Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/20/2025
Ang lumutang na whistleblower sa kaso ng mga missing sabungero, nagbigay na ng 10 pangalan ng mga sangkot umano sa pagkawala ng mga biktima. Ayon ‘yan kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. Sabi pa raw sa kanya ni alias “Totoy” na isa sa mga akusado sa kaso, hindi lang 34 na sabungero ang nawawala kundi maaaring umabot pa sa 100.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ang lumutang ng whistleblower sa kaso ng mga missing sabongero,
00:05nagbigay na ng sampung pangalan ng mga sangkot o mano sa pagkawala ng mga biktima.
00:11Ayon po yan kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulia.
00:15Sabi pa rin sa kanya ni Alias Totoy na isa sa mga akusado sa kaso,
00:20hindi lang 34 sabongero ang nawawala, kundi maaaring umabot pa sa isandaan.
00:27Ang lumutang ngayong whistleblower sa kaso ng mga missing sabongero na si Alias Totoy,
00:39nakausap na raw noon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulia.
00:43Sabi ni Remulia, sinabi sa kanya ni Alias Totoy na mas marami parawang biktima sa naiulat na 34 na missing sabongero.
00:52Bago pa mag-eleksyon, nakausap ko na. Kaya I have a very good idea yung sinasabi niya.
00:57And na-vet na namin, syempre the proof of the pudding is in the 18th.
01:02Basta ang sinasabi niya, mahigit sandaan niya, ang biktima.
01:07Ang mahalaga, determinado siyang magsabi ng totoo, yun ang mahalaga sa lahat.
01:13Ayon pa kay Remulia, hindi bababa sa sampung mga pangalan ang ibinigay ni Alias Totoy
01:18na mga sangkot o mano sa krimen na kanila na ngayong iniimbestigahan.
01:22Marami eh. Yung mga pumapatay, yung mga dumudukot. Basta marami silang binanggit.
01:31Inaaral na raw kung paano maaksyonan ang kanyang mga revelasyon.
01:35Sa panayam ng GMA Integrated News, sinabi ni Alias Totoy na itinapon umano sa Taal Lake
01:41ang mga labi na mga pinaslang na sabongero.
01:44Titinan niya natin kung kaya natin i-recover yung kahit na ilang human remains o kaya mga buto-buto sa Taal Lake.
01:53Ikinakasa naman ang interagency search effort para mahanap ang mga labi.
01:58Pati Coast Guard, subukan natin kunin para yung diving team nila at Navy.
02:03Kasi mabigat na diving to, fresh water to eh.
02:07Hindi to basta-basta. Tactical divers talaga kailangan natin.
02:10Ang Philippine Navy at ang Philippine Coast Guard, handa rin daw tumulong.
02:15We have all the equipment. We have the skills to conduct all types of diving operations.
02:22Kabilang sa mga nawawalang sabongero ang online sabong agent na si John Ver Francisco
02:27at kaibigan nitong si Frank Tabaranza.
02:30April 2021 nang mawala sila sa isang gasolinahan sa Maykawayan, Bulacan.
02:35Labing siyam na sabongero naman ang nawala sa iisang sabungan sa Santa Cruz, Laguna
02:40mula April 2021 hanggang January 2022.
02:44Kabilang dyan ang nahulika na nakagapos na si Michael Bautista na nawala noong April 28, 2021.
02:51Ang magpinsang sina Maison Ramos at John Paul De Luna na 14 at 18 anos lang noon
02:58nawala rin noong December 29, 2021 matapos sumama sa mga mananabong.
03:04At Eric Legaspi at mga kasama na nawala noong May 11, 2021.
03:09Nag-sideline lang po siya magpatuka ng manok.
03:11Sali po na na yung pamangkin ko na nag-aaral para sa maabot yung pangarap niya.
03:17Hindi na po niya maabot kasi po nawala po siya ng hindi namin alam.
03:21Hinahanap po talaga namin yung hostesya kung sino pong nagpa-dukot sa kanila kung sino mastermind.
03:27August 30, 2021, nang dukutin sa kanyang bahay sa San Pablo, Laguna, ang master agent na si Ricardo Lasco.
03:35Ang anak ni Carmen Malaca na si Edgar at mga kasama na wala sa sabungan sa Lipa Batangas noong January 6, 2022.
03:42January 13, 2022 naman nang nakitang isinakay sa van sa Manila Arena sa Maynila ang anim na sabungero mula Tanay Rizal.
03:52Pakiusap ni Rimulya sa mga pamilya, kaunting tiis muna habang gumugulong pa ang investigasyon.
03:59Kakausapin ko sila, magkisila magilala.
04:01Bigyan lang ako ng konti pang panahon para mailatag ko na maayos lahat yan.
04:05Para sa GMA Integrated News, Salima Refrain, Nakatutok, 24 Oras.

Recommended