Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakaranas ng pagbaha at paguhon ng lupa sa ilang bahagi ng bansa, kasunod po ng patuloy na pagulan.
00:07Nakatutok si Arjel Relator ng GMA Regional TV.
00:14Tulong-tulong sa pagbuhat ng nakaburol na kabaong ang ilang taga-barangay takol sa magsaysay Davodosur,
00:21nang bahain sila hanggang baywang kaninang madaling araw.
00:24Inilipat muna ang burol sa gym ng barangay hanggang sa humupa ang baha.
00:30Ayon sa mga otoridad, umapaw ang ilog at umabot ang tubig hanggang sa mga bahay.
00:36Inilikas ang ilang residenteng na trap dahil sa baha sa purok-bankerohan at purok-kawayan.
00:41Inaalam pa ang bilang ng mga apektadong pamilya.
00:47Halos wala nang makita sa kalsada dahil sa lakas ng ulan sa bahagi ng Talaingod-Bukidnon National Highway kahapon ng hapon.
00:55Ang mga motorista, kinailangan ang gumamit ang headlights kahit maliwanag pa.
01:01Ayon sa uploader, bukod sa paguhu ng lupa, ay malakas din ang ragasan ng tubig mula sa gilid ng bundo.
01:07Bumaha rin sa ilang bahagi ng kalsada.
01:10May paguhu rin sa sityo sa Ladok sa Don Marcelino, Davo Occidental, kagabi.
01:15Dahil sa mga humambalang ng lupa, putik at bato, pansamantalang dinadaanan ang kalsada roon.
01:21Nagsagawa na ng clearing operation ang mga otoridad.
01:25Sa Mayoyaw, Ifugao, may gumuhuring lupa sa barangay Bato alatbang kagabi.
01:31Isang nakaparadang van ang nadamay.
01:33Pinagtulungan itong maialis.
01:35Ayon sa uploader, ligtas ang may-ari ng van at kanyang pamilya na nakapasok na ng bahay bago ang insidente.
01:42Sa ngayon, isang lane lang ang nadaraanan habang patuloy ang sinasagawang clearing operation.
01:47Ayon sa pag-asa, habagat ang umiral sa malaking bahagi ng bansa, lalo na sa Mindanao,
01:54habang localized thunderstorm naman ang nagpaulan sa ibang bahagi ng Luzon kahapon.
02:00Para sa GMA Regional TV at GMA Integrated Dukes,
02:03RGIL Relator, nakatutok 24 oras.
02:08Mga kapuso, isang low pressure area sa labas ng Philippine Area of Responsibility ang binabantayan.
02:14Ayon sa pag-asa, sa ngayon, mababa ang chance na itong maging bagyo.
02:18Pero patuloy na nagpapaulan ang southwest monsoon o habagat sa central Luzon, southern Luzon,
02:23kanulurang bahagi ng northern Luzon, Visayas at Mindanao.
02:27Bukod sa habagat, umiiral din ngayong araw ang localized thunderstorm sa nagpapaulan sa natitiram bahagi ng Luzon.
02:34Asahan naman na maging maulan pa rin bukas hanggang sa pagpasok ng Hulyo,
02:38bunsod ng LPA at habagat.
02:39Sa rainfall forecast ng Metro Weather, posibleng makaranas bukas ng light to intense rains ang buong Luzon mula tanghali.
02:47May chance na ring ulanin ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao bukas.
02:52Posibleng naman makaranas ang light to moderate rains ang Metro Manila.
02:55Nananating itong kalbaryo ang baha sa mga taga-navotas.
03:02At lumala pa ito ngayon dahil ang ginawang sandbag wall para panremedyo muna sa nasirang river wall, nasira.
03:10At mula sa navotas, nakatutukla si Nico Wan.
03:14Nico?
03:15Pia, baha pa rin sa ilang bahagi ng navotas matapos gumuho ng isang pader sa gilid ng ilog kahapon.
03:25At ngayong araw, mas mataas ang naging pagbaha dahil high tide kanina makapananghali.
03:30Ito ang aktual na pagbuho ng pader sa gilid ng ilog sa barangay San Jose kahapon,
03:41na nagdulot ng pagbaha sa ilang bahagi ng navotas.
03:45Hanggang ngayong araw,
03:47hindi pa tapos ang kalbaryo ng ilang taga-navotas.
03:50Kaninang umaga kasi, nagka-bridge sa sandbag wall na pinangharang nila sa ilog,
03:54matapos ang pagbigay kahapon ng river wall sa barangay San Jose.
03:58Natangay ang ilang sandbag sa mga bahay.
04:00Pero bago pa ito nangyari, nailikas na ang mga residente.
04:04Nasa evacuation center ang 43 pamilyang naapektuhan kahapon.
04:07Ito ang talaga yung bahay namin yung taga na mismo.
04:11Tapos habang umanay yung kubig, ako yung natangay sa kayo, isang anak mo.
04:17Buti na lang po is nakahawak ako ng timeline.
04:20Kung hindi, baka sakaling ako ay din namatay din sa angyari.
04:25Sinusubukan pa namin kunin ang panig ng shipyard.
04:40Pero ayon sa navotas si DRRMO.
04:43Ito po ay matagal na po talaga ito ngayon for replacement at for improvement.
04:49Yan nga lang po yung mga nakatira doon, nakiusap na huwag mo ng DPA.
04:52Dahil parang parte na po ng bahay nila ito eh.
04:55Parang isa na pong dingding nila itong wall noong shipyard.
05:01May inilagay ng mga poste bilang abang sa gagawing barrier.
05:04Sa halip nga lang ho na metal sheet, yung cemento ho, yung concrete pile ho yung ginamit.
05:09Siguro next week mag-umpisa na ho ngayusin ho yung bakot na yan.
05:13Mukhang sasagutin ho lahat yan ng shipyard kasi pag-aari naman ho nila yan.
05:16Nandito tayo sa may gitnam bahagi nitong Celestino Street.
05:20Dito pa rin sa barangay, San Jose, Sanavoto City.
05:23At kung makikita nyo, lagpas na ng baywang yung baha dito.
05:27Kanina nagsimula tayo doon sa simula, doon sa bungad.
05:30Eh, nasa tuhod pa lang yung baha.
05:31Ito habang papasok ng papasok doon sa loob nitong barangay o ng street na ito ng Celestino,
05:39ay mas lumalalim pa yung baha.
05:41At makikita nyo, kasama na rin ng baha, ito ang mga basura dito.
05:46Lubog ang maraming bahay.
05:48Dalawang araw na po kami nagtitiis sa taas ng tubig.
05:51Baka isang linggo pa ito.
05:53Kasi tingnan nyo, palaki ng palaki, hindi lang ganto.
05:55Kapon, parang hindi ganto eh.
05:57Biglang lumaki na naman ngayon.
05:59Ang iba, wala na talagang naisalba.
06:01Pati sirang bathtub, ginawang bangka ng ilang residente.
06:05Ba't mo kayo lumabas na po kayo pupunta?
06:07Mamamalingki po.
06:10Meron din naman, kailang walang ulang.
06:13Ang pumping operator na si Benito sinusubukang hindi mapasok ng basura ang pumping station.
06:18Sa oras na mag-low tide, ay sa kanya ito pagaganahin.
06:21Kailangan may labas yung basura dito.
06:23Kasi pag di malabas yan, dito rin yan.
06:27Nakakasakon sa pumping natin.
06:29Nakakabara.
06:31Tumaas pang bahapagsapit ng alauna ng hapon dahil sa high tide.
06:35Umangat sa 1.9 meters ang tubig.
06:37Kaya ang ilang tagalooban, ilan na trap.
06:39Ako, mahirap.
06:40Lalo nagtitrabaho ako.
06:42Paano pa kukuha naman pangkain ito?
06:44Kung hanggang kailan babaan ito sa ating kami papasok?
06:49Bukod sa navotas, baharin sa ilang lugar sa Malabon dahil sa high tide.
06:56Pia, eto na ngayon yung sitwasyon itong Celestino Street.
07:00Dito sa kinatatayuan natin kanina, ay dito pa lang hanggang tuhod na yung baha.
07:03Pero dahil nag-low tide, eto at nadadaanan na nang maayos ng mga residente itong kalsada na ito.
07:10At ang panawagan nila ngayon ay sana ay magawa na itong pader para hindi na bumahari ito.
07:17Pia.
07:18Maraming salamat, Niko Wahe.
07:23Isang naglulok sa ang ina ang nagpost sa social media bilang babala tungkol sa sinapit ng kanyang anak.
07:29Ang bata po kasi namatay habang natutulog ng nakadapa.
07:32Ang paliwanag na eksperto kung bakit masamang matulog ng nakadapa, lalo na ang mga baby.
07:38Alamin sa pagtutok, Pidano Tingkongko.
07:43Walang kamalay-malay ang inang si Jennifer.
07:46Hindi niya tunay na pangalan na ang ordinaryong gabing kapiling ng anak na isa't kalahating taong gulang mauwi sa trahedya.
07:54Alas 8 ng gabi, June 21, naghaponan daw ang kanyang anak ng kanin at sabaw.
07:59Matapos ang kalahating oras, dumede raw ito bago natulog bandang alas 9 ng gabi.
08:03Around 12.40am po.
08:06Hindi naman po talaga ako usually na gigising ng ganong oras.
08:10Pero nagising po ako kasi pakiramdam ko po na iihi ako.
08:14Nakita ko po nakadapa siya.
08:16Then naamoy ko po na parang siyang nagpoop.
08:19Nung tinihaya ko na po siya, sabi ko po, pat parang siyang sobrang lantay niya.
08:24Tapos hindi po siya nagalaw.
08:28Then nung binuksan ko po yung ilaw, nakita ko po na yung bibig po niya medyo violet na.
08:33Isinugod sa ospital ng bata at dun lumabas na marami raw liquid at pagkain na nakuha sa baga ng bata.
08:40Base sa death certificate, pneumonia aspiration ang ikinamatay ng bata.
08:44Ang ibig sabihin daw po nun, marami pong, yung mga contents po na galing sa tiyan, napunta daw po sa baga.
08:53Na ang dahilan daw po nun, dahil nga daw po, nasuffocate siya, nakadapa siya.
08:58Ang instance daw po ng tao, pag hindi makahinga, masusuka.
09:03E sa case po ng anak ko, nakadapa po siya, hindi po niya nailabas yung suka.
09:07Kaya po, dun po siya dumarit siya sa baga niya.
09:09And then, naluno daw po siya sa sarili niyang suka.
09:14Nakadapa po siya, nakaklose po ang bibig.
09:17Huwag niyo po hahayaan na kahit po sana yung anak niyo nalakadapa.
09:21Huwag niyo po hahayaan na matutulog sila ng ganun kasi baka po matulad siya sa anak ko na
09:27sana na sana naman po dumapa pero ganun po yung nangyari.
09:31Ayon sa eksperto, base sa pag-aaral, hindi maganda ang pagtulog ng nakadapa, lalo na sa mga sanggol at bata.
09:38Some of our researchers show that sleeping on the stomach can knock the airway.
09:44Because it increases what we call re-breathing.
09:47That means they breathe on their own exhaled air.
09:51Mumababa yung oxygen mo sa katawan mo.
09:53And the level of carbon dioxide rises.
09:56So that's really not good.
09:57If you have a baby who is in the chest position,
10:03hindi nila kayang bumalikad to stay on the back position already.
10:10As the child gets older, that doesn't happen anymore.
10:14Kaya raw sa American Academy of Pediatrics,
10:17itinakampanya ang back to sleep o pagsigurong hindi pa dapa ang pagtulog lalo na mga bata.
10:23Bukod dyan, mainam din daw na suriin kung may ibang posibleng kondisyon sa paghinga ang anak,
10:28lalo't hindi pa nila kayang sabihin ang kanilang nararamdaman.
10:31Para sa GMA Integrated News,
10:34daan natin kung ko nakatutok 24 oras.
10:37Pirektibay ng Muntilupa City Regional Trial Court
10:40ang desisyong nagpapawalang sala
10:42kay dating Senator at kay Partyless Representative Laila Delima
10:45sa kasong may kinalaman sa doga.
10:48Sa isimiting tugon sa Court of Appeals,
10:50iginiit ng Muntilupa RTC,
10:53na ang pagbawi ng testimonya ni dating Bureau of Corrections Chief Rafael Ramos
10:57ay sapat na batayan para panindigan ang naunang desisyon.
11:02Kasama rin noon sa inaquit ang dating driver ni Delima na si Ronnie Dayan.
11:06Taong 2022,
11:08nang binawi ni Ragus ang kanyang testimonya laban kay Delima
11:11kagunay sa umunoy illegal drug trade sa loob ng New Believed Prison.
11:16Matatanda ang niremand o pinabalik ng Court of Appeals 8th Division
11:19ang desisyon ng RTC.
11:27Quick Chica time tayo mga kapuso!
11:46Go labanan na!
11:48On fire ang dance floor sa pasiklaban ng Celebrity and Dance Stars
11:52sa GMA Original Reality Dance Competition
11:54ang Stars on the Floor.
11:55Pang malakas ang groove and swag ang shinocase ng five duos
11:59mula sa iba't ibang dance styles hanggang sa napiliang ahataw sa dance off.
12:04Itinanghal na top dance star duo si Nathaya and JM
12:08sa kanilang slay performance.
12:13Nakilala na ang Big Four duo ng PBB Celebrity Collab Edition.
12:19Yan ay matapos ang kanilang final Big Jump Challenge.
12:22Sino kaya ang magiging big winner?
12:23Ang team Chares kaya ni na Charlie at Esnir?
12:27O si na Ralph and Will na Rawie?
12:35Baka naman si na AC and River o Asper?
12:38O ang team Breka ni na Brent and Mika?
12:41Alamin niyan sa Big Night this Saturday.
12:44Binigyang pagkilala ang ilang kapuso sa 53rd Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Entertainment Awards.
12:57Itinanghal na phenomenal box office king si Alden Richards.
13:01Natanggap rin ang kanyang pelikulang Hello Love Again ang best ensemble acting for movies.
13:07Minsan iniisip ko pa rin and every time I go to bed na am I really part of the highest grossing Filipino film of all time.
13:15And still hindi pa rin ako makapaniwala.
13:17Thank you so much po.
13:18Si Kapuso Prime Time Queen Marian Rivera ang film actress of the year para sa pelikulang Balota.
13:25Taus puso ako nagpapasalamat talaga sa pagtangkilik pa rin kay Teacher Emi.
13:29Sabi ko nga, doon ko na realize na after ko gawin si Teacher Emi, ito pala yung hinahanap ng diwa ko.
13:35Yung makagawa ko ng isang pelikula na malalim, may saisay at may layunin.
13:41Movie Supporting Actor of the Year naman si Ruro Madrid para sa pelikulang Green Bones na Katay si Joros Gamboa.
13:50Very grateful po sa parangal na ito.
13:54Pangalawang award ko na po ito para sa Green Bones.
13:58Kaya, nako, maraming maraming salamat po. Sana po marami pang ganito.
14:03Hinirang daytime TV drama actor of the year si Richard Yap at daytime TV drama actress of the year si Jillian Ward.
14:11Para ito sa kanilang hit GMA Afternoon Prime series na Abot Kamay na Pangarap na natanggap din ang most popular daytime drama TV program of the year.
14:22I'm so, so proud kasi sabi ko nga po kahit matagal na po namin natapos ang Abot Kamay na Pangarap, it continues to inspire people.
14:31Most popular child performer si Rafael Landicho para sa Kapuso series na My Guardian Alien.
14:37Noong sinushoot po namin yun, ang sese talaga. Ngayon, nakakahakot pa rin po siya ng awards. Kaya marami marami salamat po talaga.
14:45Hinirang the most popular TV program for news and public affairs ang 24 Horas.
14:51At search reality game show, ang Family Feud.
14:54Mga kapuso, sa ngayon ay tuloy-tuloy ang pagdating ng mga kapuso dito sa GMA Network Studios para sa Beyond 75, the GMA's 75th Anniversary Special.
15:12And that's my chika this weekend. Ako po si Nelson Canlas.
15:15Ivan?
15:15Ivan?
15:15Salamat, Nelson. Sa pagsisimula ng mandato ng mga bagong halal na opisyal ng gobyerno bukas, ibinahagi ng ilang butante ang kanilang inaasahan pagbabago at hiling para sa ating bansa.
15:28Nakatotok si Rafi Tima.
15:35Bukas, opisyal lang uupo ang mga nahalal sa 2025 midterm elections, simula ng tatlong taong paninilbihan, maliban sa labindalawang senador na uupo ng anin na taon.
15:44Ayon sa UP National College of Public Administration and Governance ONCPAG, mayorya ng mga nahalal sa mga LGU, mga dati nang nakaupo sa pwesto.
15:52Kaya naroon pa rin daw ang pananaw na halos parang walang nagbago.
15:56Ang kaibahan lang daw sa katatapos na eleksyon, nagpakita ng lakas sa mga kabataan at nakita ang risulta nito sa senatorial race.
16:03The 31% youth vote parang spelled the difference. May pag-asa pala tayo na, kasi surprise yun eh, diba?
16:12At yun nga, despite the parang surveys before the elections, ang napunta sa magic five ay yung mga hindi natin inaasahan.
16:22Sa datos ng GMA Integrated News Research sa kabuuan, 18,255 na opisyal ang magsisimula ng kanilang mandato bukas mula sa mga senador, kongresista, governors, vice governors, sangguniang panalawigan, mayors, vice mayors at mga sangguniang bayan.
16:39Mas marami ng 155 opisyal ang nahalal ngayong taon kumpara noong 2022 dahil sa isang bagong nadagdag na probinsya at walong bagong munisipalidad.
16:49Tinanong namin na ilang kapuso kung anong inaasahan nila sa mga bagong halal na opisyal.
16:53Kung ano yung nagagawa noong nakaraan, previous nga nakaupo, kung maganda na yung ginagawa niya, dapat plamangan niya para ang mga tao, okay yung kabuhayan.
17:03Ang gawin nila yung best nila, tsaka yung sa platforma nila, yung magagandang mga plano nila, gawin nila ngayong tuparin nila ngayon.
17:17Yung mga pinangako nila, dapat tuparin pa rin nila yun. Kung hindi naman nila natupad, para saan pa po yung e-elect nila.
17:25Huwag puro pangako, kasi pag sa kampanya, malakas sila, pinapasok nila lahat ng iskinita.
17:31Pero pag nanalo na, hindi nila mabisita kasi yun yung nasa laylayan ng lipunan.
17:37May inaasahan ko sana magkaroon ng trabaho yung mga nahira po makahanap ng trabaho.
17:44Lalo na yung mga katulad ko na 21 years old, gano'n. Tsaka yung pagbaba ng presyo ng bilhin.
17:51Ang laging napapansin ko, ang ginagawa, laging maayos na kalsani.
17:56Tapos yung sira, hindi nila napagtutuonan ng pansin.
17:58Ang ginagawa nila, yung sira, yung mga at buo, yun yung binabakbak nila.
18:02So, ba't kaya gano'n?
18:03Hindi ko alam eh. Siguro, ando din yung pondo.
18:06Si Aling Adelita, na pansamantalang nakatira sa isang waiting shed,
18:10aminadong bumoto ng ibang kandidato dahil hindi daw tinupad ng kanyang dating ibinoto ang kanyang pangako.
18:15Sabi doon sa staff niya, tulungan mo to, alam mo. Pagtapos wala naman.
18:20Kaya yun.
18:21Ang ngayon, wala pa rin?
18:22Wala pa rin. Itong bago nga, nakakasigurado kung makakatulong sa amin.
18:28Paalala ng NCPAG, hindi dapat natatapos sa pagboto ang responsibilidad ng mga butante
18:33dahil bahagi ng obligasyon ng taong bayan ang singilin ang kanilang mga leader sa tuwing sila ay may pagkukulang.
18:40Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.

Recommended