Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/9/2025
BABALA: Sensitibo ang laman ng video. Maging maingat at responsable sa panonood at pagkomento. 


Dagdag-pahirap ang malakas na ulan sa pag-alis ng labi ng driver ng truck na sumalpok sa isang bahay sa Binangonan, Rizal na iniulat sa 24 Oras kahapon. Maswerte namang nakaligtas ang may-ari ng bahay.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dagdag pahirap ang malakas na ulan sa pag-alis ng mga labinang driver ng truck na sumalpok sa isang bahay sa Binangonan Rizal na iniulat natin kahapon.
00:10Maswerte namang nakaligtas ang may-ari ng bahay. At nakatutok si EJ Gomez.
00:20Bumulusok ang isang truck ng basura sa barangay Darangan, Binangonan Rizal. Sumalpok ito sa isang bahay at tindahan.
00:28Dead on the spot, ang 43 taong gulang na driver na si Cholan Binala. Sugatan naman ang may-ari ng bahay.
00:35Naupo lang ako rito para magpalamig dito sa tapat ng aircon. Hanggang bigla na lang may sumabog na bog.
00:43Tapos biglang humagi sa akin yung aircon. Ito nga, sugat. Tapos paglabas namin, makata namin yung truck. Yung mukha ng truck na, dyan na.
00:51Namatay ang isa nilang alagang aso na nabagsakan ng semento.
00:55Buti hindi ako nagbukas kasi kumakain muna ako. Ngayon, pagtapos ko kain, narinig ko lang biglang sabog.
01:03Kala ko anong nangyari. Yun pala, isa na. Meritso dun. Buti nga, wala yung mga anak ko dito eh.
01:09Sa lakas ng impact, matindi ang pagkakayupi ng unahang bahagi ng truck.
01:15Kwento raw ng pahinante, tapos na silang maghakot ng basura.
01:18Kaya pinatanggal ng driver ang kalso ng gulong.
01:21Hindi tiyakong nakaanda ng makina ng truck noon. Pero bigla na lang daw itong dumausdos.
01:26Nung magtanggal sila ng kalso, biglang dumirediretso yung sasakyan.
01:31So unexpected na mawawalan siya ng preno. So kaya nagderediretso siya dito.
01:37Base po sa report ng ating polis binangonan, itong dump truck na ito ay bumabiyahe pababa.
01:45Pabulusok siya dahil ang kalsada iya medyo pababa.
01:50Patuloy na iniimbestigahan ng Rizal Provincial Police ang insidente.
01:54Naging pahirapan ang pagtanggal sa labi ng driver dahil sa tindi ng pagkakayupi sa cabin ng truck.
02:01May punto pang lumakas ang ulan at nagmistulang ilog ang matalik na kalsada.
02:15Naulila ng driver ang kanyang live-in partner at kanilang tatlong anak.
02:24Tiniyak ng barangay na tutulungan nila ang pamilya ng nasawing truck driver.
02:36Nakikipag-ugnayan na rin daw sila sa may-ari ng tinamaang bahay at tindahan para pag-usapan ang danyos.
02:42Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, Nakatutok 24 Horas.
02:54Kami Integrated News, Nakatutok 24 Horas.

Recommended