Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Posibleng mula sa balakang ng tao ang isa sa mga butong naiahon mula sa Taal Lake na hawak na ngayon ng PNP Forensic Group. Pero malaking hamon pa ang pagkuha ng DNA sa mga buto dahil sa matagal nitong pagkababad sa tubig na may asupre o sulfur. Nabanggit ni Julie "Dondon" Patidongan, alias "Totoy," na itinapon umano sa Taal Lake ang mga katawan ng mga nawawalang sabungero.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kagnay na balita, posibleng mula sa balakang ng tao,
00:04ang isa sa mga butong na iahon mula sa Taal Lake,
00:08na hawak na ngayon ng PNP Forensics Group.
00:12Pero malaking hamon pa ang pagkuhan ng DNA sa mga buto
00:16dahil sa matagal nilang pagkababad sa tubig na may asupre o sulfur.
00:22Nakatutok si Ian Cruz.
00:23Isa sa mga gitsyam na pungbuto mula sa Taal Lake
00:31na hawak ng Forensic Group ng PNP sa Kamkrami.
00:34Ang butong ito na may habang walong pulgada sa itsura at istruktura.
00:38Ipinapalagay ng PNP Forensic Group na buto ito mula sa balakang ng isang tao.
00:44Hip bone. Bakit ko na sabi ng hip bone?
00:46Kasi andun yung mga structures na qualified na hip bone,
00:49yung andun yung iliac crest niya, andun yung observator crummy,
00:55nag-indicate na sa part na siya talaga ng hip bone.
00:59Posible rin anyang mula sa iisang tao lang ang na-turnover ng mga buto.
01:04Ang itsura niya, parang it can't appear that it belongs to one person
01:08kasi may dalawang hip bone, tapos andun yung sacral bone niya,
01:13tapos mayroon ding lumbar bone.
01:16Possible na isa.
01:17Mahaba pa ang proseso na pagdaraanan ng mga buto bago makuha na ng DNA profile.
01:24Sa ngayon, ay pinapatuyo muna ito, lalo't matagal na nababad sa Taal Lake.
01:29Sa machine po na yan, i-extract yung DNA mula dun sa buto na nakuha nga po doon sa Taal Lake.
01:36At pag nakuha na yung DNA, dito naman po yan dadalin sa laboratory na ito,
01:40nandyan po ang genetic analyzer.
01:43Yan po ang maglalabas ng iba't ibang impormasyon na galing doon sa buto.
01:48Yan naman po ang impormasyon na makukuha sa buto ay iko-crossmatch doon sa mga impormasyon
01:54na nakuha naman sa mga kaanak ng biktima.
01:57Hamon din sa pagkuhan ng DNA, ang pagkababad sa tubig na may sulfur dahil sa pagputok ng bulkan.
02:05May chance naman po, makakakuha pa rin po kami.
02:08Regardless po, ang pangako po namin is, we will do our best po para makapag-generate kami ng DNA profile.
02:16Tutalaan nila, sa buong katawan ay may mahuhugot na DNA.
02:20Hindi katulad ng fingerprint, dito lang po sa mga daliri, sa DNA fingerprint po, lahat po yan yung patilibag mo, pati may DNA yan, kaya sa skin.
02:35Sa ngayon, labing walong kaanak na mga nawawalang sabongero ang nakuhanan ng DNA para ikumpara sa DNA sa mga buto.
02:43Emosyon na lang ilan sa kanila mula ng kuhanan ng DNA sample nitong biyernes hanggang kanina.
02:48Naisip ko po yung kung toto ang ginawa ng hirap na pinagdaanan ng anak ko na halos sa kagat ng labo kayo,
02:57kung padabuan yung anak ko, tapos yung naisip ko po yung pagkitil na ginawa nila sa buhay na pinahirapan nila ng gano'n.
03:04Sabi po namin sa isa't isa, isa lang na may magmatch sa amin, kahit hindi po ako, kahit hindi po siya.
03:10Basta isa lang po sa amin. Justisya na po talaga yun eh.
03:13Kasi ibig sabihin po noon, lahat ng sinabi ni Totoy, totoo.
03:18Hindi aali sa Taal Lake ang apat na team ng forensic group hanggang kailangan sila roon
03:23dahil sa kanila nililipat ang responsibilidad sa mga nare-recover na ebidensya
03:28sa oras na maiahon ito ng Philippine Coast Guard sa lawa.
03:31Kaya nga metodical yung ginagawa namin, systematic,
03:36at naka-record po lahat, video, saka sinusulat o nare-record po lahat ng aming mga forensic teams.
03:44Sa kamara, may inihain ng resolusyon para imbestigahan ang kaso ng mising sabongeros.
03:49Nakasaad din sa resolusyon ng pagbuhay sa Quadcom na binuo noong 19th Congress para pangunahan ang imbestigasyon.
03:56Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz, nakatutok 24 oras.

Recommended