Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga Kapuso, sinuspindi ng Malacanang ang pasok bukas, araw ng Weves, July 24.
00:06Walang pasok sa lahat po ng atas sa buong Metro Manila.
00:11Gayun din sa lakad ng provinsya sa Ilocos Region.
00:18At buong Cordillera Administrative Region.
00:21Mga Kapuso, wala rin pasok sa Cagayan at Nueva Vizcaya sa Region 2.
00:33Pati po sa Bataan, Bulacan, Nueva Ecea, Pampanga, Tarlac at Zambales sa Central Luzon.
00:44Pati po sa buong Calabar Zone.
00:51Kasama ang Mimaropa.
00:56Suspendido rin ang klase sa Albay, Camarinesur, Catanduanes, Sorsogon at Masbate sa Bicol Region.
01:06At sa probinsya ng Antike at Iloilo sa Western Visayas.
01:11Ayon sa Malacanang, required na pumasok ang mga essential employees sa gobyerno.
01:14Pero, yung mga non-essential empleyado, pwedeng magpatupad ng alternate work arrangement at mga pinuno ng mga ahensya kung kinakailangan.
01:25Samantala na iligtas sa Romalagas ang baha, ang isang 74 na taong gulang na babae sa Bacoor, sa Cavite.
01:33Bagaman bahain, kahapon lang nakaranas ng lagpas taong baha sa maraming lugar doon.
01:40Nakatutok si Mark Salazar.
01:41Mark?
01:44Mel, lumalakas na naman ang ulan dito sa Cavite.
01:51Alam mo, pagkaganitong lumalakas, bumabalik ang trauma ng ilan sa mga nakaranas.
01:56Nang bigla ang pagtaas ng tubig kahapon nangyari yan, ito yung Mel, pagtaas na lampas tao ang tubig.
02:03Sa evacuation center ng barangay Habay Uno, Bacoor, Cavite, sumisilo ngayon ang mga nakaligtas sa flash flood na muntikan maging trahedya kahapon.
02:16Ikinwento ni Lola Candelaria, 74 years old, alas 10 daw ng umaga kahapon, napakabilis na tumaas ang baha na rumagasa sa kanilang bahay.
02:27Wala na raw siya kung hindi siya hinagisan ang lubid ng rescuer para makapitan papunta sa kaligtasan.
02:33Sa sobrang bilis daw ng pagtaas ng tubig, sabi ni Emily, ang anak niya lang ang nailikas ng rescuer pero siya'y inabutan na ng tubig.
03:01Nasa tarbaho ang asawa ko, tapos yung baha po tumaas na, sabi ko sana ano po kami ng tulong, kasi nga di na po ako magkababa sa bahay ko.
03:15Wala na po ako madaanan, konti na lang po yung bahay ko, gano'n na, lagpas tao na po.
03:24Wala na po akong madaanan, tumalo na lang po ako kapuntang doon sa tubig.
03:29Nangway po ako kasi inuna ko po yung anak ko.
03:32Maraming barangay ng Bacoora mabilis bahain dahil maraming umaapaw na ilog na konektado sa Manila Bay.
03:39Kasi po gawa ng tabi kami ng ilog, kaya pag nag-high tide po, bumabaha na.
03:44Oo, lubog po yung paa, binte.
03:47Pag sinabayan pa po ng habagat o bagyo man na maulan, lumulubog po hanggang bewang ang tubig.
03:53Pero kahapon lang daw naranasan na maraming lugar na umabot ng lagpas tao ang baha.
03:59Mas matagal na rin ngayon kung humupa ang baha.
04:02Sa Noveleta, maraming parte ng National Road ang maghapong baha nang dahil din sa high tide.
04:08Ito rin ang tubig na nagpapabaha hanggang Aguinaldo Highway sa Bacoor.
04:12Sa Kawit, marami pa rin komunidad ang lubog sa baha.
04:15Nandito po ako sa barangay Tabon Uno sa Kawit, Cavite ito.
04:25Isa ito sa mga pinakasensitibong mga komunidad dito sa Kawit.
04:29Ibig sabihin, ito daw ay kahit mahigit isang oras lang na malakas, naderederecho ang pagulan.
04:37Napakabilis ang pagtaas ng tubig.
04:38Itong nasa likuran ko, ito makikita nyo hanggang hita pa lamang ngayon ng tubig baha.
04:44Pero bungad kasi ito, Mel, sa looban ito hanggang dibdib ang tubig baha.
04:50Ang pinapanalangin nila, itong pagulan-ulan na ito ay huwag tatagal ng matagal na higit sa isang oras at malakas
04:56dahil baka mangyari yung kahapon na hanggang lampas tao ang tubig baha, Mel.
05:02Maraming salamat sa iyo, Mark Salazar.
05:04Pito na ang naiulat na nasawi dahil sa kabagat, bagyong krising at low pressure area.
05:10Ayon sa NDRMC, dalawa ang kumpirmadong nasawi habang lima ang patuloy na bine-verify.
05:16Sa walong napaulat na nawawala, dalawa ang nakumpirma na.
05:20Maygit 1.9 million na individual naman ang apektado.
05:23Maygit 464 million pesos naman ang halaga ng pinsala sa agrikultura.
05:28Habang maygit 3.7 billion pesos naman sa infrastruktura.
05:31Nadagdagan din ang mga lugar na isinailalim sa State of Calamity.
05:36Kabilang na riyan, ang Malabon, Manila, Marikina at Las Piñas.
05:39Gayon din ang Uminggan, Kalasyao at Nagupan City sa Pangasinan.
05:44Sa Rizal, State of Calamity na sa Kayta at San Mateo.
05:47Gayon din sa Maykawayan, Bulacan, Agoncillo, Batangas, Rojas, Palawan at Masantol, Pampanga.
05:53Pati sa Sebaste at Barbaza sa Antike.
06:01Mga kapuso, maki-update tayo sa magiging lagay ng panahong itudulot ng dalawang bagyo at habagat.
06:06Iaatid dyan ni Amor La Rosa na GMA Integrated News, Weather Center.
06:10Amor!
06:11Salamat, Emil, mga kapuso.
06:14Dalawang bagyo na nga po ang humahatak at pinalalakas ang hanging habagat.
06:19Iyan po yung bagyong Dante.
06:20Dito po yan sa may silangan, dito po sa may bandang itaas.
06:23At bagyong Emong naman, dito po yan sa kanlurang bahagi po ng bansa.
06:27Huling namataan ng bagyong Dante, 835 kilometers east on northeast ng extrema northern Luzon.
06:33Taglay po ang lakas ng hanging nga abot, 65 kilometers per hour.
06:36At yung pagbugso po niyan, 80 kilometers per hour.
06:39North-northwest po yung galaw nito sa bilis naman na 25 kilometers per hour.
06:44Sa forecast track po ng pag-asa, kikilos po ito pa-northwest sa mga susunod na oras.
06:49Patungo po dito sa may Ryukyu Islands at East China Sea.
06:53Pusibleng bukas po ng hapon o gabi ay makalabas na po yan sa Philippine Area of Responsibility.
06:58Ang bagyong Emong naman, huling nakita ng pag-asa, 150 kilometers.
07:03Kanluran po yan ng lawag city dito po sa may Ilocos Norte.
07:06Pa-southwest po o pababa po yung paggalaw nito, pakanluran.
07:10So yun po, pa-southwest pababa, pakanluran dito.
07:13At sa bilis po ito na 20 kilometers per hour.
07:16Dahil malapit po yan sa northern Luzon, nakataas na po ang signal number one sa Ilocos Norte, Ilocos Sura, La Union,
07:23northern at western portions ng Pangasinan, Apayaw, Abra at ganun din sa Benguet.
07:27So dito po mararanasan yung malakas na bugso ng hangi na may kasamang mga pag-ulan.
07:32May gale warning naman at delikado pong pumalao at dito po yan sa western seaboards ng northern Luzon.
07:39Ayon po sa pag-asa, magpapatuloy pa-southwest po na galaw.
07:42Dito po nga bagyong Emong, dito yan sa may West Philippine Sea ngayong gabi hanggang bukas po yan.
07:48Pero magbabago po yung direksyon niyan dahil po sa interaksyon nito sa bagyong Dante.
07:53So iikot po yan, ito pong bagyong Emong at kikilus naman po pa-northeast.
07:57So kung sa mga nakalipas po na oras, ayon po ay pa-southwest, babalik po yan dito sa may atin at posibleng mag-landfall.
08:04Dito yan sa may Ilocos Sur, di kaya naman po sa may La Union o Pangasinan area bukas po ng gabi o biyernes po ng umaga.
08:13Ayon po sa pag-asa, pwedeng sa weekend pa ito lumabas sa Philippine Area of Responsibility.
08:19Ayon po sa pag-asa, meron din pong tinatawag na Fujiwara Effect dito po sa dalawang bagyo.
08:24So nagkakaroon po ng interaksyon ito pong bagyong Emong at bagyong Dante.
08:28Pero dito po, mas malakas po yung hatak nitong bagyong Dante.
08:31Kaya po yung pagkilos nitong bagyong Emong yung nai-impluensyahan.
08:36Patuloy po na palalakasin ang dalawang bagyo yung hanging habagat na magdudulot pa rin na maulang panahon sa malaking bahagi po ng Pilipinas.
08:43Base po sa datos ng Metro Weather, may mga pag-ulan pa rin ngayong gabi at yung mga matitinding buhos po ng ulan mararanasan po yan dito sa may Ilocos Region at pati na rin sa may Cordillera.
08:54May mga pag-ulan din po sa iba pang bahagi po yan ng Northern at ng Central Luzon, Metro Manila, Calabarzon,
09:00ganoon din dito sa Mindoro Provinces, ilang bahagi po ng Palawan at ganoon din sa Bicol Region.
09:06Magtutuloy-tuloy pa rin po ang mga pag-ulan bukas po ng umaga sa ilang bahagi po yan ng Ilocos Region pati po dito sa may Central and Southern Luzon.
09:15So nakikita po natin may mga heavy to intense pa rin na mga pag-ulan kaya posible pa rin ang mga pagbaha-ulan slide.
09:22Halos buong Luzon na po ang uulan din pagsapit po ng hapon.
09:25Ayan po malalakas at malawakan po yan lalong-lalong na dito sa may Northern and Central Luzon at pati na rin po sa Western sections po yan ng Central and Southern Luzon.
09:35May mga pabugsubugsong ulan din po dito sa Metro Manila bukas po ng umaga at magtutuloy-tuloy po yan sa hapon at pati na rin po sa gabi.
09:43Kaya dobli ingat mga kapuso.
09:45Posible rin pong ulanin ang Visayas, ganoon din po ang Mindanao umaga bukas.
09:49May mga pag-ulan po dito sa Panay Island at Negros Island region, ganoon din sa may Zamboanga Peninsula.
09:55Halos ganyan din po sa hapon pero may mga pag-ulan na rin dito po yan sa may Central at Eastern Visayas, pati na rin po sa ilang bahagi ng Mindanao.
10:03Meron din po tayo nakikita mga malalakas na ulan, lalo na po sa Panay Island at pati na rin sa may Zamboanga Peninsula.
10:11Bukod po dito sa habagat at ganoon din sa dalawang bagyo dito sa loob ng Philippine Area of Responsibility,
10:17meron din sa manang panahon dito po yan sa labas ng PAR at mataas din po ang tsansa nito na maging bagyo.
10:24Pero ayon po sa pag-asa, pahilaga o paakyat naman po yung galaw nito at hindi naman tutumbukin ang Pilipinas.
10:31Pero posible po pong magkaroon ng pagbabago kaya tutok lang po kayo sa updates.
10:36Yan ang latest sa lagay ng ating panahon.
10:37Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
10:47Sa gitna ng mga pagbahap, tuloy-tuloy ang isinasagawang Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation.
10:55Kinatira naman natin ang tulong ang mga taga-barangay Wawa sa Balagtas, Bulacan at mga taga San Mateo sa Riza.
11:02Simula kahapon, abot hanggang 20 na ang baha sa barangay Wawa sa Balagtas, Bulacan.
11:14Ang walang humpay na pagulan, sinabayan pa kasi ng high tide.
11:19Kaya ang mga residente, apat na araw nang nagtitingi sa evacuation center gaya ng pamilya ni Rodrigo.
11:25Problema niya kung saan kukuha ng panggasto sa ngayon dahil natigil siya sa pagtitinda ng street foods.
11:34Ako, napakahirap ma'am. Unang-una, simpre sa pagkain dahil wala naman kaming trabaho.
11:38Punta kami sa palengke, dadaan ka sa hanggang baywang na tubig.
11:43Sinoong ng GMA Kapuso Foundation ang baha, kasama ang NCR Command ng Armed Forces of the Philippines
11:49para maghatid ng relief goods at tinapay sa barangay Wawa.
11:54Maraming maraming salamat sa GMA Foundation sa pagpuntalara rito sa amin.
12:01Makakatulong ng malaki ito sa amin.
12:03Nabigyan din natin ng tulong ang mga residenteng nalubog sa baha sa San Mateo sa Rizal,
12:09kasama ang sparkle artist at army reservist na si Ronnie Liang, pati na si Tess Mam.
12:15Sa kabuuan, 2,300 pamilya ang nahatira natin ng tulong.
12:21Maraming salamat po sa Sumifru Philippines Corporation sa pakikiisang sa ating Operation Bayanihan.
12:29At sa mga nais na magpaabot ng tulong, maaari kayo magdeposito sa aming mga bank account o magpadala sa Cebuana Loilier.
12:36Pwede ring online via Gcash, Shopee, Lazada, Globe Rewards at Metro Bank Credit Card.
12:42Mga kapuso, maghahandog po ang GMA Kapuso Foundation ng libreng salamin na may grado bilang pakikisa po yan sa Sight Saving Month sa Agosto.
12:57Isang daang tao po ang bibigyan, kaya't maaari po kayong tumawag kung nangangailangan kayo ng salamin,
13:04naka-flash po sa inyong TV screens ang mga telephone numbers para kayong makapagpalista.
13:11Nagtaas naman ng singili sa pasahe ang ilang namamasada sa mga bahang kalsada sa Valenzuela City.
13:17Nakatutok doon live si Marisol Abduraman.
13:19Marisol!
13:24Mel, ilang araw nang nagtitiis ang mga residente sa ilang barangay na hanggang ngayon ay lubog pa rin sa baha dito sa Valenzuela City.
13:32Bit-bit ang kaldero.
13:37Sinuong ni Jerry ang baharito sa dulong tangke, barangay Malintaba, Valenzuela City.
13:42Dadalhan niya ng pananghalian ang mga magulang at mga kapatid na nag-evacuate.
13:46Diyan po sa school kasi po lumikas sila mama niya.
13:49Tumaas na niya kasi ang baha sa kanilang bahay.
13:52Minsan po kasi ano, hanggang leeg po.
13:55Kasama ang mga kaanak ni Jerry sa dalawang libo at tatlong daang pamilya sa lungsod na lumikas.
14:00Kung tutuusin, sanay naan nila sila sa baha.
14:03Kaso nakatakot po sa totoo lang kami, hindi pa kami maalis dito kasi nga may bagyo pa po.
14:09Balikbahe naman na kanina ang mag-anak na ito, matapos pansamantalang makituloy sa mga mabulang.
14:14Kumupa na kasi ang baha sa pinitirah nila sa barangay Dalandanan.
14:18Safe na bang bumalit?
14:20Siguro po.
14:21Sikat pa paano di naman na nag-uulan?
14:22Apo.
14:23Sa mga kalsadang baha pa rin tulad sa G. Lazaro, problema ng ilan ang mas mataas na singil ng mga nakakadaang sasakyan.
14:31Saan yung pamasahe namin eh. Mahal din po yung pamasahe.
14:34Ano yung delikado sa baha?
14:36Sanay na po.
14:39Sa Mako Artro Highway naman sa Dalandanan, delikado pa rin.
14:43Sir, ano nangyari? Tumirik?
14:45Tumirik, malalim sa gitna.
14:47Nahabot po ng ba.
14:48Tumirik?
14:49Ah ba, tumirik po.
14:50Kahit mga four-wheel na sasakyan, di rin kinaya.
14:54Kaya si Jomarie Monteveros nanigurado.
14:56Kumusta? Ilang oras ka na naghihintay dito?
14:59Ah, mga isang oras pa lang naman.
15:01Ilang oras.
15:02Ah, anong hihintay niyo po?
15:05Nagahalangan kasi ikod nung maan eh.
15:07Mag ilang oras panghihintay niyo niyan, sir?
15:09Siguro mga, siguro may isang oras.
15:12Amil, gay ng ating nararanasan ngayong panakanakang pagulan ang naranasan natin sa buong araw dito sa Valenzuela City.
15:24Kaya naman merong mga lugar na humupan ang baha pero merong pa rin mga area na hanggang ngayon ay baha pa rin tulad na lamang itong ating kinaruroonan dito sa MacArthur Highway sa barangay Dalandanan.
15:34Pero yung iba talagang hanggang ngayon, Emil, hindi madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan.
15:39At ang evacuies, bagamat nabawasan ang bilang, nasa mahigit 2,000 pa rin na pamilya ang nananatili roon.
15:46Emil.
15:47Maraming salamat, Marisol Abduraman.
15:49Unang sona pa lang niya ay pinangakuna ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagpapababa sa bilang ng mga maihirap na Pilipino.
16:10Kaya ngayong nangangalahati na ang kanyang termino.
16:12Kung kumustahin natin kung nasa na ang gobyerno sa pag-abot niyan, hindi lang po batay sa mga estatistika, kundi sa lakas ng kalam ng sikmura at estado ng dignidad ni Juan de la Cruz.
16:28Ang special report.
16:29Tinutukan ni Ivan Mayrina.
16:35Isa sa di malilimutang imahe ng unang bahagi ng 2025.
16:38Ang babaeng ito, nabiglang sumulpot mula sa imburnal sa isang bahagi ng Makati.
16:43Kwentong nagsangana sa buhay ng mga maihirap na Pilipinong tulad ni na Rose, na napilitan naman ang mga lakal at pumasok sa mga imburnal para lang may ikabuhay.
16:51Gusto ko kasi makapagtapos ako na pag-aaral.
16:55Saka magbago yung buhay ko, yung makatulong naman ako kahit hindi ko turin na pamilan.
17:02Nung kanyang unang sona, isa ang kahirapan sa pinangakot tugunan ni Pangulong Marcos.
17:069% or single-digit poverty rate by 2028.
17:12Ang target na yan, kalahati ng poverty incidence sa Pilipinas na naitala ng Philippine Statistics Authority bago siya maupo noong 2021 na 18.1%.
17:20Naibaba na yan sa 15.5% noong 2023.
17:24Malaking kabawasan, pero ika nga, malayo na, pero malayo pa.
17:28Katubas kasi ng 15.5% na poverty rate ang 17.5 milyong maihirap na Pilipino na nabubuhay sa mas malit pa sa 92.50 kada araw.
17:37Si Noemi, isang solo parent na tubong katabato.
17:39Tinakasan ang hirap ng buhay sa probinsya.
17:41Pero nang makipagsapalaran sa Metro Manila, hindi rin birong hirap ang hinaharap niya.
17:46Ilang taon na niyang mag-isang itinataguyod ang dalawang anak.
17:48Ang isa, may kapansanan pa sa pamagitan ng pagtitinda ng mais sa Balintawak Market.
17:53Ang mga tulad ni Noemi ang target matulungan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4PACE ng pamahalaan.
17:59Di lang stress siguro sir, parang depressed na eh.
18:01Kasi parang bayad dito, ganun di mo mano.
18:05Pero nung nakasali ako sa 4PACE, laking tulong sa akin yun.
18:09Sa pamagitan ng 4PACE, mahigit 1.4 milyon na pamilyang Pilipino na raw ang natulong ang makaalpa sa kahirapan.
18:18Tulad ni Jomilin, nakakagraduate lang sa 4PACE ngayong buwan.
18:21Makalipas ang labing isang taon sa programa, nakapagpundar siya ng sariling bahay.
18:25At may kinabubuhay na ngayong malita tindahan at computer shop.
18:29Ngaabot po kami sa pangangalakan na kumukuha yung asawa ko ng kalakad, pati yung kanin baboy.
18:35Kinakwendo ko nga sa mga anak ko na nag-construction ako, hindi sila makapaniwala eh.
18:39Kasi sabi ko, dalawa kami ni Papa nag-construction.
18:43Si Papa nag-aasintada, ako nag-ahalo.
18:46Naging self-sufficient na sila.
18:48Kayo na tumayo.
18:49So we're looking at around 1 million cumulatively come end of the year.
18:52Walang administrasyon na nag-exit kahil um naging maayos na yung buhay ng mga benesasyon na ganun karami.
18:59It started in 2024 and 2025.
19:02Kasi marami talagang intervention na ginawa.
19:04100 billion piso ang taon ng budget ay nilalaan para sa social protection program ng gobyerno tulad ng 4Ps.
19:10Pero kapal sinpansin ang biglang tapyas ito sa 2025 national budget.
19:14Ang DSWD, isa lamang sa mga departementong natapyasan.
19:18Hindi rin nakaligtas ang Department of Agriculture.
19:20Sektor na kabilang sa mga pinakamahihirap na mga Pilipino.
19:23Tanong tuloy na isa ekonomista.
19:25Gaano nga ba kataas sa prioridad ng gobyerno ang pagtugon sa kahirapan?
19:29We have to have structural changes and focus on basic sectors.
19:35Dapat yung agrikultura natin, papataas natin yung productivity ng agriculture,
19:41which will of course have spillover effects on other industries.
19:45Ang dinagdagan, mga budget para sa ibang ayuda.
19:48Hindi na lang yan 4Ps, kundi meron pang TUPAD, AICS at ACAP.
19:52Isa sa pinakamalaking programa kontra kahirapan ng Administrasyong Marcos.
19:56At ngayon din ang mga nakarang administrasyon,
19:59ang social protection programs tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
20:04Pero laging may puna sa programa.
20:06Una, hindi daw ba sinasanay na lang natin ang mga mahihirap sa ayuda?
20:11At hindi daw kaya ito nagagamit sa pamumulitika?
20:14Let's face it, it's being used for political patronage.
20:18People out of frustration want immediate relief and politicians use that to gain favors.
20:26Tignan niyo ang 4Ps, hindi bilang ayuda kung hindi, bilang pamumuhunan sa taong bayan.
20:32Giyan mga yan, naging members ng productive workforce.
20:36Then babawas ng babawas yung incidents ng kahirapan.
20:39Then the nation will move along.
20:41Batay sa Philippine Development Program ng Administrasyon,
20:44target na maging upper middle income ang bansa ngayong taon.
20:46Pero kinapos ang Pilipinas sa aspetong ito,
20:49$4,470 ang gross national income ng bansa,
20:52katumbas ang kitang 21,232 pesos kada buwan ng kada Pilipino.
20:58Hindi yan umabot sa $4,496 sa target na itinakda ng World Bank,
21:02katumbas ang kitang 21,356 kada buwan ng bawat isang Pilipino.
21:07Gross national income ang kabuhang kinita ng mga resident at negosyo.
21:10Sa isang bansa, ang pambansang utang nasa halos 17 trillion pesos na
21:15at sa halip na bumaba sa target na 60% ng GDP ngayong taon,
21:18lalo pang tumaas sa 62%.
21:20Sa kabilang banda, ibinibidi ng bansa ang 5.7% na gross domestic product noong 2024,
21:26pangalawang pinakamataas sa ASEAN.
21:28Pero sa kabila ng mga ibinibidang numero,
21:30hindi pang kalahatan at hindi agaran ang magiging epekto ng marami sa mga ito.
21:34Dahil hanggat may mga natatanggalan ang dignidad ng dahil sa kahirapan,
21:37patuloy ang hamon sa pamahalaan na tiyaking sa anumang pag-unlad,
21:41walang maiiwan tulad ng mga naninirahan sa mga kalsan at estero
21:44at sa marami pang sulok ng bansa na hindi natin nakikita.
21:48Hindi pwede na umaakyat ang ekonomiya.
21:50May sektor o may bahagi ng ating lipunan na hindi mga bibibiyayaan,
21:55yung direksyon ng presidente walang maiiwanan.
21:57We're growing, macro number yan.
21:59But do we see really remarkable improvements sa buhay ng average na Pilipino?
22:06Or do we still see yung middle class struggling pa rin ba yan to pay off bills?
22:11People seem to find it hard to make ends meet.
22:15It goes to show that we have a long way to go.
22:20Para sa GMA Integrated News,
22:22Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
22:27For more information, visit www.fema.org.

Recommended