Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi pa nakaka-uwi ang ilang lumikas dahil mataas pa rin ang baha sa ilang lugar sa Valenzuela City.
00:06Ang Quezon City Government naman magbibigay ng tulong sa mga pamilyang apektado ng landslide sa Barangay Bagong Silangan.
00:13Narito ang aking report.
00:17Isa-isang in-attack ng mga lalaking yan ang mga kawaying bumagsak sa dalawang nakaparadang sa Sakenso Don Vicente Street, Barangay Bagong Silangan, Quezon City.
00:26Naon nang nailabas ang SUV, sunod ang taxi.
00:30Hindi na raw nahintay ng mga may-ari ng sasakyan ang City Engineer's Office sa kabila ng abiso ng barangay.
00:35Wala ma'am kasi kung antayin pa namin ang City Engineer, babalikan nila daw, eh kaya may dalawang bagyo pa.
00:42Pag nagumuho itong bahay, tatabunan na ng lupa ang taxi.
00:46Wala naman daw dumating mula sa City Engineer's Office at kailangan nila ang mga sasakyan para makapaghanap buhay.
00:52Sa araw-araw po namin na pangangailangan, dito lang po kami umaasa.
00:57Ito lang pang inaasahan namin, pinagpukunan ng pangkain namin araw-araw.
01:02Alas 6 nung umaga daw kanina, nang nabunot ang mga kawaying na katanig sa gilid ng bangin dahil sa paglambot ng lupa.
01:08Parang kumangin lang naman, tapos bigla nang narinig na may bumagsak, tapos bumagsak na pala yung kawayan.
01:19Tinanindam ni Dondon ang mga kawayan sa pag-asa mapigilan nito ang pagbuho ng lupa.
01:24Nasa gilid kasi mismo ng bangin ang kanyang bahay.
01:26Wala namang malilipatan. Kung meron lang, bakit hindi?
01:30Persahan ang pinalikas ang mga nakatira sa tatlong magkakatabing bahay sa gilid ng bangin.
01:35Matagal na raw humingi ng tulong ang mga residente para sana mapatayuan ng riprap ang bangin.
01:41Lahat ng mga kandidato ang pupunta dyan.
01:43Pinapakita namin, picture-picture lang sila, sukat-sukat. Wala namang nangyayari.
01:48Kumupa ng bahas sa barangay Silangan pero hindi pa pinapayagang umuwi ang mahigit 1,700 debacuies dahil masama pa rin ang panahon.
01:56Ang iba gaya ni Meralisa, hindi raw alam kung may mauuwian pa.
02:02Depende na lang po kasi nabasaan na po siya sa ulan.
02:06Depende na lang po kung pwede pa siyang matirahan.
02:10Kasi yung mga plywood lumambot na po, bahala na po.
02:14Sa evacuation center, magpwesto din para sa mga alaga ng mga lumigas na residente.
02:20Quezon City Veterinary Office ang nababantay at nagpapakain sa kanila.
02:23Nag-deklara na ng State of Calamity ang Quezon City para magamit ng LGU ang kanilang Quick Response Fund.
02:32Bit-bit ang kaldero.
02:33Sinoong ni Jerry ang baharito sa dulong tangke, barangay Malintaba, Venezuela City.
02:38Dadalhan niya ng pananghalian ang mga magulang at mga kapatid na nag-evacuate.
02:42Diyan po sa school kasi po lumigas sila mama niya.
02:45Tumaas naan niya kasi ang baha sa kanilang bahay.
02:48Minsan po kasi hanggang leeg po.
02:51Kasama ang mga kaanak ni Jerry sa dalawang libo at tatlong daang pamilya sa lungsod na lumigas.
02:56Kung tutuusin, sanay naan nila sila sa baha.
02:59Kaso nakatakot po sa totoo lang kami, hindi pa kami maalis dito kasi nga may bagyo pa po.
03:05Balikbahe naman na kanina ang mag-anak na ito.
03:07Matapos pansamantalang makituloy sa mga magulang.
03:10Kumupa na kasi ang baha sa tinitrah nila sa barangay Dalandanan.
03:14Sa mga kalsadang baha pa rin tulad sa G. Lazaro, problema ng ilan ang mas mataas na sihil ng mga nakakadaang sasakyan.
03:27Saan yung pamasahe namin eh.
03:29Mahal din po yung pamasahe.
03:30Mahal din po yung delikato sa baha.
03:32Sanay na po.
03:35Sa McArthur Highway naman sa Dalandanan, delikato pa rin.
03:38Sir, ano nangyari? Tumirig?
03:41Tumirig, malalim sa gitna.
03:43Ano, abot mo ng baha.
03:44Tumirig?
03:45Aba, tumirig po.
03:46Kahit mga four-wheel na sasakyan, hindi rin kinaya.
03:49Kaya si Jomarie Monteveros nanigurado.
03:52Kumusta? Ilang oras ka na naghihintay dito?
03:56Mga isang oras pa lang naman.
03:57Mga isang oras. Anong hinihintay niyo po?
04:01Nagahalangan kasi ikod numaan eh.
04:03Mga ilang oras panghihintay niyo niyan, sir?
04:05Siguro mga isang oras.
04:09Nilipad ng malakas na hangin ang bubong ng ilang bahay sa Iloyolo City, sa Pangasinan.
04:15Pati ilang evacuation center, hindi nakaligtas sa pagbaha.
04:19Saksi si CJ Torida ng GMA Regional TV.
04:24Lagmas taong baha ang nagpalubog sa ilang lugar sa bayan ng Kalasyao sa Pangasinan.
04:29Ang mga residente, ni-rescue na mga otoridad mula sa kanilang mga tahanan para dalhin sa evacuation center.
04:37Ang mga kalsada, mistulang ilog na.
04:40Ayon sa Kalasyao MDR-RMO, alos hindi na huminto ang tawag ng mga nagpapa-rescue.
04:46Mula pa kagabi dahil sa paglalim ng tubig, patuloy rin ang pag-apaw ng Marusa'y Sinukalan River.
04:51Hanggang 6 feet above, lagpasta ang tubig baha.
04:57Mula po kagabi ay meron po tayong bulk ng rescue operation sa barangay Mancoop at saka sa barangay Lasip.
05:05Sa huling tala ng Kalasyao MDR-RMO, 21 barangay ang lubog sa baha.
05:10Kasabay nito, isininalim na sa State of Calamity ang Kalasyao.
05:14Malaking tulong daw ito para magamit ang emergency funds ng LGU para sa mga apektadong residente.
05:19Sa ngayon, mayigit 10,000 pamilya na ang apektado ng baha at mayigit 80 pamilya ang nananatiling sa evacuation center.
05:28Idineklara na rin ang State of Calamity sa Dagupan City.
05:31Malawakan din ang pagbaha sa lungsod.
05:34Kaya pinasok na ng tubig maging ang St. John the Evangelist Cathedral.
05:38Sabi ng ilang residente, lagpas bewang na baha ang pumasok sa kanilang bahay sa barangay Pugot Chico.
05:44Saan kayo pupunta?
05:45Sa astrono po.
05:47Okay.
05:47Mag-evacuate na kayo?
05:48Opo.
05:49Ano yung taladala ninyo?
05:50Lamin.
05:51Kabilang din sa binaha ang Barangay Maluwad kung saan patuloy ang mga rescue operation.
05:56Nandito tayo ngayon sa Barangay Maluwad, Dagupan City.
05:59At sa mga oras na ito, pasago alas 12 ng tanghali, wala tayong nararanasang pangulaan,
06:05pero patuloy na tumataas yung antas ng baha sa ating kinararoonan.
06:10Ito na po yung mga tubig na galing sa mga umapo na kailugan sa kalapit bayan.
06:14Sa tala ng Dagupan City RRMO, kaninang alas 4 ng hapon, mayigit tatlong daang pamilya na ang nananatili sa mga evacuation center sa lungsod tulad sa People's Astrodome.
06:25Di pa kabilang dyan ang mga inilikas ngayong araw, pero kahit ang mga evacuation center, binabaha na rin.
06:33Sa buong probinsya naman ng Pangasinan, umabot na sa mayigit pitong daan ang mga pamilya na nasa mga evacuation center ayon sa Pangasinan PDRRMO.
06:44May mayigit siyam na raan pang pamilya na lumikas at nananatili sa iba pang lugar.
06:49Problema rin ang baha sa Iloilo.
06:51Sa barangay Top North, Manduriyaw sa Iloilo City, walong pamilya ang lumikas muna sa makeshift evacuation center.
07:02Iniindan na rin na mga residente ang epekto ng baha sa kanilang kita.
07:06Bigadogit ang baklanay kay gaba kasi giman ulan.
07:08Wala gawa, tao, huwag ka na gawa, bintanay.
07:12San baba kung ita ito korta sa bigadogit?
07:15Ayon sa Iloilo City, DRRMO, alos 80 barangay ang pinaha sa lungsod.
07:21Mayigit 800 individual na ang nananatili sa evacuation center.
07:25Sa barangay San Isidro sa Bayan ng Haro, ilang bubong na ang nilipad dahil sa malakas na hangin.
07:31May mga puno namang natumba sa barangay Santa Cruz sa Arevalo.
07:35Para sa GMA Integrated News, CJ Torida ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
07:43Bankay na na matagpuan sa Bulacan ang babaeng pasehero ng SUV na nahulog sa sapa sa Kaloocan.
07:49Saksi si Chino Gaston.
07:51Pasado alas-dos ng hapon ng matagpuan sa katubigan ng barangay Taliptip sa Bulacan-Bulacan,
08:00ang labih ng isang babae na naka-asul na pantalon at pulang t-shirt.
08:04Agad itong nakilala ng kanyang mga kaanak na si Rebecca Andrade.
08:08Base sa suot nitong kwintas, siya ang may-ari at isa sa dalawang sakay ng SUV
08:13na nakitang tinangay papuntang sapa sa Kamarin North, Kaloocan,
08:17sa kasagsagan ng malakas na ulan noong lunis ng gabi.
08:19Bago nito, sinuyod ng mga volunteer rescue personnel at Kaloocan CDRRMO
08:25ang Marilaw River sakaling dito napunta ang labi ng biktima.
08:28Kahapon ng umaga, natagpuan ang labi ng driver ng SUV na si Ricardo Donasco
08:33na ayon sa kanyang may bahay ay nakatawag pa bago sila ma-absidente.
08:38Kwento ng ilang saksi, sinubukan pa nilang itulak ang SUV
08:41na lumutang dahil sa lalim ng tubig sa kalsada
08:44pero bigo na silang iligtas ang dalawang sakay nito.
08:48Sinubukan ng GMA Integrated News na makakuha ng panayam sa pulisya
08:52at sa kaanak ng biktima na si Andrade
08:54pero tumanggi muna silang humarap sa kamera.
08:57Para sa GMA Integrated News, sino gasto ng inyong saksi?
09:02Mahigit 300 milyong piso na ang inisyan na halaga
09:05ng mga nasirang pananim sa bansa
09:07na sa nagpapatuloy na masamang panahon
09:09kabilang sa manganapin sala ang mga pananim na palay.
09:13Saksi, si Dano Tingkuko.
09:17Grabe o, nakikipadhabo lang talaga kami.
09:21Sa San Vicente, Abra de Ilog, Occidental, Mindoro
09:24may mga magsasakang nagkukumahog para isalba ang kanilang pananim.
09:27Tumaas na kasi ang tubig sa palayan.
09:30Bigla, bigla talaga yung lakas na ulan. Grabe.
09:33Sa Atok, Benguet, maagang inani ng mga magsasakang
09:38tanim nilang wombok o Chinese cabbage kahit hindi pa panahon ng anihan.
09:42Kesa daw masira ang gulay,
09:43nagbakasakali silang may bumili kung ibebenta nila.
09:47Sa kabuuan, 323 milyon pesos
09:51ang inisyal na halaga ng mga nasiram pananim sa buong bansa
09:54dahil sa halos isang linggong pag-uulan.
09:57Pero paniguro ng Department of Agriculture,
10:00walang dahilan ng publiko na mangambang baka kulangin
10:02sa supply ng pagkain o magmahalang presyo nito sa mga palengke.
10:06Sa gulay, karamihan ng mga naonang nagtanim ay na-harvest.
10:11So wala rin tayong nakikita.
10:13So yung mga nagtanim agad, prior to bagyo,
10:16yun yung maapektoan.
10:18But definitely, we can easily recover
10:20dito sa mga pagtatanim uli nila.
10:24So in effect, wala tayong inasahan na masyadong surge.
10:29Nasa 6,700 metric tons ang kabuuan na sirang palay.
10:34Pero paliwanag ng DA,
10:35nasa loob ito ng nakaproject na palay
10:37kada taong pwedeng masira o mawala bunsod na mga bagyo.
10:41Sapat din daw ang supply para sa relief operations
10:43at para sa 20 peso rice program.
10:46Yung stocks din ni NFA ngayon,
10:48nasa 450,000 plus metric tons.
10:51So more than 9 billion bags yan
10:53na ginagamit for relief and for P20 program natin.
10:58So we have enough supply for calamity relief efforts
11:02plus yung sa P20 program natin.
11:04Ayon sa DA, pinaka-apektado ang Regions 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Regions 6 at 12.
11:12Naglaan ang DA field offices and agencies
11:14nang hindi bababa sa P500 million pesos na intervention
11:17para makapagtanim muli.
11:19Iba pa yan sa nasa P400 million pesos naman
11:22na inila ang pautang sa mga magsasaka.
11:24Para sa GMA Integrated News,
11:26sa kasidan at tingkung ko ang inyong saksi.
11:30Dalawang bagyo na ang humahatak at pinalalakas ang habagat.
11:33Ang bagyong Dante huling namataan,
11:35790 kilometers east-northeast ng Itbayat, Batanes.
11:40Northwest ang galaw nito sa bilis na 15 kilometers per hour.
11:44Ang bagyong Emong naman,
11:45huling namataan 165 kilometers sa kanlura ng Sinait, Ilocosur.
11:49Southwest ang kilos nito sa bilis na 15 kilometers per hour.
11:54Patuloy na palalakasin ang dalawang bagyo ang habagat
11:57na magdadala pa rin ng maulang panahon.
11:59Bukod sa habagat at dalawang bagyo sa loob ng par,
12:02meron ding sama ng panahon sa labas na mataas din ang chance na maging bagyo.
12:06Pero ayon sa pag-asa,
12:08pahilaga ang galaw nito at hindi tutumbukin ang Pilipinas.
12:14Napababa ng 1 percentage point
12:16ang taripan na ipapataw sa mga produkto ng Pilipinas
12:18na for export sa Amerika.
12:21Kasunod ito ng pulong ni na Pangulong Bongbong Marcos
12:23at U.S. President Donald Trump.
12:26Saksi si Sandra Aguinaldo.
12:27Si U.S. President Donald Trump
12:33ang sumalubo kay Pangulong Bongbong Marcos
12:35pagdating sa White House.
12:37May patikim din si Trump sa pagpupulungan
12:40bago pa man sila magsimula.
12:41I just want to say it's an honor to have you.
12:45We're going to talk about trade today.
12:47We do a lot of business with you.
12:48Thank you very much, Mr. President.
12:50Of course, we're all very happy to be here
12:53to once again reaffirm
12:55the very strong ties between the Philippines and the United States,
13:00ties that they go back over 100 years.
13:03Matapos ang pulong,
13:04agad na inilabas ni Trump sa social media
13:07ang napagkasunduan.
13:0819% aniya ang taripang babayaran
13:11para sa mga ie-export ng Pilipinas sa Amerika.
13:15Mas mababaya sa 20% na orihinal na planong ipataw sana
13:19simula ngayong Agosto.
13:21Sabi pa ni Trump,
13:22tuluyang bubuksan ang merkado ng Pilipinas
13:25at hindi papatawa ng kahit anong taripa
13:27ang mga produkto ng Amerika na ipinapasok sa Pilipinas.
13:31Gayunman, nilinaw ni Pangulong Marcos
13:34na para lang sa piling sektor
13:36ang zero tariff na binanggit ni Trump sa kanyang post.
13:40There were certain markets
13:42that they were asked to be open
13:45that are presently, right now, are not open.
13:49The one of the major areas that he said were automobiles.
13:53Because we have a tariff on American automobiles,
13:58we will open that market.
13:59Ibig sabihin, wala nang taripang ipapataw
14:02sa mga kotse yung in-import mula sa Amerika.
14:05Lalakihan din ang Pilipinas
14:06ang dami ng in-import na produkto.
14:08The other side of that is an increased importation
14:11from the United States
14:12for soy products, wheat products,
14:18and pharma, actually, medicines
14:23para makamura naman yung mga,
14:25maging mas mura yung gamot natin.
14:27Tanong sa Pangulo,
14:28hindi kaya lugi ang Pilipinas dito?
14:31That's how negotiations go.
14:33We managed to bring down
14:35the 20% tariff rate for the Philippines to 19.
14:40Now, 1% might seem like a very small concession.
14:44However, when you put it in real terms,
14:48it is a significant achievement.
14:53Tinawag din ni Trump ang Pangulo na
14:55very good and tough negotiator.
14:58Tinalaki rin sa meeting ang defense and security.
15:01He was very inquisitive about who the situation in our country,
15:09what are the threats that we have to worry about,
15:13and how are the other countries around Asia and Asia Pacific reacting to what's going on in West Philippine Sea,
15:25including the status of the different militaries around the area.
15:31We covered a great deal of ground.
15:36Tinanong ng media si Marcos kung paano niya babalansihin ang ugnayan niya sa Amerika at China.
15:41There is no need, in a sense, to balance our relationship between the United States and China,
15:51simply because our foreign policy is an independent thing.
15:55And we are essentially concerned with the defense of our territory
16:00and the exercise of our sovereign rights.
16:03And I don't mind if he gets along with China,
16:06because we're getting along with China very well.
16:09Because I think he has to do what's right for his country.
16:11I've always said, you know, make the Philippines clear again.
16:14Do whatever you need to do.
16:16Kaugnay naman sa planong magtayo ng pasilidad para sa produksyon ng mga armas
16:20sa dating base militar ng Amerika sa subik,
16:23sabi ni Trump, mahalaga ito sa dalawang bansa.
16:26Very important. Otherwise, we win. We need ammunition.
16:29We're gonna end up in a few months, we'll have more ammunition than any country has ever had.
16:33The United States is assisting the Philippines
16:36in what we call our self-reliance defense program,
16:41which is to allow us to be self-reliant and to be able to stand our own two feet
16:46whatever the circumstances that occur in the future.
16:51Sa kanilang meeting, formal na rin inibita ni Marco si Trump na bumisita sa Pilipinas.
16:56When are you coming to the Philippines, sir?
16:59Soon.
16:59Mula dito sa Washington, D.C.
17:06Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
17:12Tatlong dam sa Luzon ang nagpapakawala ng tubig.
17:16Base sa datos ng pag-asa sa 8 a.m. kanina,
17:19isang gate ng ipodam sa Bulacan ang nakabukas.
17:22Tatlong gate naman ang nakabukas sa Ambuklaw Dam,
17:25habang dalawa sa Binga Dam.
17:26Pareho yung nasa Binget.
17:28Patuloy rin binabantayan ang antas ng tubig sa iba pang dam.
17:33Balik normal na ang level ng tubig sa Marikina River.
17:36Panibagong problema naman ang sumiklab na sunog sa isang public market sa Luzon.
17:41Saksi si Tina Pangaliban Perez.
17:47Sa gitna ng pagbangon sa epekto ng masamang panahon,
17:51dagdag problema sa Marikina ang sunog sa public market.
17:54May tindahan kami sa baba. Narinig na lang namin sila.
17:58Sasabing sunog-sunog.
18:01Expect lang naririnig po. Nag-anuhan na kami.
18:04Naglikpita na kami.
18:06Ang sunog ma'am, ang nadamay is dito sa third floor.
18:10Ditong three-story na yung mababa is mercantile or mga tindahan.
18:16Wala tayong naitala na nasaktan o nasugatan sa mga sibilyan o sa ating kasamaan sa bumbero.
18:23Inaalam pa ng Arson Investigators kung saan eksaktong nagsimula ang apoy,
18:28ano ang naging sanhi nito at kung magkano ang iniwan nitong pinsala.
18:33Sa ibang lugar sa Marikina, abala na ang ilan sa paglilinis na mga iniwang basura ng pagulan.
18:41Balik normal na ang level ng Marikina River.
18:44Kaya kahit may paminsan-minsang ulan nitong umaga,
18:48may mga namamasyal na sa riverbank para manghuli ng isda.
18:52Gaya ni Glenn Chavez na lumikas nang umabot sa tuhod ang baha sa loob ng kanilang bahay sa Parangay Santo Niño.
19:00May malalakas din ang loob na lumangoy sa ilog kahit malakas ang agos.
19:08Mataas pa rin yung tubig sa Marikina River kahit normal na ang antas nito sa ngayon.
19:14Kaya hindi pa makapagsagawa ng dredging ang Marikina City LGU.
19:18Pero tuloy-tuloy naman yung clearing operations.
19:21Kung makita ninyo, tinatanggal nila yung mga putik at basura na inano dito sa gilid.
19:27Kinahaponan, bahagyang gumanda ang lagay ng panahon.
19:32Kaya ang ilang lumikas, umuwi na.
19:35Dito sa Marikina Elementary School, lumikas kahapon ang isandaan at anunapotsyam na taga-barangay Santa Elena.
19:43Kanina, animnapot-anim na lang ang sumisilong sa paaralan.
19:47Para sa GMA Integrated News, ako si Tina Panganiban Perez, ang inyong saksi.
19:53Binira ni Vice President Sara Duterte ang pagtugon.
19:58Nag-administrasyo Marcos sa problema sa baha.
20:00Tinutulan din ang Vice Presidente ang mungkahin ng Amerika na pagtatayo ng Ammunition Manufacturing Facility sa Subic Bay.
20:08Ang sagot ng Malacanang sa aking report.
20:10Sa isang interview sa The Hague, Netherlands, naghayag ng pagtutol si Vice President Sara Duterte
20:19sa eminomungkahin ng Amerika na pagtatayo ng Ammunition Manufacturing Facility sa Subic Bay Zambales.
20:26Sabi ng Bise, walang independent foreign policy ang Pilipinas kung iisang bansa ang kinikilingan nito.
20:32Ang nakalagay sa ating saligang batas na meron tayong dapat independent foreign policy.
20:41Kung yung ginagawa ng gobyerno ay kumikiling sa iisang bansa lang, ibig sabihin nun, wala na tayong true independent policy.
20:51Ang mungkahing Ammunition Facility, bahagi ng Defense Cooperation ng Amerika at Pilipinas,
20:57sa ilalim ng Enhanced Cooperation Agreement o EDCA,
20:59ang sabi ni Pangulong Marcos, makakatulong na yun sa pagiging self-reliant ng Pilipinas pagdating sa depensa.
21:06The United States is assisting the Philippines in what we call our self-reliance defense program,
21:14which is to allow us to be self-reliant and to be able to stand our own two feet.
21:20Binatikos din ni Duterte ang pagtugon ng Administrasyon Marcos sa problema ng mga pagbaha,
21:24kabilang ang mungkahing ng Pangulo na ipunin ang floodwater para magamit sa tagtuyot.
21:30Ipunin po natin lahat, tapos i-deliver po natin sa Malacanang para po may mainom siya.
21:35Sabi ng Palacio, nakapagtataka raw na tila hindi alam ng BISE ang Republic Act 6716 o Act,
21:43Providing for the Construction of Water Wells, Rainwater Collectors,
21:47Development of Spring and Rehabilitation of Existing Water Wells in Old Barangayes in the Philippines.
21:52Kinutya niya ang suwestyo na ito ng Pangulo na ipunin ang tubig ulan.
22:02Marahil ay hindi po niya batid ang batas na ito at ang pinapalabas lamang niya ay pag-iipon ng tubig sa timba.
22:13Pagdidiin ang palasyo, may direktiba ang Pangulo, gaya ng mga libring sakay at paghahanda ng food packs para sa mga naapektuhan ng Bagyong Krising.
22:22Hindi naman po talaga malalaman, marahil ni BISE Presidente kung ano po ang pag-prepare ng administrasyon patungkol po dito sa Bagyong Krising
22:31dahil wala po siya sa bansa at nagbabakasyon siya sa Tahig.
22:35Hinihinga namin ang reaksyon dito ang BISE.
22:37Mga kapuso, maging una sa saksi.
22:41Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended