Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/2/2025
Nadagdagan pa ang mga lugar kung saan makakabili ng P20/kilo bigas ang mga piling sektor. Pero kung pabor ang programa sa mga customer, umaaray naman ang mga magsasaka na binabarat umano ng traders dahil diyan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nadagdagan pa ang mga lugar kung saan makakabili ng 20 pesos kada kilong bigas ang mga piling sektor.
00:07Pero kung pabor ang programa sa mga customer, umaaray naman ang mga magsasaka na binabarat umano ng traders dahil diyan.
00:15At nakatutok si Bernadette Reyes.
00:20May mabibili na rin 20 pesos na bigas sa Sapote Baco or Public Market simula ngayong araw
00:26para sa mga miyembro ng 4Ps, senior citizen, PWDs at solo parents.
00:32Pinangunaan ni Pangulong Bombong Marcos ang paglunsad ng programa sa lugar kanina.
00:38500 sako ng bigas ang inilaan para sa rollout na maagang pinilahan.
00:42Malaking halaga sa amin makamenos kami kasi yung madidiscount namin dito, may bibili pa namin ng aming ulam.
00:49Ayon sa Department of Agriculture, nasa 94 na locations na nationwide ang nagbibenta ng 20 pesos na bigas.
00:57Nasa humigit kumulang 75,000 na mga households naman ang nakikinabang narito.
01:02Kabila ang senior citizen na si Merlinda sa nahikayat na rin bumili ng 20 pesos kada kilong bigas.
01:08Nakakatipid din ako sa limang kilo mo, diba? Kasi binibili ko 50 peso sa lima, to 50 na.
01:15E di nakaano ako ng ano. Iwang 50 ko, pwede pa may bilin ng ulam.
01:21Pero habang dumarami ang nakikinabang sa murang bigas, dumadaing naman ang mga magsasaka.
01:27Tulad sa tarlak at bulakan dahil sa murang bili ng mga traders sa palay.
01:31Ang benteng bigas daw ang dahilan ng mga traders para baratin ang palay.
01:35Yung 20 pesos na bigas, parang overkill siya dahil bumibili ang NFA ng palay sa 24,
01:46tapos ibibenta na ng bigas, 20.
01:50Ang laki ng pagkalugi ng NFA.
01:53Mag-iisip yung trader, kailangan bilin ko yung palay sa 8 o 10 piso per kilo sa magsasaka
01:59para malabanan ko yung 20 peso rice na yan.
02:02Tinawag ito ng DA na pananamantala ang pambabarat.
02:06The palay na ginamit na maging bigas, na ibinenta, because may subsidy ang gobyerno dun eh.
02:12Hindi dapat gamitin yun na rason.
02:14Inutusan na ni Sekretary ang NFA to go to these places at kung pwedeng mabili ng NFA o makita ko anong paraan.
02:24Kasi ano yun eh, again, pag ganun presyo may pang-abuso on the side ng mga traders talaga.
02:31Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.

Recommended