Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/26/2025
EXCLUSIVE: Paulit-ulti pong paalala ng mga eksperto: huwag balewalain ang anumang kagat o kalmot ng hayop dahil nakamamatay ang rabies. Kahapon, isa na naman ang nasawi dahil diyan kahit noong Marso pa siya nakagat ng aso.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Paulit-ulit kong paalala ng mga ekspertong huwag balewalain ang anumang kagat o kalmot ng hayo.
00:09Dahil nakakamatay ang rabies o rabies, kahapon isa na naman ang nasawi dahil dyan,
00:16kahit noong Marso pa siya nakagat ng aso, nakatutok si Jonathan Andal.
00:21Exclusive!
00:23Thank you, Tito!
00:24Nakapakali ang 25 anyos na si Nicole habang nakagapo sa kama ng ospital.
00:30Panay ang galaw ng kanyang mga kamay, paa, ulo at bibig.
00:35Tinamaan na pala siya ng rabies virus.
00:38Ni, yung anak mo, tinatalian na kasi umakyat na yung rabies sa utak niya.
00:45Doon ko na nalaman siya na nakagat pala siya ng aso.
00:48Sa ospital, nakapagvideo pa si Nicole habang kumakain.
00:52Pero halatang bali sana.
00:55Sumenya siya sa kapatid na si Toto na iinom siya ng tubig.
00:59Pero pinatak-patak lang niya ito sa bibig gamit ang stro.
01:03Kita ko talaga yung hinga niya.
01:04Pag ganyan na, sabi ko, sir, may hika, kabanak.
01:09Sabi niya, mama, upo.
01:10Sabi ko, sige, uminom ka ng gamot.
01:12Sabi niya, mama, pag uminom ako ng gamot, malulunod na ako.
01:16Sabi ng ina, noong Marso nakagat ng aso sa paas si Nicole.
01:22Pero nitong Sabado lang, May 24, lumabas ang mga sintomas.
01:26Kahapon, linggo, binawian siya ng buhay.
01:30Wala raw pinagsabihan si Nicole na nakagat siya ng aso.
01:33Yung kinagat siguro siya, sir, parang binaliwala niya.
01:38Wala din kasing panggastoster doon eh.
01:41Oo, mahirap din kasi doon sa probinsya eh.
01:43Kaya?
01:44Kaya siguro, binaliwala niya na lang din.
01:47Dahil nakakahawa ang rabies,
01:49nagpaturok na ng anti-rabies vaccine
01:52ang kapatid na lalaki ni Nicole na may direct contact
01:54at nag-alaga sa kanya sa ospital.
01:56Ang mga labi niya, hindi na ibuburol at agad ililibing.
02:00Kaya ang kanyang ina na nasa muntin lupa,
02:02nananawagan ng tulong para makauwi sa libing ng anak sa bakulod.
02:06Pangalawa si Nicole sa nadokumentong na matay sa rabies
02:09sa loob ng isang linggo.
02:11Noong May 18, pumanaw rin sa rabies
02:14ang factory worker sa Laguna
02:15at dating CAFGO na si Janelo Limbing.
02:18Siyam na buwan matapos makagat ng aso
02:20at hindi kinumpleto ang tatlong dosis ng bakuna.
02:23Ang rabies ay isang virus na inaatake
02:26ang central nervous system
02:27na ipapasa ito sa kagat at kalmot ng hayop na infected nito.
02:31Sa Quezon City, libre ang bakuna contra rabies
02:34para sa mga lehitimong residente.
02:37Kung hindi, babakunahan pa rin naman ang pasyente
02:39kaso unang shot lang.
02:41Ang mga susunod na dosis, dapat doon na sa LGU ng pasyente
02:44para hindi raw maubos ang supply ng mga taga-QC.
02:47Kada araw, umaabot ng hanggang tatlong daan
02:49ang nagpapabakuna sa QC contra rabies.
02:52Immediately po sana, pag nakagat po tayo
02:55at malalim yun dun sa mga sugat,
02:56magpuntan na po doon sa pinakamalapit na health facility.
03:00Not necessarily, mabibigyan po kayo agad ng vaccine.
03:02Depende rin po kasi doon sa dami ng nakapila.
03:05Pero at least, mabibigyan po kayo
03:06nung dun sa instructions.
03:07Anong gagawin po ninyo
03:09kung habang nag-aantay po kayo na mabakunahan?
03:11Libre rin ang bakuna contra rabies sa RATM sa Muntinlupa
03:15amang Rodriguez Hospital sa Marikina
03:17pati sa San Lazaro Hospital sa Maynila
03:19na may 100,000 vials parao para sa buong taon
03:23at kung maubos, nakakahingi naman daw ng tulong sa DOH.
03:27Magtanong din sa inyong LGU para sa libreng bakuna
03:30ang PhilHealth may animal bite treatment package na
03:33P5,850 na sakop ang anti-rabies vaccine,
03:38anti-tetanus at local wound care.
03:40Sa datos ng DOH nung isang taon,
03:43lahat ng nagka-rabies sa Pilipinas namatay.
03:46Ngayong 2025, 55 na ang naitatalang kaso ng rabies.
03:50Sabi ng WHO, pwedeng umabot ng hanggang isang taon
03:53ang incubation period o yung panahong nasa katawan ng rabies
03:57bago ito maglabas ng sintomas.
03:59Kaya huwag ipagbaliwala ang anumang kagat o kalmot ng hayop.
04:03Magpabakuna dahil ang rabies tiyak na nakamamatay
04:07pero sigurado rin kayang agapan ng bakuna.
04:10Para sa GMA Integrated News,
04:12Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.

Recommended