Nabunot ang ilang kawayan mula sa isang bangin at bumaon sa mga nabagsakang sasakyan sa Quezon City. Dahil pa rin ‘yan sa tuloy-tuloy na pag-ulan na nagpalambot ng lupa.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Sa Quezon City naman, nabunot ang ilang kawayan mula sa isang bangin at bumaon sa mga nabagsakang sasakyan.
00:07Dahil pa rin yan sa tuloy na pagulan na nagpalambot ng lupa.
00:12Kamustahin natin ang sitwasyon sa live na pagtutok ni Maki Pulido.
00:17Maki!
00:18Sa kabila ng abiso ng barangay, nahintayin muna yung assessment ng City Engineer's Office para matiyak na hindi tuluyang gumuho ang lupa ay pinutol ng may-ari ng dalawang sasakyan yung mga kawayan na bumaon sa kanilang mga sasakyan.
00:37Wala naman daw kasing dumating mula sa City Engineer's Office e kailangan na nila yung mga sasakyan para makapaghanap buhay.
00:48Alasais ng umaga kanina, nabunot ang mga kawayang nakatanim sa gilid ng bangin dahil sa paglambot ng lupa at bumagsak sa dalawang nakaparadang sasakyan sa Don Vicente Street, barangay Bagong Silangan, Quezon City.
01:01Parang humangin lang naman, tapos bigla lang narinig na may bumagsak, tapos bumagsak na pala yung kawayan.
01:11Tinanim ni Don Don ang mga kawayan sa pag-asang mapigilan nito ang pagbuho ng lupa.
01:16Ito kasi ang bahay niya, nasa gilid na mismo ng bangin.
01:20Wala naman malilipatan kung meron lang bakit hindi.
01:24Pwersahan ng pinalika sa mga nakatira sa tatlong magkakatabing bahay sa gilid ng bangin.
01:29Ang mag-asawang Don Don at Merlin nagdala muna ng kaunting gamit at makikisilong muna sa isang Christian church,
01:35habang ang ibang pamilya makikitira muna sa mga kapitbahay.
01:39Papayagan lang daw silang makabalik kung tumigil na ang malalakas na ulan.
01:43Hindi ko rin alam, hindi ko nga nga ako nablablang ko eh, hindi ko nga alam kung paano mangyayari o kaya mangyayari pa eh.
01:54Matagal na raw humingi ng tulong ang mga residente para sana mapatayuan ng reprap ang bangin.
01:59Lahat ng mga kandidato ang pupunta dyan.
02:02Pinapakita namin, picture-picture lang sila, sukat-sukat. Wala naman nangyayari.
02:06Isang SUV at isang taxi ang binagsakan ng mga kawayan. Problema tuloy ang pang-araw-araw na gastos ng pamilya ng taxi driver.
02:14Sa araw-araw po namin na pangangailangan, dito lang po kami umaasa.
02:19Ito lang po ang inaasahan namin, pinagkukuna ng pangkain namin araw-araw.
02:24Kaya hindi na nahintay ng taxi driver at may-ari ng SUV ang city engineer.
02:29Sa kabila na abiso ng barangay, isa-isang initak ng taxi driver at kanyang mga kasama ang mga nakapatong na kawayan para matanggal ang sasakyan.
02:38Naunang nailabas ang SUV.
02:40Wala ma'am, kasi kung antayin pa namin ang city engineer, babalikan nila daw, eh kaya may dalawang bagyo pa.
02:47Pag naggumuho itong bahay, tatabunan na ng lupa ang taxi.
02:51Humupa ng baha sa barangay silangan pero hindi pa pinapayagang umuwi ang mahigit 1,700 evacuees.
02:57Dahil masama pa rin ang panahon.
03:00Pero si Meralisa, hindi raw alam kung may mauuwian pa.
03:03Tubo po.
03:05Kampi-kampi.
03:06Depende na lang po kasi nabasaan na po siya sa ulan.
03:10Depende na lang po kung pwede pa siyang matirahan.
03:14Kasi yung mga plywood lumambot na po.
03:16Bahala na po.
03:17Sa evacuation center, may pwesto rin para sa mga alaga na mga lumikas dahil sa pagbaha.
03:23Quezon City Veterinary Office ang nagbabantay at nagpapakain sa kanila.
03:26Nag-deklara na ng State of Calamity ang Quezon City para magamit ng LGU ang kanilang Quick Response Fund.
03:38Nakaalerto pa rin ang Quezon City, Mel.
03:40At kung kailangan daw ng tulong ay tumawag lang sa Hotline 122.