Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/24/2025
Nakipagpulong ang mga kaanak ng mga nawawalang sabungero sa Commission on Human Rights, kasunod ng mga rebelasyon ng whistle blower na si Alyas Totoy. Gusto ring makuhanan ng affidavit ng komisyon ang whistleblower para sa hiwalay nitong imbestigasyon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakipagpulong ang mga kaanak ng mga nawawalang sabongero sa Commission on Human Rights,
00:07kasunod na mga revelasyon ng whistleblower na si Alias Totoy.
00:11Gusto rin makuhanan ang affidavit ng komisyon ang whistleblower
00:15para sa hiwalay nitong investigasyon ng katutok si June, venerasyon.
00:23Habang nasa kandungan ang larawan ng anak,
00:26may at maya ang pagpatak ng luha ni Maria Carmelita Lasco.
00:30Inabutan na siya ng matinding karamdaman sa apat na taong paghahanap sa anak na si Ricardo,
00:35isa sa mga mising sabongero.
00:37Sa sitwasyon kong ito, nakakaya kong lumukog hanggang makarating ako ng altar.
00:45Kasi hindi naman basta-basta magpalaki ng isang anak, di ba?
00:51Nagsama-sama sina Carmelita at iba pang mga kamag-anak ng mga mising sabongero
00:55para sa prayer rally sa loob ng compound ng Commission on Human Rights.
00:59Sa paglutang ni Alias Totoy na nagsiwalat ng mga nalalaman niya sa pagpatay sa mga mising sabongero,
01:05nabuhayan daw sila ng loob na makakuha ng ustisya.
01:09Pero alam nilang mahaba pa ang kanilang laban.
01:11Yung Mr. Mayan na gumagawa nito, napakasakit sa amin.
01:15Siguro magulang ka rin, magulang ka rin, may asawa ka rin, may pamilya ka rin.
01:24Pero bakit kinuha mo yung mga mahal namin sa buhay?
01:27Kung sino ka man, sana makonsensya ka.
01:29Kami po ay apat na taon na mahigit na hirap na hirap.
01:35Sobrang napakahirap.
01:38Mahirap na nga yung buhay namin.
01:40Mahirap pa itong nangyari sa amin.
01:44Pagkatapos ng prayer rally, nakipagpulong sila sa Commission on Human Rights.
01:48Ang Commission on Human Rights po ay nandito para ipagpatuloy ang aming investigasyon.
01:52Ayun pong paglutang nitong isang, well, sabihin na natin, suspect dito po sa crime.
02:00Gusto po namin makausap siya, gusto po namin kuhanan siya ng affidavit.
02:05Iginate naman ang PNP na nakahanda silang protektahan si Alias Totoy.
02:09Regardless po kung sino po ang involved dito, sibilyan, mataas na tao at even yung mga kabaro po natin, wala po tayong sasantuhin po dito.
02:19Para sa GMA Integrated News, June venerasyon na katutok, 24 horas.

Recommended