Mariing itinanggi ni PCSO Chairman at dating Judge Felix Reyes ang mga akusasyong nag-uugnay sa kanya sa kaso ng mga nawawalang sabungero. 'Yan ay matapos siyang pangalanan ng lumutang na whistleblower na si Dondon Patidongan, Alyas Totoy.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Maraming itinanggin ni PCSO Chairman at dating Judge Felix Reyes
00:04ang mga akusasyong nag-uugnay sa kanya sa kaso ng mga nawawalang sabongero.
00:10Yan po ay matapos siyang pangalanan ng lumutang na whistleblower na si Dondon Patidongan alias Totoy.
00:17Nagbabalik si Ian Cruz.
00:21Sa panayam ng GMA Integrated News,
00:23kinumpirma ni Julie Dondon Patidongan alias Totoy kung sino ang dating Judge na sinabi niyang tagalakad ng mga kaso ng negosyante at isabong tycoon atong ang.
00:35Si ex-judge na yan na chairman niya ng PCSO, siya talaga ang tagalakad.
00:46Si ex-judge, nabanggit mo chairman siya?
00:49Yes, chairman siya ng PCSO ngayon.
00:51Ang kasalukuyang PCSO chairman ngayon ay ang retiradong judge na si Felix Reyes na naglabas ng pahayag ngayong araw para mariing pabulaanan ang aligasyon ni Patidongan.
01:03Hinamon niya si Patidongan na tukuhin ang sinasabing kaso ni Ang o yung mga kinalaman sa mga nawawalang sabongero na sa pagkakaalam niya ay nakabinbin pa sa korte na inayos umano niya pabor kay Ang.
01:17Kung hindi raw mapapatunayan ni Patidongan ang akusasyong case fixing, dapat daw manahimik ito.
01:24Pino na rin ni Reyes na lumabas ang aligasyon ni Patidongan isang araw matapos siyang maghain ng aplikasyon para maging sunod na ombudsman.
01:33Sabi ni Reyes, handa siya makipagtulungan sa anumang investigasyon na magbibigay linaw sa mga anyay walang basihang aligasyon ni Patidongan para di na rin mabahiran ang hudikatura at prosecution service.
01:46Mayo noong nakarang taon na italaga ni Pangulong Marcos si Reyes bilang Sherman ng PCSO.
01:52Bago yan, nagsilbi si Reyes bilang board member ng PCSO simula November 2022.
01:57Naging presiding judge o acting judge naman siya sa regional trial courts ng Taguig, Lipa, Kalamba at Marikina mula 2006 hanggang 2021.
02:08Nagpaliwanag naman si Patidongan kung bakit niya tinukoy si Reyes.
02:12Judge, pasensya ka na na binanggit ko yung pangalan mo. Ito naman talaga ang totoo.
02:19Alam mo naman na ito si Mr. Atungang, buhay ko na ang gusto niyang mawala.
02:26Hindi lang buhay ko, buong pamilya ko gusto niyang ipapatay.
02:31Kaya ako, iniligtas ko lang yung sarili ko.
02:36Pasensya na kayo na nasabi ko yung mga pangalan nyo dito.
02:40Sinusubukan pa rin ang GMA Integrated News sa mga kuha ang panig niya.
02:44Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz nakatutok, 24 oras.