Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Handa na ang Philippine Coast Guard sakaling ipag-utos ang pagsisid sa Taal Lake kung saan umano itinapon ang labi ng mga nawawalang sabungero, ayon kay Dondon Patidongan. Pero sa lawak at lalim ng Lawa ng Taal -- magiging pahirapan umano ang paghahanap sa mga labi.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Music
00:00Handa na ang Philippine Coast Guard?
00:09Sakaling ipag-utos ang pagsisid sa Taal Lake
00:12kung saan umano itinapo ng labi ng mga nawawalang sabongero
00:17ayon kay Dondon Patidongan.
00:20Pero sa lawak at lalim ng lawa ng Taal,
00:23magiging pahirapan umano ang paghahanap sa mga labi.
00:27Nakatutok si Ian Cruz.
00:30Lawa sa loob ng isang bulkan,
00:35ganyan kung ituring ang pamosong Taal Lake ng Batangas.
00:38Pero ngayon, may madilim na sekreto sa ilalim ng lawa
00:41na itinuturing ng ground zero sa paghahanap sa katawan
00:45ng mga nawawalang sabongero
00:47matapos ibunyag ng whistleblower na si Julie Dondon Patidongan
00:51na sa Taal Lake itinapon ang katawan ng mga sabongerong pinatay na umano.
00:56May at maya na ang seaborn patrol ng Philippine Coast Guard sa Taal Lake.
01:00Ayon sa PCG dito, handa na raw sila sakaling iutos na ang pagsisid sa Taal Lake.
01:05Ito yung fishport dito sa bayan ng Talisay na nakaharap nga dito sa Taal Lake
01:10at ayon sa kanilang alkalde, ipapahiram nila itong lugar na ito sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan
01:17na magtutulong-tulong para mahanap yung mga missing sabongero.
01:21Sabi ni Justice Secretary Boyeng Rimulya,
01:23Sisimula na ngayong linggo ang paghahanap sa labi ng mga nawawalang sabongero sa Taal Lake
01:28na tukoy na raw nila kung saan umpisahan ang operasyon.
01:32Merong fish pond list yung isang suspect na tinutukoy natin.
01:38Ito yung ating ground zero natin sa start, from the start.
01:42Pero hindi birong hamon ito.
01:44Ang Taal Lake kasi may lawak na 234 square kilometers,
01:49siyam na beses na mas malaki sa lungsod ng Maynila.
01:52Ang lalim niyan, nasa 198 meters, katumbas ng 60 palapag na gusali.
01:59Malalim kasi yung lake, mahigit 100 meters yan sa deepest part kung saan may crater.
02:05So, depende yun kung saan.
02:07And then, yung organic matter kasi na lumulubog,
02:13siyempre lumulubog doon.
02:16Hindi na makapenetrate din yung sunlight kaya madilim.
02:18Ang PNP, sinesecure na raw ang paligid ng Taal Lake
02:22para maihanda ang search and retrieval operations.
02:25Pero hindi lang daw sa Taal Lake sila maghahanap.
02:28Meron kami mga ilan na nagbibisita.
02:30May mga aires kami nato.
02:31Or may around Latina or Batanglas.
02:34But in other parts of the metro and the underlying area.
02:42Saka na namin ililiday nila.
02:43Kasama sa composite team,
02:46nasisisid sa Taal Lake
02:47ang elite force ng Naval Special Operations Command ng Philippine Navy.
02:52Tatlong team na may tig-apat na Navy SEALs
02:54ang ipapadala nila.
02:56Lahat technical divers
02:57na kayang sumisid hanggang sa lalim na 94 meters o 308 feet.
03:02Magde-deploy din daw sila ng drone
03:05na kayang sumisid hanggang 100 meter ang lalim.
03:08We could even retrieve underwater objects without sending any diver.
03:12But unless it's quite complicated
03:14like yung mga nangyari sa mga lumubog na mga barko
03:16na papasukin mo sa loob na mahirapat ang drone,
03:20lalo kung may tethered ang drone mo,
03:22then we have to send out divers.
03:23But again, on situation like this,
03:25the last option will be the diver.
03:26Makakasama rin sa composite team
03:28ang Mines and Geosciences Bureau ng DNR.
03:31Dagdag na hamon pa ang patuloy na pag-aalboroto ngayon
03:35ng bulkang Taal.
03:36Pero pagtitiyak ng FIVOLCS.
03:38Sa lawa, safe naman yun
03:40kasi elite level 1.
03:41Again, TBC lang yung
03:43ni-recommend natin na huwag pasukin.
03:46Sabi naman ni DOJ Assistant Secretary Mico Clavano,
03:50kung walang ma-recover na mga labi mula sa lawa,
03:53hindi nito maapektuhan ng kaso.
03:56Anya, hindi raw absolutely necessary
03:58na mahanap ang katawan ng biktima
04:00para patunayan ng krimen ng pagpatay.
04:03Para sa GMA Integrated News,
04:05Ian Cruz, nakatutok.
04:0624 oras.

Recommended