Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5 days ago
Mahigit 30 divers ng Philippine Coast Guard ang magsasalitan sa paghahanap ng mga labi ng mga nawawalang sabungero sa Taal Lake. Diyan umano sila itinapon, ayon sa whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan, alyas “Totoy.” Pagdidiin ng Justice Department, may mahanap mang labi o wala ay uusad pa rin ang kaso.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Music
00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:14Mayigit 30 diver ng Philippine Coast Guard ang magsasalitan
00:19sa paghanap ng mga labi na mga nawawalang sabongero sa Taal Lake.
00:24Diyan umano sila itinapon ayon sa whistleblower na si Dondon Patidongan.
00:29Pag didiin ang Justice Department, may mahanap mga labi o wala ay uusad pa rin ang kaso.
00:36At live mula sa Laurel, Batangas, nakatutok si Chino Gaston.
00:40Chino!
00:43Mel Vicky, sinimula na ng Philippine Coast Guard ang paghanap sa mga labi na mga nawawalang sabongero
00:49sa isang parte ng Taal Lake katapat ng Bayan ng Laurel.
00:53Nagsagawa ng ocular inspection at pagsusuri sa lalim at kundisyon ng lawa
01:00ang mga technical diver ng Philippine Coast Guard malapit sa isang fish cage sa Taal Lake sa bahagi ng Bayan ng Laurel.
01:07Ang naturang fish cage inuupahan umano ng isa sa mga sospek sa kaso ayon sa DOJ.
01:12Nagkaroon ng surface search kanina sa lugar ang mga diver pero wala pang nakitang indikasyon kung naroon nga ang hinahanap ng mga labi.
01:20Pero simula bukas, higit tatlong pong divers ang magsasalitan sa pagsisid sa lalim na 30 hanggang 50 meters
01:27at posibleng gumamit pa ng specialized diving equipment at gas mixtures para sa kanilang kaligtasan.
01:33Right now, nag-start na tayo ng initial survey. The operations already started and nag-ocular lang tayo
01:41and ina-assess natin yung other equipments that we'll be using.
01:46This is a lake. So, karakteristik niya lalo na pagkamaalon and nakikita niya naman murky.
01:53So, same yun sa bottom. As you go deep, medyo lumalabo. Maburak din yung lugar.
01:58Pusibleng gamitin din ang sariling remotely operated vehicle ng PCG sa paghahanap kung kinakailangan.
02:05Bago magsimulang operasyon, binigyan ng PCG ng briefing ang mga kinatawa ng Department of Justice
02:10sa lugar kung saan gagawin ang paghahanap.
02:13Natukoy ng DOJ ang lugar kung saan sisimulan ang paghahanap batay sa mga isiniwalat
02:18ng whistleblower na si Julie Dondon Patidongan alias Totoy.
02:22Kung gaano katagal gagawin ang paghahanap, sabi ng DOJ.
02:26Well, until we have a good picture, we will not stop.
02:31Kasi pag kailangan ituloy talaga eh, kailangan tapusin yung trabaho.
02:36We're here to make sure that there are no human remains or if ever there are, to find them.
02:41So, until masasabi natin na talagang wala or talagang meron, hindi tayo titigil.
02:47May mga nagsasabi po na meron pa po tayong maabutan.
02:51Importante na umahanap ang mga labinang nawawalang sabongero,
02:55pero pwede pa rin namang umusad ang mga kasong murder laban sa mga sospek sa pamamagitan ng ibang ebidensya.
03:02But this will definitely shift the attention now to a murder case if ever bodies are found and remains are found.
03:10So, we do hope to see remains that will match the DNA of those missing cockfight enthusiasts.
03:20However, even if we do not find the bodies, what we have to prove is the fact of death.
03:27That is what is important in a murder case.
03:29Humingi na rin ng tulong ang DOJ sa Philippine Air Force para madala oras na aprobahan ng Japanese government ang mga hinihiram na ROV.
03:43Vicky, bukas na sisimulan ng malalim na pagsisid ng mga PCG technical divers sa lake bed
03:49base sa isang search pattern na itatakda ng operations commander.
03:53Shifting daw ang gagawin para hindi masagad itong ating mga technical divers ng PCG
03:58hindi na limitado lang din naman ang oras na pwedeng manatili sa sobrang lalim ng katubigan.
04:04Vicky?
04:05Maraming salamat sa iyo, Chino Gaston.

Recommended