po, more on, like mga kahoyero lang din po, kaya madali pong kumalat yung apoy.
07:47Gumamit na rin ang BFP ng drone sa kanilang operasyon.
07:50We approach yung par-incident, ma'am. Medyo mahirap kasi puro alleyway yung, ano ma'am, yung point of entrance natin, alleyways, mga iskinita.
07:58So hindi kaya ang pasukin ng truck, kailangan natin maglatag ng sobrang daming hos para lang makapasok.
08:03Inaalam pa ang kabuang bilang ng mga pamilyang na apektuhan.
08:06Wala na rin na akong naisalbang gamit. Kahit mga damit lang po, para malangin tulong na po sa amin yung...
08:13Nasugata naman ang residenteng si J.V. Morales sa kamay dahil sa pagkahakot ng gamit.
08:18Isinugot pa sa ospital ang kanyang inang may karamdaman.
08:21Nakamuyin na lang po na, biglang may umuan eh, may usok ng kuryente.
08:26Tapos bigla, lakas po na nga po eh.
08:28Ang ilang residenteng nasunugan, nanatili muna sa kalapit na paaralan.
08:32Habang ang iba pang nagsilikas, naupo na muna sa tabing kalsada.
08:36Ayon sa BFP, tatlong nagtamo ng minor injuries.
08:40Sa pagtaya ng BFP, aabot sa 3.3 milyon pesos ang halaga ng pinsala sa sunog,
08:45na idiniklarang fire out bandang 3.49 ng hapon.
08:49Para sa GMA Integrated News, Von Aquino na Katutok, 24 Oras.
08:53Ayon sa Mandaluyong City, LGU, inihanda nila ang isang bagong permanent evacuation center.
09:01At may ibibigay rin daw silang financial assistance.
09:04Naangamba mga residente sa Pagudpud sa Ilocos Norte dahil sa masamang panahon.
09:12Hindi pa rin kasi naayos ang seawall doon na nasira ng bagyo noon pang nakaraang taon.
09:18Mula sa Ilocos Norte, nakatutok live si Darlene Kai.
09:22Darlene?
09:25Ivan, buong araw maulan dito sa Ilocos Norte.
09:28Dito sa Pagudpud ay hindi naman malakas yung ulan pero hindi pa rin makapalaot yung mga mangingisda
09:33at nangangamba rin yung ilang residente na nakatira sa tabing dagat.
09:36Sa Lawag City, malakas na ulan at hangin ang naranasan ngayong hapon.
09:44Inulan din ang ilang lugar sa Karatik Probinsya ng Isabela tulad sa lungsod ng Ilagan.
09:55Nakataas pa rin ang bangka ng mga mangingisda sa barangay Poblasyon 1 Pagudpud, Ilocos Norte.
10:01Mataas pa rin kasi ang mga alon dahil sa masamang panahon.
10:04Kaya apat na araw nang hindi pumapalaot si Ferdinand.
10:25Kahit wala ng wind signal dito dahil sa Bagyong Bising, buong araw maulan at makulimlim.
10:30Kaya may mga residente pa rin nangangamba dahil hindi pa rin nagagawa ang seawall na sinira ng Bagyong Barsen noong nakaraang taon.
10:39Kapag talagang masama yung panahon, yung mga alon dito e umaabot kung nasaan yung mga bahay.
10:45Kaya ngayon na hindi pa natatapos yung konstruksyon ng seawall e talagang nangangamba yung mga residente dahil wala silang proteksyon.
10:52Yung alon, inaanod itong mga buhangin at saka mga bato.
11:03Kaya alalang-alala kami talaga.
11:06Panawagan po lang namin, sana yung kontraktor na gumawa nito dapat bilisan na para mawala yung kaba namin.
11:16Saka kawawang-kawawa kami dito e.
11:20Ayon sa lokal na pamahalaan ng pagodpod, ginagawa nila ng paraan para mapabilis ang paggawa sa seawall.
11:27There are hindrances naman po kasi during the construction.
11:32Siyempre po, alam naman po natin yung area po natin is kahit maulang pong bagyo ay nakataranas din po kami ng mga malakas na pagulan,
11:42pagtaas po ng alon, paglakas po ng dagat.
11:44Kaya minsan po medyo nade-delay po yung construction po doon.
11:49Tinututukan ng LG yung monitoring sa nasa isang libong pamilyang nakatira malapit sa seawall.
11:54Nakahanda raw ang LG yung na agad magpalikas kung kinakailangan.
11:57Yun po yung unang advice na po sa amin during the PIDRA po na i-identify yung mga critical area to closely monitor po yung situation nila during bagyo.
12:10And ita nga po dito yung area na yun.
12:14Hindi kinailangang lumikas ng mga tagapagod po dahil hindi naman nakaranas ng malakas sa tuloy-tuloy na pagulan.
12:20Kaya tumuloy rin ang ilang turista.
12:22Nag-e-expect po kami na sunny po sana.
12:25Yung families namin, naghulat actually nung tinanong ko rin sila parang ayaw talaga kami papuntahin kasi nga may bagyo.
12:31Pero sabi namin, ipush na natin to kasi minsan lang naman.
12:35Nananatili namang naka-alerto ang LG yung ngayong tag-ulan o kung lalo pang sumama ang panahon sa mga susunod na araw.
12:41Sa hapon po, nagtandap po kami ng pre-disastery assessment meeting.
12:44Nagpalakay po namin yung mga iba't-ibang resources po.
12:49Pre-de-available resources na meron po yung local government unit and yung preparation po ng mga ating personnel in case of disaster.
12:58Sa Bingit, nagpapatuloy ang clearing operation sa Camp 3, Sityo Akupan, Barangay Virak, Itogon, kasunod ng landslide.
13:05Minamadali na ito dahil pinangangambahan ng posibleng panibagong mga pagguho dahil sa ulang dala ng habagat.
13:11Mag-evacuate na yung mga tao. Sa dami ng ulan, parang nakikita na namin na marami pang bababa na mga tubig at saka boulders, bato.
13:22Ininspeksyon ang mga tirahan ng mga residente at tinukoy ng LG yung mga lugar na magsisilbing evacuation center.
13:28Apektado rin ang mga pananim sa kabayan at bugya sa bingget, partikular ang cauliflower at repolyo.
13:34Ivan, balik tayo dito sa Ilocos Norte. Ayon sa PDRMO, patuloy silang naka-alerto at nagbabantay.
13:43Sa ngayon, wala pa raw na itatalang pagbaha o pagguho ng lupa sa buong probinsya. Ivan?
13:48Ingat! Maraming salamat, Darling Inkay.
13:51Bye!

Recommended