Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/6/2025
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Apektado po ngayon ang masamang panahon, ang presyo at kalidad ng gulay sa mga bagsakan at pamilihan.
00:08Nakatutok si Nico Wahe.
00:13Ngayong tag-ulan, may mga magsasaka sa Benguet ang napilitang anihin na ang kanilang mga pananim.
00:19Sabi ng nakausap naming nasa La Trinidad Vegetable Trading Post, halos paluginang ibinenta kahapon ang mga panindang repolyo.
00:26Kahapon talaga yung medyo may kalakihan doon siyang bigyan namin.
00:30Pagtagulan kasi medyo mabilis na ma-harvest kasi masisira ngayon.
00:36Wala raw oversupply ng repolyo. Binili naman daw ng mga nakaangkat.
00:40Pero tinatawaran pa lalo kumbasa ang mga gulay.
00:43Ang pechay umbok mula 20 pesos, bagsak na sa 13 pesos ang kilo.
00:48Matumal daw kasi ang bentahan sa Metro Manila dahil sa pag-uulan.
00:51Yan ang inaano ng mga buyers ngayon. Sabi niya, hindi masyadong mabinta na nalulusaw lang yung iba.
00:59Kaya kaysa walang kitain, ibababa na lang nila ang presyo.
01:03Sa Balintawak Market, ang dating 70 pesos kada kilong repolyo, 50 pesos na lang.
01:08Siguro mababa yung kuha nila, kaya mababa din yung bigay nila sa amin.
01:12Ang mami-miling si Marivic nagulat din sa baba ng presyo ng gulay.
01:16Alin ba yung mura, ma'am?
01:18Mga bagyo, tulad ng repolyo, patatas.
01:22Pero yung mga Tagalog, yung sitaw, mahal.
01:27200 pesos lang ang kuha niya ngayon sa isang bundle ng repolyo,
01:31na noong nakaraan linggo ay 380 pesos hanggang 400 pesos.
01:35Ititinda rin ito ni Marivic.
01:37Sa kamuni market, nasa 80 pesos ang presyo ng repolyo sa tindahan ni Josefina.
01:41Humahango lang siya.
01:42Sa ibang tindahan, 70 pesos per kilo ang benta.
01:53Ang broccoli na dating nasa 130 pesos kada kilo, tumaas ngayon sa 190 pesos.
01:59Habang cauliflower, mabibili rin sa 190 pesos ang kilo.
02:05Ayon sa mga nagtitinda, nakadepende pa rin talaga ang presyo sa bigay ng kanilang supplier.
02:10Sinusubukan pa namin makuha ang reaksyon ng Department of Agriculture.
02:14Para sa GMA Integrated News, Niko Wahe, nakatutok 24 oras.
02:19Nakatutulong daw para silang mag-aaral at guro ang AI o artificial intelligence,
02:24particularang generative AI.
02:27Pero ang mismong intelligence o critical thinking ng mga estudyante,
02:31natutulungan ba?
02:32Yan ang tinutukan ni Buan Aquino.
02:34Ang incoming second-year college student na si John, di niya tunay na pangalan.
02:42Palihin daw na gumagamit ng AI sa kanyang assignment.
02:46Magse-search po ako ng topic, tapos dun po is kinukuha ko po yung text.
02:52Ang mga nakuhang impormasyon, inilalagay daw niya sa slide presentation.
02:57At dahil takot daw siyang mabuko ng guro, dumidiskarte siya para hindi mahalata.
03:01Ina-haloan ko po ng konting sariling opinion ko po.
03:09Ang senior high school teacher na si Daisy Marasigan,
03:12nag-post sa kanyang social media account ng tutorial ng paggawa ng lesson plan gamit ang AI.
03:18I think it's high time, especially in the 21st century,
03:21na kinakailangan na natin i-embrace yung AI.
03:24But of course, there is caution.
03:26Para makasabay sa AI, sabi ng DepEd.
03:28Soon, bakabaguhin na rin natin yung ating kutlum para matutong magpumamit ng AI.
03:34Bata, matutong pamit ng AI yung mga guru natin.
03:38At ang pagbabago na in-anticipate po natin sa daratid na mga saon.
03:42Ang problema, makakapag-isip pa kaya ang mga estudyante?
03:46Sa pag-aaral kamakailan ng Massachusetts Institute of Technology o MIT,
03:51lumabas ng paggamit ng AI para magsulat ng essay,
03:54ay maaaring magdulot ng cognitive debt o yung kawalan ng effort na mag-isip para makasagot
04:00at posibleng pagbaba ng kakayahang matuto.
04:03Hindi pa definitive ang resulta at hindi pa na-prepare-review.
04:07Pero ayon sa isang local academic head na naniniwalang binago na ng AI ang edukasyon sa bansa.
04:13Karaniwan, ginagamit ito bilang gabay pero hindi bilang sagot sa kabuuan.
04:19Kasi kailangan pa rin natin ng critical thinking, kailangan pa rin natin na mag-aral.
04:25Sa kanilang universidad, hanggang 15% lang ng thesis at research paper ng mga undergraduate
04:30ang pwedeng gamitan ng AI.
04:33May AI tools daw sila para madetect kung merong sumobra.
04:37Para sa GMA Integrated News, Von Aquino Nakatutok, 24 Oras.
04:41Naging typhoon na sa labas ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Bising
04:46at may tropical cyclone wind signal ulit na itinaas ang pag-asa.
04:50Ang latest niya hatin ni Amor Larosa ng GMA Integrated News Weather Center.
04:55Amor.
04:58Salamat Ivan mga kapuso, lalo pa nga lumakas ang bagyong may international name na Danas
05:03at tinatawag namang Bising sa local name.
05:05Dahil po sa inaasahang pagdikit nito ulit sa Philippine Area of Responsibility,
05:10nagtaas na ng wind signal ang pag-asa.
05:13Nakataas po ang signal number one.
05:15Diyan po yan sa Batanes kung saan po mararamdaman yung malakas na bugso ng hangin
05:19na may kasamang mga pag-ulana.
05:21Dito din po nakataas ang gale warning ng pag-asa.
05:23Ibig sabihin may mga malalaking alon at dalikado po yan sa mga sasakyang pandagat.
05:28Huling namataan ang pag-asa ang bagyo sa lahing 335 kilometers west-northwest
05:33ng Itbayat, Batanes.
05:35Taglay po nito ang lakas ang hangin na abot na sa 130 kilometers per hour
05:40at yung pagbugso po yan na sa 160 kilometers per hour.
05:44Ang pagkilos po nito ay pa northeast sa bilis naman na 15 kilometers per hour.
05:50Sa latest bulletin po ng pag-asa, may chance pa rin po itong bumalik
05:53dito po sa Philippine Area of Responsibility.
05:56Pero dadaplis lang po yan o sanday lang po ang dadaan dito sa may corner
06:00o gilid po ng par line malapit dito sa Taiwan.
06:03Maari po ngayong gabi o kaya naman po ay mamayang madaling araw.
06:07Lalabas din naman agad ito dito sa Philippine Area of Responsibility.
06:11Maaring bukas din po ng hapon at sunod naman tutumbukin itong China.
06:16Bukod po sa Bagyong Bising, makakaapekto pa rin yung hanging habagat
06:19o yung southwest monsoon.
06:20Dito po yan sa malaking bahagi pa rin ng Pilipinas.
06:24Base po sa datos ng Metro Weather, bukas may mga pag-ulan pa rin
06:28sa malaking bahagi po ng Luzon.
06:30Lalong-lalo na po dito sa Northern Luzon.
06:32Pusibli po yung mga malalakas sa pag-ulan.
06:34At pati na rin dito sa may western section po ng Central at ng Southern Luzon.
06:38So kasama po dyan, ito po nga Ilocos Region, Central Luzon.
06:42Pababa po dito sa bahagi ng Mimaropa.
06:45May mga kalat-kalat na ulan din po na inaasahan sa Visayas
06:48at pati na rin po sa Mindanao.
06:50Pusibli po dyan yung heavy to intense rains.
06:52Kapag po meron tayong thunderstorms,
06:54kaya maging alerto pa rin sa Bantanang Baha o Landslide.
06:58Dito naman sa Metro Manila,
07:00na kung may chance pa rin po ng ulan bukas,
07:02lalo na po sa hapon o kaya naman sa gabi.
07:04Pero mga kapuso, linawin lang po natin,
07:06yung mga pag-ulan ay hindi naman po tuloy-tuloy.
07:09Pwede po may bahagi ng araw na maindit o maaliwalas,
07:12pero pagkalipas ng ilang oras ay magiging maulap.
07:15Kaya po nagkakaroon po tayo ng chance na mga pag-ulan.
07:19Kaya lagi po magdala ng payong.
07:21Pagsapit naman ng Martes,
07:22may chance rin po ng ulan sa umaga.
07:24Dito po yan sa malaking bahagi po ng Luzon.
07:26At bandang hapon,
07:27halos buong bansa na po ang makakaranas na mga pag-ulan.
07:31Halos ganito rin po ang maaaring maranasang panahon
07:34pagsapit po ng Miyerkules.
07:35Pwede pang magbago ang outlook,
07:38kaya patuloy po mag-monitor ng updates.
07:41Yan muna ang latest sa lagyan ng ating panahon.
07:43Ako po si Amor La Rosa.
07:45Para sa GMA Integrated News Weather Center,
07:47maasahan anuman ang panahon.

Recommended