24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Mukha mang masaya pero buwis buhay, ang pagtawid ng mga gurong yan sa rumaragas ng ilog sa malapatang saranggani.
00:11Ayon sa isa sa mga guru, pauwi sila mula sa paaralan sa Marangay Upper Suyan nang maabutan nilang mataas ang tubig sa ilog dahil sa ulan.
00:19Nagtulong-tulong ang ilang residente para alalayan sa pagtawid ang mga guru.
00:24Wala raw tulay sa lugar at habal-habal ang karaniwan nilang sinasakyan pantawid sa ilog bago maglakad na hanggang dalawang oras patungo paaralan.
00:33Sinusubukan pa namin makuhang pahayag ng kanilang paaralan at ng lokal na pamahalaan.
00:39Ayon naman sa pag-asa, Intertropical Convergence Zone o ITCZ ang nagpapaulan sa Mindanao.
00:47Ngayong pasukan, daily assignment na rin sa mga paaralan ang 4 o'clock habit kontra lamok para iwas dengue.
00:53Nakatutok si Rafi Timan.
00:58Sa pagtatapos ng unang linggo ng balik-eskwela, mga estudyante ang target ng DOH at DepEd na paalalahanan tungkol sa panganib ng sakit na dengue.
01:073, 2, 1
01:10Ito ang alas 4 kontra mosquito, ang programa ng DOH para hikayatin ang lahat na pagsapit ng alas 4 ng hapon, maglinis ng paligid para matanggal ang tinamumugaran ng mga lamok na may dala ng sakit na dengue.
01:24Kailangan pag may makita sa daan, may makita dito sa inyong paaralan na mayroong mga pwedeng pamugaran ng lamok, anong gagawin? Sabay-sabay?
01:40Mga simpleng hakbang ng malaking bagay para sa mga tulad ni Cape na minsan ang nagkadengge at naospital ng isang buwan.
01:48Natatakot ka ba na magkadengge ka ulit? Opo.
01:51O, naging ingat ka na.
01:53Para makatulong sa programa, namahagi ng mga pandinis ang DOH sa mga estudyante ng Antipolo National High School.
02:00Ayon sa DepEd Antipolo, maliit na porsyento lang naman ng kanilang mga estudyante ang tinamaan ng dengue noong nakarang taon, pero nais para nila itong maibaba.
02:08Kaya bukod sa programa ng DOH at lokal na pamahalaan, kasama na ang panganib ng dengue sa kanilang itinuturo.
02:14Ito naman din po ay integrated sa mga lessons natin sa DepEd, katulad po ng science, gayon din po sa marami pa natin mga asignatura like AP, kasama din po siya integrated din sa edukasyon, sa pagpapakatao or values education.
02:31Ayon sa datos ng DOH, bahagyang tumaas ng 6% ang kaso ng dengue sa pagitan ng Abril at Mayo.
02:39Mula Enero hanggang nitong Hunyo, nasa 123,291 na ang naitalang nagkadengge sa buong bansa at karamihan ang tinamaan, nasa edad 5 hanggang siyam na taong gulang.
02:49Paalala ng DOH, kahit maliliit na takip ng pinaginumang bote ng tubig, pwedeng pamugaran ng lamok at maglagay ng panganib sa mga estudyante.
02:58Kahit po ganun lang siyang kaliit, maaaring pangitlagan ng lamok at maaaring maging breeding site po para dumami ang lamok po natin.
03:05So kaya po pinapatibay po natin yung kampanya po na alas 4 kontra mosquito.
03:11Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Oras.
03:17Nasa Japan ngayon, sinapangulong Bongbong Marcos at First Lady Lisa Araneta Marcos.
03:23Dumalawang first couple sa Philippine Pavilion sa World Expo 2025 sa Osaka.
03:29Ayos sa Pangulo, magandang oportunidad ito para isulong ang turismo sa Pilipinas.
03:35Tampok sa Philippine Pavilion, ang mahigit dalawandaang hinabi ng mga Filipino weaver na mga panel hango sa tema nitong
03:41Nature, Culture and Community, Woven Together for a Better Future.
03:47Bago pumasok sa loob ng pavilion, isang live performance ang sumalubong sa first couple at iba pang mga bisita.
03:54Makikita sa loob ng pavilion ang kultura ng ating bansa.
03:57Binasiti rin ng Pangulo ang Japanese Pavilion.
04:00Bago pumunta sa World Expo 2025, nakipagpulong din ang Pangulo sa tourism stakeholders para mapag-usapan ang turismo ng dalawang bansa.
04:10Kakapuso na kataas ang Thunderstorm Advisory sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw.
04:16Ay sa pag-asa kasalukuyan nakakaranas ng katamtaman hanggang malalakas na ulan ang Bataan, Rizal at Laguna.
04:22Nagayong din po ang ilang bahagi ng Metro Manila, Cavite, Bulacan, Nueve Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Quezon at Batangas.
04:34Posible rin makaranas ng maulap na panahon na may kalat-kalat na pagulan at thunderstorms ang Quezon.
04:40May chance rin maranasan yan sa Metro Manila at Central Luzon.
04:43Samantala, ang natitirang bahagi ng Calabar Zone, posible makaranas ng bahagi ang maulap na panahon.
04:49At sa rainfall forecast ng Metro Weather, posible makaranas bukas ng light to heavy rains ang malaking bahagi ng Luzon.
04:57Light to intense rains naman sa Visayas habang light to heavy rains sa Mindanao mula sa hapon hanggang gabi.
05:05Posible rin ulanin bukas ang Metro Manila.
05:07BTS OT7 is finally back!
05:16Officially discharged today mula sa kanyang tenure bilang social service agent ang BTS member na si Suga.
05:22Siya ang huling membro ng BTS na nakakumpleto ng mandatory national service.
05:26Iba't-ibang fan support projects ang isinagawa ng armies.
05:30May international armies na nagsama-sama sa South Korea para mainit na salubungin si Yoong Hee.
05:35May ibang naghintay sa labas ng Hive building kung saan nag-quiet exit umano si Suga.
05:42Ang isang staff member ipinakita ang mensaheng,
05:45Yoong Hee is home.
05:47Sa Weaver's post ni Suga, sinabi niyang matagal na niyang hinihintay ang araw na muling makausap ang armies.
05:54Naging daan din daw ang halos dalawang taon niyang military service para makapag-self-reflect.
06:00Noong final leg ng Hope on the Stage concert ni J-Hope sa Goyang, South Korea last June 13,
06:07spotted lahat ng members ng BTS na sakto sa kanilang 12th anniversary.
06:12Pansin niyo ba mga kapuso ang tila biglang paglipana ng ilang naglalakihang moth sa Metro Manila?
06:24Maraming netizens ang nagbahagi online ng kanikanilang sightings.
06:29May nag-akalang paniki ito dahil sa laki.
06:31Ito isang moth na kitagay pa raw.
06:37Nariyan din ang mga pabirong hirit na pag-ibang lahiraw ang nakakakita nito,
06:41tila normal na sighting lang.
06:43Pero pag Pilipino, lola o lolo ko yan.
06:48Nag-share din ang iba't ibang paliwanag, spekulasyon at maging haka-haka ang ibang netizens.
06:53Ang isang ito, nirelate naman ang moth sightings sa pagbabalik ng mga sangre sa Encantadya.
06:59Pero bakit ka ba ito nangyayari?
07:03Bibigyang kasagutan niya ni Kuya Kim.
07:05Kaya, Kuya Kim, ano na?
07:13Nagliparan ngayon sa social media ang mga litrato ng video nito.
07:17Mga naglalaki ang moth o mariposa na naispatan sa Metro Manila.
07:20May palipad-lipad sa gilid ng kalsada.
07:23Habang ang iba, dumadapo sa pader ng mga opisina,
07:26mall at skwelahan.
07:29Ang ilan sa kanila, umabot sa kainang ito sa risal.
07:31Ang paglipanang ito ng mga mariposa, pinagtaka ng mga netizen.
07:35Kaya marami nagtag sa inyong lingkod.
07:37Ano nga ba klaseng moth o mariposa ang mga ito?
07:39Kula Kim, ano na?
07:42Ang mga namataan palipad-lipad ngayon sa Metro Manila.
07:45Mga Lisa Sampa, isang klase ng moth na nabubuhay dito sa Southeast Asia.
07:49Ang mga naglalakihan nilang pakpak, maaaring umabot ang hanggang 16 centimeters.
07:53Kulay brown o gray ang mga ito at may puting mga guhit.
07:56Ang pattern, kawangis ng buntot ng ibong swallow.
07:59Kaya tinatawag din itong tropical swallowtail moth.
08:02Sa Facebook post ng entomologist at research associate na si Adriel,
08:06pinaliwanag niya ang paglipana o yung kuntawagin mass emergence
08:09sa mga tropical swallowtail moth sa Metro Manila.
08:12Generally, season po talaga ng tropical swallowtail moth
08:16ang mga buwan ng Mayo, Hudño at Hulyo.
08:19Hindi siya dahil sa ulan.
08:21Mas may kinalaman siya sa tinatawag nating dry spells
08:24o mga panahon kung saan unusually low yung precipitation o pagbagsak ng ulan.
08:29Nagkaroon din daw ng mass emergence ng mga tropical swallowtail moth
08:33noon sa Singapore.
08:34At ayon sa isang pag-aaral na nilathala tungkol dito,
08:37posible daw na nagsulputan ang mga tropical swallowtail moth
08:40dahil sa pagkawala o pagkonti ng mga host plant sa kanilang natural habitat.
08:44Posible kasi na kumukonti yung preferred na halaman nila.
08:47So ang ginagawa ng ibang mga moss,
08:49nagmamigrate sila to other areas to seek other trees na pwede lang itnogan.
08:56Kailangan po talaga gumawa pa tayo ng more research,
08:59specifically dito sa Pilipinas,
09:01upang malaman talaga natin yung rason ng pagdami nila.
09:05Kaya ngayon, alam na natin na hindi sila mga yumaong nating mahal sa buhay
09:08na dinadalaw tayo.
09:10Sila'y bahagi ng ating kalikasan.
09:12I hope na parang we also take this as a sign
09:15that we need to take care of our planet.
09:18This is one of those possible signs ng impact ng climate change.
09:23Ito po si Kuya Kim at salot ko kayo 24 oras.
09:28Binaha ang ilang probinsya dahil sa matinding ulan.
09:32Gaya sa Sultan Kudarat kung saan buwis buhay
09:34ang pagtawid ng ilang mga residente sa Ilog.
09:37Nakatotok si Bernadette Reyes.
09:40Nakasakay sa isang improvised balsa at nakakapit sa lubid
09:46ang mga residenteng yan sa isang ilog sa Sultan Kudarat.
09:49Ayon sa kanila, halos hindi na bumaba ang level ng tubig sa ilog
09:52sa barangay Midtunggo.
09:54Stranded din ang ilang motosiklo sa Pampang.
09:57Matagal na raw itong pangamba ng mga residente tuwing tag-ulan
10:00at tumataas ang level ng tubig sa ilog.
10:03Panawagan nila ay sana magkaroon na ng tulay doon.
10:08Abot tuhod ang baha sa Barangay Yati sa Liloan, Cebu,
10:12kasunod ng pag-ulan.
10:13Ayon sa isang municipal social welfare officer,
10:16aabot sa mahigit tatlundaang pamilya ang apektado.
10:19Namigay naman ang food assistance ang Liloan Municipal Office sa mga apektado.
10:24Sa Zamboanga City, nagmistulang dagat dahil sa baha ang open field
10:29ng isang paaralan.
10:30Ayon sa isa sa mga magulang binahari ng classrooms.
10:35Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.