Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/27/2025
Nabulabog ang ilang residente sa biglang paglitaw ng isang babae mula sa loob ng drainage sa kalsada sa Makati.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nabulabog ang ilang residente sa biglang paglitaw ng isang babae mula sa loob ng drainage sa kalsada sa Makati.
00:11Ano kayang ginagawa niya roon? Nakatutok si Mark Salazar.
00:18Sino ba naman ang hindi magugulat kung biglang may ulong lilitaw at maya-mayay buong katawan ang lalabas mula sa road drainage?
00:26Sa napakabising kanto ng Rufino at Adelantado Street sa Ligaspi Village, Makati.
00:33Sabi ng uploader ng pictures, paglabas ang babae sa road drainage, nagtatakbo ito matapos habulin ng ilang security personnel.
00:41Hindi malinaw kung ano ang ginawa ng babae sa loob ng drainage.
00:47Kanina, tiniktik ng autoridad ng drainage para mas masilip ang loob ng drainage na pinanggalingan ng babae.
00:54Masikip ang espasyo sa loob.
00:57May concrete culvert na daluyan ng tubig pero masyadong makipot para gapangan ng babae papunta sa kung saan mang parte ng drainage system.
01:06Nilagyan na ng steel railing ang drainage para hindi na mabalik ka ng babae.
01:11Sinubukan namin kunan ang pahayagang Makati Police at ang MASEA o Makati Central Estate Association.
01:16Pero walang nagpaunlak ng panayam.
01:20Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.

Recommended