Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/18/2025
Kaugnay ng mga isiniwalat niya, gustong makausap si alias “Totoy” ng Justice Department. Posibleng pag-aralan kung maipapasok siya sa witness protection program sa gitna ng umano’y banta sa buhay niya at ng kaniyang pamilya.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00At kaugnay ng mga isiniwalat na yan, gustong makausap si Alias Totoy ng Justice Department.
00:08Posibleng pag-aralan kung may papasok siya sa Witness Protection Program sa gitna ng Manoy Banta sa buhay niya at ng kanyang pamilya.
00:17Nakatutok si Salima Refran.
00:21Hindi na kaya ng konsistya ko sa mga magulang na nawalan.
00:25Pangalawa, buhay ko na yung pinag-interesan. Buong pamilya ko gusto pang patayin.
00:34Kasunod ng paglutang nito, gustong kausapin si Alias Totoy ni Justice Secretary Jesus Crispin de Mulya, kaugnay ng mga nawawalang sabongero.
00:44Sabi kasi ni Alias Totoy na akusado sa kaso, gusto na niyang sabihin ang mga nalalaman niya rito.
00:50Titignan ko lang kung ang kanya sinasabi at yung sinasabi ng ibang testigo ay kapareho ng mga nakarating sa ating tanggapan.
01:00Kahit akusado na si Alias Totoy, pag-aaralan ng Department of Justice o DOJ, ang maiaambag nito sa mga kaso.
01:07Pwede naman siyang pumunta rito at bibigyan namin siya napansin at binibilda pa namin ng kaso pero malapit na. Malapit na ito.
01:16Sabi pa ng kagawaran, maaaring pag-aralan kung pwedeng ipasok sa Witness Protection Program si Alias Totoy sa gitna ng mga umano'y banta sa buhay niya at ng kanyang pamilya.
01:28Natural yun, natural yun. Kasi itong kasong to kakaiba to. Dapat mabuksan at matapos ang paglilitis dito upang magkaroon ng ustisya yung mga pamilya at lalong-lalong na yung mga nawanan ng buhay.
01:40Ang Philippine National Police sinabing welcome development ang paghaharap ni Alias Totoy. Handa raw silang magbigay ng kinakailangang tulong para masiguro ang kaligtasan at siguridad nito.
01:52Handa rin siyang bigyan ng proteksyon ng National Bureau of Investigation o NBI na nasa ilalim din ng Justice Department.
01:59Maganda yan. Sige, pakinggan natin siya at I assure him na bibigyan namin siya ng proteksyon. Akong bahala sa kanya. Huwag siyang matakot. Maganda yan. Sige, welcome yan.
02:14Hawak ngayon ang DOJ ang pitong kaso ng kidnapping at serious illegal detention, kaugnay ng pagkawala ng anim na sabungero sa Manila Arena at pagdukot sa master agent na si Ricardo Lasco sa San Pablo, Laguna.
02:27Pero marami pang sabungerong nawala, nawalang kadikit na kaso at iniimbestigahan pa ng NBI at PNP Criminal Investigation and Detection Group.
02:38Para sa GMA Integrated News, Sani Marafran, Nakatutok, 24 Oras.

Recommended