Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Nagpaliwanag ang Quezon City LGU
kung bakit 'di matatayuan ng hinihiling na riprap ang isang barangay, kung saan may nabunot na kawayan mula sa bangin at bumaon sa mga nabagsakang sasakyan.
Sa Maynila naman, 'di nakaligtas ang mga hayop sa isang pet shop na nalubog sa baha.
May report si Maki Pulido.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nagpaywanag ang Quezon City LGU kung bakit di matatayoan ang hinihiling na reprap ang isang barangay
00:07kung saan may nabunot na kawayan mula sa bangin at bumaon sa mga nabagsakang sasakyan.
00:13Sa Maynila naman, di nakaligtas sa mga hayop sa isang pet shop na nalumbog sa baha.
00:18May report si Maki Pulido.
00:20Kasabay ng paghuhon ng lupa, ang pagkabunot ng mga kawayang ito sa Don Vicente Street, Barangay Bagong Silangan, Quezon City.
00:31Halos maharangan ang kalsada kaya bumigat ang daloy ng trapiko.
00:35Itinanim daw ni Don Don ang mga kawayan noon sa pag-asang mapigilan ang paghuhon ng lupa.
00:40Nasa gilid kasi mismo ng bangin ang kanilang bahay.
00:43Parang humangin lang naman. Kiling lang ko tapos bumagsak na pala yung kawayan.
00:48Isang nakaparadang SUV at isang taksi ang nabagsakan ng mga kawayan.
00:52Ang taksi driver at may-ari ng SUV, hindi na nahintay ang city engineer na mag-aases sa paghuho.
00:58Pinag-iitak nila ang kawayan para maalis ang kanilang sasakyan.
01:02Wala ma'am kasi kung antayin pa namin ang city engineer, babalikan nila daw, eh kaya may dalawang bagyo pa.
01:09Pag naggumuho itong bahay, tatabunan na ng lupa ang taksi.
01:13Pwersahan ng pinalika sa mga nakatira sa tatlong magkakatabing bahay sa gilid ng bangin.
01:17Ang naturang bangin, matagal na raw inaapila ng mga residente na mapatayuan ng riprap.
01:22Lahat ng mga kandidato ang pupunta dyan.
01:25Pinapakita namin, picture-picture lang sila, sukat-sukat. Wala naman nangyayari.
01:30Pero sabi ng Quezon City LGU, non-buildable zone ang lugar.
01:34Matagal na raw silang nag-abiso na mag-relocate na ang mga nakatira roon.
01:37Magbibigay raw sila sa mga apektado ng ligtas at abot kayang matitirhan.
01:42Sa Maynila, inilikas ang ilang hayop mula sa pet shop sa Aranque Market.
01:46Pero hindi lahat na isalba dal sa biglang taas ng tubig noong lunes ng gabi.
01:53Dahil sa sirang pump, mabagal ang paghupa ng tubig sa loob ng pamilihan.
01:57Kaya kanina, inumpisahan na ang pagbomba ng tubig mula rito.
02:01Para bumaba naman ang baha sa Taft Avenue, nagsimula na ng de-clogging operation ng MMDA.
02:09Sako-sakong burak ang nasalok sa mga drainage system.
02:13Sa Valenzuela, maraming motorsiklo ang tumirik dahil sa baha na hindi pa rin humuhupa sa barangay Dalandanan.
02:20Ang isang four-wheel, hindi kinaya ang baha at hinatak na ng isa pang sasakyan.
02:24Makipulido nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:28Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
02:32Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.

Recommended