Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Ipinanukala sa Senado ang total ban sa online sugal. Damay na diyan pati mga kasalukuyang lisensyado ng PAGCOR. Pero sabi ng PAGCOR, malaki ang nalilikom dito ng gobyerno.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ipinanukala sa Senado ang total ban sa online sugal.
00:04Damay na riyan pati mga kasalukuyang lisensyado ng pagkor.
00:08Pero sabi ng pagkor, malaki ang nalilikom dito ng gobyerno.
00:12Nakatutok si Jonathan Andal.
00:17Sinuspindi na ng LTO ang lisensya ng bus driver na hindi umano maayos magmaneho
00:23dahil isinabay ang pagsusugal online.
00:26Pero nababahala pa rin si Sen. Rafi Tulfo sa pagkalulong ng marami sa anyay epidemya ng online sugal.
00:36Paano na kayo kung sa gabi wala nakakitang pasahero, nag-online gambling siya, nabangga, disgra siya.
00:42Na meron tayong sakit sa ating lipunan sa pamagitan ng epidemic kung tawagin ko itong online gambling.
00:53That's why I'm filing a bill na total stop, hindi yung regulated.
01:00Lahat pati accredited ng pagkor, kailan tayo titigil kung bagsak na ang ating bansa?
01:08Dahil damay pati legal na online gambling, tingin ni Tulfo, may malalaking taong haharang sa panukala.
01:15Habang wala pang batas, kinakalampag muna niya ang pagkor.
01:18Nananawagan ako sa pagkor maging sa ad board. Itigil na muna lahat ng advertisement sa online gambling.
01:26Sa TV, radio, newspaper, social media, lahat.
01:31Sana makaroon muna ng moratorium.
01:34May utos na ang pagkor na tanggalin ang lahat ng billboard ng online gambling hanggang August 15.
01:39Pero ang dati ng posisyon ng pagkor, hindi total ban, nasakop ang legal, kundi mahigpit na regulasyon lang.
01:46Ang simisira sa online gaming industry ngayon, yung maraming iligal na patuloy na nag-ooperate.
01:57At ang masakit nito, they are operating from outside the Philippines.
02:00Ang tinatarget nila ay mga Pilipino customers.
02:07Sa taya ng pagkor, nasa sandaan ng mga iligal na nag-ooperate ng online gambling sa bansa.
02:12Habang pitumpong ang mga lisensyado.
02:15Babala ng labing apat sa lisensyadong online gambling operator.
02:19Hindi mapipigil ng pagbabawal ang pagsusugal ng mga Pilipino.
02:23Lilipat lang a nila ang mga ito sa black market o sa mga hindi lisensyado na hindi mapananagot ng gobyerno.
02:31Sabi ng Pagkor, malaki ang nalilikom ng gobyerno sa online sugal na umabot ng 50 bilyong piso noong nakaraang taon.
02:38Ang nakontribute po ng online gaming alone, hindi po ng Pagkor, sa PhilHealth, eh meron pong kulang 6.5 billion pesos.
02:50Apa.
02:51So kung ating titignan, ma'am, sa 30,000 average, can you imagine ilang milyon yung ating natilungan sa pamamagitan ng license fees ng online gaming sa mga pasyente ng PhilHealth?
03:08Panukala ni Tulfo, para mapunan ang mawawalang kita sa online sugal, tanggalan na lang ng pondo ang mga GL o guarantee letter na ginagamit pang dagdag bayad sa ospital na mga nangangailangan at mahihirap.
03:21Itigil natin yung mga GL na yan. O ilan ba yung bilyon-bilyon yan galing sa GL? O di lahat, ako mismo isusurrender ko yung GL ko.
03:30O pasintabi sa iba, eh nagagamit ang mga politiko para magkaroon silang pogi points sa kanilang mga butante.
03:38Ang mga pagpapasyang ganito po ay talagang pinag-aaralan.
03:41Minsan ko po, kapag ka po mismo ang legal at license na mga online gaming sites ang iyong ibaban, mas dumadami ang mga illegal na online gaming sites.
03:53Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok 24 oras.

Recommended