Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/9/2025
Handa na ang Philippine Coast Guard sakaling ipag-utos ang pagsisid sa Taal Lake kung saan umano itinapon ang labi ng mga nawawalang sabungero, ayon kay Dondon Patidongan.


Pero sa lawak at lalim ng Lawa ng Taal -- magiging pahirapan umano ang paghahanap sa mga labi.


Mariin namang itinanggi ni PCSO Chairman at dating Judge Felix Reyes ang mga akusasyong nag-uugnay sa kanya sa kaso.


At bukod kay Patidongan, isa pang posibleng testigo ang nagparamdam nang maghahayag ng mga nalalaman ayon sa National Police Commission.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Music
00:00Handa na ang Philippine Coast Guard?
00:09Sakaling ipag-utos ang pagsisid sa Taal Lake
00:12kung saan umano itinapo ng labi ng mga nawawalang sabongero
00:17ayon kay Dondon Patidongan.
00:20Pero sa lawak at lalim ng lawa ng Taal,
00:23magiging pahirapan umano ang paghahanap sa mga labi.
00:27Nakatutok si Ian Cruz.
00:30Lawa sa loob ng isang bulkan,
00:35ganyan kung ituring ang pamosong Taal Lake ng Batangas.
00:38Pero ngayon, may madilim na sekreto sa ilalim ng lawa
00:41na itinuturing ng ground zero sa paghahanap sa katawan
00:45ng mga nawawalang sabongero
00:47matapos ibunyag ng whistleblower na si Julie Dondon Patidongan
00:51na sa Taal Lake itinapon ang katawan ng mga sabongerong pinatay na umano.
00:56May at maya na ang seaborn patrol ng Philippine Coast Guard sa Taal Lake.
01:00Ayon sa PCG dito, handa na raw sila sakaling ikutos na ang pagsisid sa Taal Lake.
01:05Ito yung fishport dito sa bayan ng Talisay na nakaharap nga dito sa Taal Lake
01:10at ayon sa kanilang alkalde, ipapahiram nila itong lugar na ito sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan
01:17na magtutulong-tulong para mahanap yung mga missing sabongero.
01:21Sabi ni Justice Secretary Boyeng Rimulya,
01:23Sisimula na ngayong linggo ang paghahanap sa labi ng mga nawawalang sabongero sa Taal Lake
01:28na tukoy na raw nila kung saan umpisahan ang operasyon.
01:32Merong fish pond list yung isang suspect na tinutukoy natin.
01:38Ito yung ating ground zero natin sa start, from the start.
01:42Pero hindi birong hamon ito.
01:44Ang Taal Lake kasi may lawak na 234 square kilometers,
01:49siyam na beses na mas malaki sa lungsod ng Maynila.
01:52Ang lalim niyan, nasa 198 meters, katumbas ng 60 palapag na gusali.
01:59Malalim kasi yung lake, may higit 100 meters yan sa deepest part kung saan may crater.
02:05So, depende yun kung saan.
02:07And then, yung organic matter kasi na lumulubog,
02:13siyempre lumulubog doon.
02:16Hindi na makapenetrate din yung sunlight kaya madilim.
02:18Ang PNP, sinesecure na raw ang paligid ng Taal Lake
02:22para maihanda ang search and retrieval operations.
02:25Pero hindi lang daw sa Taal Lake sila maghahanap.
02:28Meron kami mga ilan na nagbibisita.
02:30May mga aires kami nato.
02:31Or may around Latina or Batanglas.
02:34But in other parts of the metro and the underlying area.
02:42Saka na namin ililiday nila.
02:43Kasama sa composite team,
02:46nasisisid sa Taal Lake
02:47ang elite force ng Naval Special Operations Command ng Philippine Navy.
02:52Tatlong team na may tig-apat na Navy SEALs
02:54ang ipapadala nila.
02:56Lahat technical divers
02:57na kayang sumisid hanggang sa lalim na 94 meters o 308 feet.
03:02Magde-deploy din daw sila ng drone
03:05na kayang sumisid hanggang 100 meter ang lalim.
03:08We could even retrieve underwater objects without sending any diver.
03:12But unless it's quite complicated
03:14like yung mga nangyari sa mga lumubog na mga barko
03:16na papasukin mo sa loob na mahirapat ang drone,
03:20lalo kung may tethered ang drone mo,
03:22then we have to send out divers.
03:23But again, on situation like this,
03:25the last option will be the diver.
03:26Makakasama rin sa composite team
03:28ang Mines and Geosciences Bureau ng DNR.
03:31Dagdag na hamon pa ang patuloy na pag-aalboroto ngayon
03:35ng bulkang Taal.
03:36Pero pagtitiyak ng FIVOLCS.
03:38Sa lawa, safe naman yun
03:40kasi elite level 1.
03:41Again, TBC lang yung
03:43ni-recommend natin na huwag pasukin.
03:46Sabi naman ni DOJ Assistant Secretary Mico Clavano,
03:50kung walang ma-recover na mga labi mula sa lawa,
03:53hindi nito maapektuhan ng kaso.
03:56Anya, hindi raw absolutely necessary
03:58na mahanap ang katawan ng biktima
04:00para patunayan ng krimen ng pagpatay.
04:03Para sa GMA Integrated News,
04:05Ian Cruz nakatutok.
04:0624 oras.
04:09Mariing itinanggi ni PCSO Chairman
04:11at dating Judge Felix Reyes
04:13ang mga akusasyong nag-uugnay sa kanya
04:15sa kaso ng mga nawawalang sabongero.
04:18Yan po ay matapos siyang pangalanan
04:20ng lumutang na whistleblower
04:22na si Dondon Patidongan alyas Totoy.
04:25Nagbabalik si Ian Cruz.
04:29Sa panayam ng GMA Integrated News,
04:32kinumpirma ni Julie Dondon Patidongan alyas Totoy
04:35kung sino ang dating judge
04:37na sinabi niyang tagalakad na mga kaso
04:40ng negosyante at isabong tycoon atong ang.
04:44Si ex-judge na yan na chairman niya ng PCSO,
04:52siya talaga ang tagalakad.
04:54Si ex-judge, nabanggit mo chairman siya?
04:57Yes, chairman siya ng PCSO ngayon.
05:00Ang kasalukuyang PCSO chairman ngayon
05:03ay ang retiradong judge na si Felix Reyes
05:06na naglabas ang pahayag ngayong araw
05:08para mariing pabulaanan
05:09ang aligasyon ni Patidongan.
05:12Hinamon niya si Patidongan
05:13na tukuyin ang sinasabing kaso ni Ang
05:16o yung mga kinalaman sa mga
05:18nawawalang sabongero
05:20na sa pagkakaalam niya
05:21ay nakabinbin pa sa korte
05:23na inayos umano niya pabor kay Ang.
05:26Kung hindi raw mapapatunayan ni Patidongan
05:29ang akusasyong case fixing,
05:31dapat daw manahimik ito.
05:33Pinunarin ni Reyes
05:34na lumabas ang aligasyon ni Patidongan
05:36isang araw matapos siyang maghain ng aplikasyon
05:39para maging sunod na ombudsman.
05:42Sabi ni Reyes,
05:43handa siya makipagtulungan sa anumang imesigasyon
05:45na magbibigay linaw sa mga anyay
05:48walang basihang aligasyon ni Patidongan
05:50para di na rin mabahiran
05:52ang hudikatura at prosecution service.
05:56Mayo nung nakarang taon,
05:57nang italaga ni Pangulong Marcos si Reyes
05:59bilang Sherman ng PCSO.
06:01Bago yan,
06:02nagsilbi si Reyes bilang board member ng PCSO
06:04simula November 2022.
06:07Naging presiding judge
06:08o acting judge naman siya
06:09sa regional trial courts
06:10ng Taguig,
06:11Lipa,
06:12Kalamba
06:13at Marikina
06:14mula 2006 hanggang 2021.
06:17Nagpaliwanag naman si Patidongan
06:19kung bakit niya tinukoy si Reyes.
06:20Judge,
06:21pasensya ka na
06:23na binanggit ko yung pangalan mo.
06:25Ito naman talaga ang totoo.
06:27Alam mo naman
06:28na ito si Mr. Atong
06:30ang buhay ko na
06:32ang gusto niyang mawala.
06:34Hindi lang buhay ko,
06:36buong pamilya ko
06:37gusto niyang
06:38ipapatay.
06:40Kaya ako,
06:41iniligtas ko lang yung sarili ko.
06:44Pasensya na kayo
06:45na nasabi ko
06:46yung mga pangalan nyo dito.
06:48Sinusubukan pa rin
06:49ang GMA Integrated News
06:50sa mga kuha
06:51ang panig ni Ang.
06:52Para sa GMA Integrated News,
06:54Ian Cruz,
06:55Nakatutok,
06:5524 oras.
06:56Bukod kay Dondon Patidongan,
07:07isa pang posibling testigo
07:09sa missing Sabongeros case
07:11ang nagparamdam
07:13ng maghahayag
07:14ng mga nalalaman
07:15ayon sa National Police Commission.
07:18Nakatutok si Jun Veneracion.
07:24Kasunod ng paglantad
07:25di Dondon Patidongan
07:26alias Totoy,
07:28isa pang testigo
07:28ang nagpadala ng filler
07:30kay National Police Commission
07:31Vice Chairman
07:32Rafael Kalinisan
07:33para maglahad din umano
07:35ng nalalaman
07:36sa kaso
07:36ng mga missing Sabongero.
07:38Mukhang malalim
07:38yung gusto kong lumapit.
07:40Mukhang malalim.
07:42So, let's see.
07:44Sana nga matuloy.
07:46Very interesting yung story,
07:47in fact,
07:48yung umabot sa aking filler.
07:50Inaasahang makatutulong ito
07:52kung tugma
07:52sa mga nao
07:53ng sinabi ni Patidongan.
07:54Malupit yung sustansa niya.
07:57Mahalaga siyempre.
07:59Anyone who builds on
08:00the story of another,
08:01anyone who corroborates,
08:03I think builds on
08:04the credibility
08:05of that witness.
08:06Bukas naman ang polisya
08:07na makipagtulungan
08:08sa investigasyon.
08:09Ang ilan sa labing libang
08:10polis
08:11na idinawit
08:12i Patidongan
08:12at nasa
08:13restrictive custody.
08:15That's one of the directions
08:16that we can take.
08:17If some of them
08:18will volunteer
08:20to be state businesses
08:21or they've decided
08:22to do that.
08:23But even without that,
08:24we can solve this
08:25case
08:26even without
08:27the cooperation
08:28of the suspect.
08:30Lieutenant Colonel
08:30ang may pinakamataas
08:32na ranggo
08:32sa labing limang polis.
08:33Pero sabi
08:34ng Napolcom,
08:35Ayaw ko magsalita
08:36ng tapos na
08:37Lieutenant Colonel lang
08:38kasi sa karera
08:40simulang-simula pa lang ito eh.
08:42At let's just say
08:44kung ikaw naman
08:45ang nag-iimbestiga dito,
08:47papapaisip ko eh.
08:49Doon lang ba
08:49ang level na yan?
08:52Di ba kaya
08:53meron pang mga involved dyan?
08:54Patuloy na nananawagal
08:56ang Justice Department
08:57sa iba pang sangkot
08:58at pinangalalan sa kaso
08:59na makipagtulungan.
09:01Marami sa kanila
09:02ang lumutang na aniya.
09:03There are other people
09:05who are actively
09:05getting in touch
09:06with the DOJ now
09:07who want to clear their names
09:09or who wish to cooperate.
09:11Para sa GMA Integrated News,
09:13June Venerasyon
09:13Nakatutok,
09:1424 Horas.

Recommended