Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Bukod sa Batanes na direktang naapektuhan ng Bagyong #BisingPH, ramdam din ang masamang panahon sa ibang lugar dahil sa Habagat na hinahatak ng bagyo. Kabilang sa epekto ang mga baha at pagguho ng lupa kasunod ng mga pag-ulan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bukod sa batanes na direct ang naapektohan ng bagyong bising,
00:04ramdam din ang masamang panahon sa ibang lugar dahil sa habagat na hinahatak ng bagyong.
00:10Kabilang sa epekto ang mga baha at paguho kasunod ng mga pagulan.
00:15At nakatutok si Maki Pulido.
00:22Malakas na hangin na sinabayan ng malakas na ulan ang naranasan sa barangay Langkong, Samlang, Cotabato.
00:28Halos mag-zero visibility sa isang punto dahil sa tindi ng buhos ng ulan.
00:40Sakuhang ito sa handaan sa isang resort, nagsitayuan at nagsiksikan sa gilid ang mga tao dahil sa lakas ng ulan at hangin.
00:48Walang naiulat na nasaktan pero nasira ang ilang gamit.
00:52Bumuhos din ang malakas na ulan sa Lanao del Norte.
00:55Nag-mistulang ilog ang mga kalsada sa ilang bayan.
00:59Dahil sa lawak ng mga pagbaha, pinasok ng tubig ang maraming bahay.
01:04Sa Governor Generoso Davao Oriental, ilang residente ang inilikas matapos umapaw ang ilog dahil sa malakas na pagulan.
01:11Pahirapan ang paglikas at kinailangang gumamit ng lubid para ligtas silang maitawid sa rumaragas ang tubig.
01:17Nagka-landslide rin sa ilang bahagi ng Davao Occidental.
01:20Huwis buhay naman ang pagtawid ng ilang estudyante at iba pang residente sa Kayapa, Nueva Vizcaya.
01:27Ilang buwan na raw sira ang steel bridge na dati nilang dinaraanan dahil din sa masamang panahon.
01:32Kaya tuwing matindi ang pagulan at rumaragasa ang ilog, literal na nalalagay sa bingit ng panganib ang mga tumatawid.
01:39Sa ilang bahagi ng probinsya, humambalang sa kasada ang gumuhong lupa, mga bato at punong kahoy.
01:45Agad naman itong nirespondihan ng lokal na pamahalaan.
01:48May naitala rin landslide at rock falls sa bahagi ng Cannon Road sa Benguet.
01:53Pansamantala itong isinara pero pasagalas 9 kagabi ay binuksan para sa one-way traffic habang nagpapatuloy ang clearing operation.
02:04Sa Metro Manila, bumuhos din ang malakas na ulan kaninang madaling araw.
02:08Lubog sa bahangilang kalsada sa Quezon City gaya sa NS Amoranto Street, Paraneta Avenue.
02:14Sa taas ng tubig, may residente pang gumamit ng rubber boat.
02:18Abot-bewang naman ang tubig sa may Santo Domingo Avenue, Corner, Calamba Street.
02:22Ayon sa pag-asa, habagat na hinatak ng bagyong bising ang nagdulot ng masamang panahon sa malaking bahagi ng bansa.
02:29Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council,
02:33mahigit 27,000 pamilyang apektado ng pinagsamang epekto ng bagyong bising at habagat.
02:39Sa ngayon, wala pang ulat tungkol sa casualties at kabuang halaga ng pinsala.
02:44Para sa GMA Integrated News, Maki Pulido Nakatutok, 24 Horas.

Recommended