24 Oras: (Part 1) Bata, nasawi nang mabitawan ng kaniyang mga magulang habang lumilikas dahil sa baha; ilang motorsiklo, inanod nang tumaas ang lebel ng Bulatukan River: PCG, handa na sakaling ipag-utos ang pagsisid sa Taal Lake kung saan umano itinapon ang labi ng missing sabungeros, atbp.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
06:22Namatay ang isa nilang alagang aso na nabagsakan ng semento.
06:26Puti hindi ako nagbukas kasi kumakain muna ako.
06:29Okay, pagtapos ko ano, tapos ko kain, narinig ko lang biglang sabog.
06:34Kala ko anong nangyari.
06:36Ayun pala, ito na, meritsa dun.
06:38Buti nga, walang yung mga anak ko dito eh.
06:41Sa lakas ng impact, matindi ang pagkakayupi ng unahang bahagi ng truck.
06:46Kwento raw ng pahinante, tapos na silang maghakot ng basura,
06:49kaya pinatanggal ng driver ang kalso ng gulong.
06:52Hindi tiyakong nakaanda ng makina ng truck noon,
06:55pero bigla nalang daw itong dumausdos.
06:57Nung magtanggal sila ng kalso, bigla nang dumiridiretso yung sasakyan.
07:03So unexpected na mawawalan siya ng preno.
07:06So kaya nagdiridiretso siya dito.
07:08Base po sa report ng ating police binangonan,
07:13itong dump truck na ito ay bumabiyahe pababa.
07:17Pabulusok siya dahil ang palsada iya medyo pababa.
07:21Patuloy na iniimbestigahan ng Rizal Provincial Police ang insidente.
07:25Naging pahirapan ang pagtanggal sa labi ng driver dahil sa tindi ng pagkakayupi sa cabin ng truck.
07:32May punto pang lumakas ang ulan at nagmistulang ilog ang matalik na kalsada.
07:37Nakakaawa ko yung ano niya.
07:40Durob yung ganto niya.
07:42Maawa ko.
07:44Hindi ko kaya tingnan ng matagal na.
07:46Naulila ng driver, ang kanyang live-in partner at kanilang tatlong anak.
07:51Sobrang hirap po kasi siya lang po yung naghahanap po kayo sa amin eh.
07:56Pati yung mga anak ko, maliit.
07:59Iyak nang iyak nga yun.
08:00Iyak siya, inahanap siya papa niya.
08:02Tiniyak ng barangay na tutulungan nila ang pamilya ng nasawing truck driver.
08:07Nakikipag-ugnayan na rin daw sila sa may-ari ng tinamaang bahay at tindahan para pag-usapan ang danyos.
08:14Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
08:19Handa na ang Philippine Coast Guard sakaling ipag-utos ang pagsisid sa Taal Lake kung saan umano itinapo ng labi ng mga nawawalang sabongero ayon kay Dondon Patidongan.
08:40Pero sa lawak at lalim ng lawa ng Taal, magiging pahirapan umano ang paghahanap sa mga labi.
08:47Nakatutok si Ian Cruz.
08:49Lawa sa loob ng isang bulkan.
08:55Ganyan kung ituring ang pamosong Taal Lake ng Batangas.
08:58Pero ngayon, may madilim na sekreto sa ilalim ng lawa na itinuturing ng ground zero sa paghahanap sa katawan ng mga nawawalang sabongero.
09:07Matapos ibunyag ng whistleblower na si Julie Dondon Patidongan na sa Taal Lake itinapon ang katawan ng mga sabongerong pinatay na umano.
09:15May at maya na ang seaborn patrol ng Philippine Coast Guard sa Taal Lake.
09:20Ayon sa PCG dito, handa na raw sila sakaling ikutos na ang pagsisid sa Taal Lake.
09:25Ito yung fishport dito sa bayan ng Talisay na nakaharap nga dito sa Taal Lake.
09:31At ayon sa kanilang alkalde, ipapahiram nila itong lugar na ito sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan na magtutulong-tulong para mahanap yung mga missing sabongero.
09:41Sabi ni Justice Secretary Boyeng Rimulya, sisimula na ngayong linggo ang paghahanap sa labi ng mga nawawalang sabongero sa Taal Lake na tukoy na raw nila kung saan umpisahan ang operasyon.
09:52Merong fish pond list yung isang suspect na tinutukoy natin.
09:58Iyon ang ating ground zero natin sa start, from the start.
10:02Pero hindi birong hamon ito. Ang Taal Lake kasi may lawak na 234 square kilometers, siyam na beses na mas malaki sa lungsod ng Maynila.
10:13Ang lalim niyan, nasa 198 meters, katumbas ng 60 palapag na gusali.
10:19Malalim kasi yung lake eh. Mahigit 100 meters yan sa deepest part kung saan may crater.
10:25So, depende yun kung saan. And then, yung organic matter kasi na lumulubog, siyempre lumulubog doon.
10:36Hindi na makapenetrate din yung sunlight kaya madilim.
10:39Ang PNP, sinesecure na raw ang paligid ng Taal Lake para maihanda ang search and retrieval operations.
10:46Pero hindi lang daw sa Taal Lake sila maghahanap.
10:48Meron kami mga ailan na bibibisitan. May mga ailes kami not only around Latina or Batangas, but in other parts of the metro and the underlying area.
11:02Saka na namin na elite nila.
11:03Kasama sa composite team, nasisisid sa Taal Lake ang elite force ng Naval Special Operations Command ng Philippine Navy.
11:11Tatlong team na may tig-apatan Navy SEALs ang ipapadala nila.
11:16Lahat technical divers na kayang sumisid hanggang sa lalim na 94 meters o 308 feet.
11:24Magde-deploy din daw sila ng drone na kayang sumisid hanggang 100 meter ang lalim.
11:29We could even retrieve underwater objects without sending any diver.
11:33But unless it's quite complicated like yung mga nangyari sa mga lumubog na mga barko na papasukin mo sa loob na mahirapat ang drone,
11:40lalo kung may tethered ang drone mo, then we have to send out divers.
11:43But again, on situation like this, the last option will be the diver.
11:47Makakasama rin sa composite team ang Mines and Geosciences Bureau ng DNR.
11:52Dagdag na hamon pa ang patuloy na pag-aalboroto ngayon ng Bulkang Taal.
11:56Pero pagtitiyak ng FIVOLCS.
11:58Sa lawa, safe naman yun kasi alert level 1.
12:01Again, PBC lang yung ni-recommend natin na huwag pa-sorting.
12:07Sabi naman ni DOJ Assistant Secretary Mico Clavano,
12:11kung walang ma-recover ng mga labi mula sa lawa, hindi nito maapektuhan ng kaso.
12:16Anya, hindi raw absolutely necessary na mahanap ang katawan ng biktima para patunayan ng krimen ng pagpatay.
12:23Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz, Nakatutok 24 Horas.
12:29Mariing itinanggi ni PCSO Chairman at dating Judge Felix Reyes,
12:33ang mga akusasyong nag-uugnay sa kanya sa kaso ng mga nawawalang sabongero.
12:39Yan po ay matapos siyang pangalanan ng lumutang na whistleblower na si Dondon Patidongan alias Totoy.
12:46Nagbabalik si Ian Cruz.
12:47Sa panayam ng GMA Integrated News,
12:52kinumpirma ni Julie Dondon Patidongan alias Totoy kung sino ang dating judge
12:58na sinabi niyang tagalakad ng mga kaso ng negosyante at isabong tycoon atong ang.
13:04Si ex-judge na yan na chairman niya ng PCSO, siya talaga ang tagalakad.
13:15Si ex-judge, nabanggit mo chairman siya?
13:18Yes, chairman siya ng PCSO ngayon.
13:19Ngayon?
13:20Yes.
13:20Ang kasalukuyang PCSO chairman ngayon ay ang retiradong judge na si Felix Reyes
13:26na naglabas ng pahayag ngayong araw para mariing pabulaanan ang aligasyon ni Patidongan.
13:32Hinamon niya si Patidongan na tukuyin ang sinasabing kaso ni Ang
13:37o yung mga kinalaman sa mga nawawalang sabongero na sa pagkakaalam niya ay nakabinbin pa sa korte
13:44na inayos umano niya pabor kay Ang.
13:46Kung hindi raw mapapatunayan ni Patidongan ang akusasyong case fixing, dapat daw manahimik ito.
13:53Pino na rin ni Reyes na lumabas ang aligasyon ni Patidongan isang araw matapos siyang maghain ng aplikasyon
14:00para maging sunod na ombudsman.
14:02Sabi ni Reyes, handa siya makipagtulungan sa anumang investigasyon na magbibigay linaw sa mga anyay
14:08walang basihang aligasyon ni Patidongan para di na rin mabahiran ang hudikatura at prosecution service.
14:15Mayo noong nakarang taon na italaga ni Pangulong Marcos si Reyes bilang Sherman ng PCSO.
14:21Bago yan, nagsilbi si Reyes bilang board member ng PCSO simula November 2022.
14:27Naging presiding judge o acting judge naman siya sa Regional Trial Courts ng Taguig, Lipa, Kalamba at Marikina
14:34mula 2006 hanggang 2021.
14:37Nagpaliwanag naman si Patidongan kung bakit niya tinukoy si Reyes.
14:40Judge, pasensya ka na na binanggit ko yung pangalan mo.
14:46Ito naman talaga ang totoo.
14:48Alam mo naman na ito si Mr. Atungang, buhay ko na ang gusto niyang mawala.
14:54Hindi lang buhay ko, buong pamilya ko gusto niyang ipapatay.
15:00Kaya ako, iniligtas ko lang yung sarili ko.
15:04Pasensya na kayo na nasabi ko yung mga pangalan niyo dito.
15:09Sinusubukan pa rin ang GMA Integrated News na maakuha ang panig ni Ang.
15:13Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz nakatutok 24 oras.
15:18Para iwas disgrasya, lalo na ngayong tagulan,
15:22pinagtatanggal ang mga nakalaylay at salasalabat na kawad sa isang bahagi ng binondo sa Maynila.
15:29Kailangan na rin ang permit mula sa Meralco kung may gustong ikabit na kable sa Maynila.
15:35Nakatutok si Dano Tingkungko.
15:38Dahil sa bigat ng mga kable, kung kaya aladominong nagsibagsak ang siyam na poste sa bahaging ito ng Binondo, Maynila noong 2023.
15:49Para mapigilang maulit ang insidente na ikinasugat ng tatlo,
15:52nakipag-ugnayan ang Manila City Hall sa Meralco para alisin ang spaghetti wire sa bahagi ng Yuchenco Street sa Binondo pa rin.
16:03Ayon sa Meralco, mula pa Abril ay hindi na bababa sa 2,000 kilo ng kawad na hindi na magamit ang nakuha nila sa lugar.
16:09Pag tagulan, nandiyan din yung possibility ng power outages brought about by Inclement Weather.
16:17So ito, ginagawa na natin this early, although tagulan na tayo, para maayos natin ng mabuti yung mga poste natin hindi mabigatan.
16:28Kasi otherwise, pag dumaan ng malakas na hangin at medyo minahalas tayo, pwedeng mabuwal yan.
16:35Ayon sa Meralco, kasagsagan ng lockdown ng sunod-sunod ang pagkakabit ng mga kable sa mga poste nang walang clearance sa Meralco.
16:42Kaya simula kahapon, required ng kumuha ng permit mula sa Meralco ang mga magkakabit sa mga poste sa lungsod.
16:49It is now Meralco who will say yes or no o kung kayo'y makakapaglatag sa poste ng Meralco.
16:57If it is for development, and if it is workable and feasible, I don't think Meralco will deny your request.
17:06Kasi at the end of the day, puro high-tension wire yan eh.
17:11Ano yan, mas mas delikado yan para sa mamamayan namin.
17:15Inaalis na rin ng Meralco ang mga spaghetti wires sa iba pang lugar na sakop ng kanilang prangkisa.
17:20Dagdag nito, may plano ng gawing underground ang mga linya ng kuryente.
17:25Pero sa ngayon, prioridad muna ang pag-aalis sa mga kabling wala naman na talagang silbi.
17:29Para sa GMA Integrated News, danating kung ko nakatutok 24 oras.
17:38Happy midweek, chikahan mga kapuso!
17:40Aminado si pambansang gino, David Licawco, na ready na siyang magpakasal in the next few years.
17:46Pero secret daw muna kung meron na siyang special someone.
17:51Pero may iniwan din siyang piece of advice, si David, para naman sa kaibigang si Dustin Yu.
17:56Makichika kay Aubrey Carampel.
17:59Bukod sa kanyang karyer bilang aktor, hanggang sa pagiging entrepreneur,
18:06maraming goals na gusto pang i-achieve sa buhay si pambansang gino, David Licawco.
18:11Para ma-reach ka, kailangan kong figure out kung paano yun.
18:15And yun, kapag lahat yun nagawa ko na, feeling ko ma-reach ka yung goal ko.
18:20Movies, diba, movies.
18:23Gusto ko mag-vlog, gusto ko mag-active sa social media.
18:27At pag-amin niya, isa rao sa kanyang goals in the future ay to get married.
18:33Yeah, siguro 3-4 years from now siguro.
18:38I mean, yun yung ideally, diba?
18:41By then, 34 na ako.
18:43Alam nga naman, wala pa.
18:45Pero nang tanungin kung meron na nga ba siyang special someone.
18:48Meron na ba?
18:49Hindi ko sure.
18:51Sometimes, kasi ano ako eh, private.
18:54Diba?
18:54Sometimes.
18:57Sometimes we learn.
18:58Sometimes we say, sometimes we learn.
19:00This time, I have learned.
19:04Things private?
19:06Yeah, I mean, it's not to say na meron ako.
19:08Meron ako, diba?
19:10Parang just don't let people know.
19:12For now, gusto raw muna niya to work para mas makaipon.
19:16Thankful nga siya sa mga dumarating na blessings, kabilang ang bagong endorsements.
19:20So it just motivates me to do better, to improve on my craft, to improve on everything that I do so that I get more.
19:29Recently lang spotted together si David at ang kanyang best friend na si PBB Celebrity Collab Edition housemate, Dustin Yu.
19:36Ngayong nasa spotlight si Dustin after his PBB journey.
19:41May advice siya sa kaibigan.
19:42Ang advice ko lang sa kanya, actually yesterday, nagusip ko niya sa phone, sabi ko sa kanya na,
19:47wag mo naisipin yung mga haters at this point, like, andyan yun eh.
19:51Parang control what you can control.
19:53And I feel like, kailangan niyang gawin yung mga ginagawa niya, tate.
20:00Diba? Yung, kung sino siya, kailangan niyang balikan yun eh.
20:05Aubrey Carampel, updated to Showbiz Happenings.