Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mismong si Vice President Sara Duterte nang nagsabing edited o fake
00:05ang kumakalat na litrato ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:08na umano'y nakaratay.
00:10Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:15Unang-una, nag-hearing, nandun ako walang kahit isang tanong.
00:20Ngayon may impeachment trial, tapos mag-discuss ako noon sa labas ng impeachment trial.
00:26Pag wala ng ibang venue, saka ako magsasalita.
00:33My explanations will be in my own time.
00:37Hindi sa panahon kung kailan gusto ng mga members of the House of Representatives.
00:43Ito ang sagot ni Vice President Sara Duterte sa mga batikos na mga kongresista
00:47kung bakit ngayon lang siya sumasagot kaugnay sa issue ng confidential funds.
00:52Noong pinadalahan daw siya ng sulat ng Commission on Audit,
00:55maayos raw itong sinagot ng Office of the Vice President.
00:59Nitong Martes, hininga ng Supreme Court ang Kamara at Senado
01:02na makakaragdagang impormasyon kaugnay sa impeachment ng vice-presidente.
01:07Nauna ng kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco
01:11na natanggap na nila ang notice mula sa Korte Suprema.
01:15Nanindigan din si Velasco na walang nilabag na rule sa impeachment
01:18ang kanyang tanggapan at ang Kamara.
01:21Sagot ng vice,
01:22Sumagot na lang siya sa Supreme Court.
01:24Nagtanong na ang Supreme Court doon sa mga questions na sa tingin nila may irregularity.
01:29So huwag siya sumagot sa atin.
01:32Hindi naman tayo nagtatanong doon sa Supreme Court.
01:35Siniguro din ang vice na maayos ang kalagayan ni dating Pangulong Duterte.
01:40Meron pong nagpadala sa akin ng foto na mukhang nasa hospital bed si dating Pangulong Duterte.
01:48Hindi totoo yung foto na yun. Malamang edited yung foto na yun.
01:53Ibang pasyente yun.
01:55Inanulang nila yung muka ni dating Pangulong Duterte.
01:59Bala po siya sa hospital ng detention unit.
02:03Nandun po siya sa regular wing ng detention unit.
02:08At kanina, naglalakad naman siyang mag-isa, albeit may daladala siyang tungkod.
02:16Oo, may daladala siyang tungkod.
02:19So clearly, wala siyang sakit na kailangan niya maging federated.
02:28Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes nakatutok 24 oras.
02:35Nagdal sa pagkakasangkot sa iligal na droga, naaresto sa Maynila ang isang Korean national na matagal nang wanted sa Korea.
02:43Nakatutok si Jomer Apresto.
02:45Nakunan sa surveillance video ang isang Korean national habang may hawak na ecstasy tablets sa Malate, Maynila.
02:55Makalipas ang ilang araw, nahuli siya ng mga tauha ng Ermita Police Station sa tapat ng isang convenience store sa bahagi ng Nakpil Street kasamang isang Pilipino.
03:04Naaktuhan raw siya ng mga otoridad habang bumibili ng iligal na droga sa isang lalaki.
03:09Matapos ang isinagawang verification sa Bureau of Immigration, napagalaman ng pulisya na ang dayuhan na nahuli,
03:15wanted sa South Korea at pinagahanap ng Interpol noon pang 2022.
03:20Operator daw ng ilang illegal gambling sites na nasabing bansa ang sospek.
03:24Malaking tao ito.
03:25Visita sa report o ipigay sa atin ng Interpol, positively identified siya na siya yun.
03:32And then he is involved in series of online gambling activities sa kanilang lugar.
03:41Pusibling hindi raw kagad nakilala ang sospek dahil gumamit siya ng ibang pangalan nang makarating sa Pilipinas.
03:47Sabi ng Manila Police District o MPD, bagaman may red notice ang sospek, kinakailangan niya pa rin harapin ang kaso niya sa Pilipinas.
03:54After niya magawa ng documents dyan at nakapag-decide yung ating court, he will be extradited or deported to his country.
04:08Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng dayuhang sospek at ang Pilipino na sinasabing supplier niya ng iligal na droga.
04:15Na-inquest na sila at naharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drug Sack.
04:18Nakatakdang i-turn over sa immigration ng dayuhang sospek at nadalhin siya sa custodial facility nito habang gumugulong ang kanyang kaso sa bansa.
04:27Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
04:34Tumaas ang presyo ng isdad sa ilang pamilihan dahil mababaraw ang supply.
04:38Apektado rin ang presyo ng gulay dahil sa mga pagulan.
04:42Nakatutok si Bernadette Reyes.
04:43Kakaunti ang mga panindang isda ni Elizabeth ngayong araw sa Litex Market sa Quezon City.
04:52Medyo madalang po kasi dahil dun sa bagyo, tsaka mahirap pong mamili ngayon.
04:57Nauubusan ng stock, mahal pa po.
05:00Kaya ang mga mamimili tulad ni Hannah.
05:02Kung ano lang po yung kaya, kung anong budget namin, kung ano lang yung meron kami, yun ang ginagawa namin, yun yung niluluto.
05:10Dito sa Marikina Public Market, tumaas na rin ang presyo ng mga isda.
05:14May iba naman na wala talagang dumating na supply, habang ang mga galunggong naman, maliliit ang mga dumating ngayong araw.
05:21Sa monitoring ng Department of Agriculture, tumaas ng 20 pesos ang kada kilo ng galunggong.
05:26Sa ngayon, mahirap ang isang kartside, kaya pataas ng pataas ang presyo.
05:34Wala pong dating ngayon, mga espada.
05:37Taas yung mga galunggong, maliliit lang yung dating.
05:39Dahil naman sa mga pagulan, tumaas raw ang presyo ng ilang gulay.
05:43Ang palaya po, 130 po ngayon, dating 100 lang.
05:46Yung repolyo parang medyo lusaw po eh.
05:49Pero yung mga Tagalog matitibay.
05:52Nangangamba ang ilang nagtitinda na baka makaapekto rin sa presyo ng gulay
05:55ang panibagong oil price hike sa Martes.
05:58Tuloy-tuloy na yung ulan and talagang papasok na yung bagyo
06:02and then yung sa pagtaas ng gasolina.
06:04Siguro doon talaga siya maapiktuhan yung mga gulay namin.
06:08Ayon sa Department of Agriculture,
06:11base sa pinakahuling damage report dahil sa Habagat at Bagyong Bising,
06:15umaabot sa 34 metric tons ang nasirang palay sa Cavite.
06:19Hinihintay pa ang ulat kung may iba pang naiulat na napinsalang agricultural products.
06:24Para naman matiyak na sapatang supply na isda,
06:37nauna nang pinayagan ang importasyon ng 25,000 metric tons ng isda.
06:41Para sa GMA Integrated News,
06:44Bernadette Reyes,
06:45Nakatuto, 24 oras.
06:46Matapos po ang dalawang magkasunod na rollback,
06:51oil price hike ang nakaamba naman sa susunod na linggo.
06:54At sa tansya ng kumpanyang Uni Oil,
06:56hanggang piso at 30 cm kada litro,
06:59ang posibeng dagdag presyo sa diesel.
07:02Hanggang 50 cm naman sa kada litro ng gasolina.
07:05Naunong sinabi ng Oil Industry Management Bureau
07:08na kabilang sa dahilan ng pagtaas ng presyo
07:10ay ang pagbaba ng produksyon ng langis na Amerika
07:13habang tumatas ang demand
07:14at ang pag-atake ng mga hooties sa mga shipping vessels sa Red Sea.

Recommended