Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6 days ago
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa gitna ng mahakbang kontrabaha sa Metro Manila, gaya ng paglilinis sa mga estero,
00:05may mga proyekto rin pinag-aaralan gaya ng pagkontrol sa tubig galing siya Ramadre
00:09at paglalagay ng mga sistern o imbakan ng mga tubig o imbakan ng tubig.
00:15May mga proyekto rin para mapakinabangan ang mga bumabarang basura.
00:19Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:24Tuwing tagulan at bumabaha, kabilang sa mga nakikitang dahilan
00:28ay ang pagbabara ng mga water hyacinth sa mga daluya ng tubig.
00:32Kaya kasama ang mga yan sa mga target sa paglilinis sa mga ilog at estero.
00:37Pero alam niyo bang pwedeng pakinabangan ng mga water hyacinth?
00:41Sa pamamagitan ng water hyacinth treatment facility,
00:44maaaring makagawa ng mga lily pots gaya nito na maaaring tamna ng mga halaman
00:49o di naman kaya makagawa ng mga tinataw na charcoal briquettes o uling
00:54na maaaring namang gamitin panggatong sa pagluluto.
00:58Pati na ang mga basurang nahahakot sa mga daluya ng tubig maaaring i-recycle.
01:03Gaya ng plastic bottle at crushed glass na ginagawang plastic bricks o hollow blocks.
01:09Pero ayon mismo kay Pangulong Bongbong Marcos,
01:12susi pa rin ang disiplina sa basura para iwas baha.
01:15Kahit magandang maganda na lahat ng flood control project natin,
01:20kapag ganito pa rin ang ating estero,
01:23eh wala rin, mababaha pa rin tayo dahil walang madaanan yung tubig.
01:28Kapag malinis ang mga estero, mabilis din mawala ang baha.
01:33Kaya naiiwan ang baha dahil walang madaanan ng tubig.
01:37Sinabi ito ng Pangulong matapos inspeksyonin ang paglilinis ng Bully Creek sa Pasig
01:42na bahagi ng bayanihan sa estero program.
01:45Layon itong hikayatin ng komunidad na tumulong sa pagtatanggal ng mga nakabara sa mga estero.
01:51Whole year round naman namin ito ginagawa.
01:53It's just that this time, we will involve the community, LGU, barangay, volunteers, even private sector.
02:02Bago pa ang bagyong krising at mga sumunod na bagyo at habagat na nagpabaha sa Metro Manila,
02:07labing dalawa sa dalawampu't tatlong estero ang nalinis na ayon sa Pangulo.
02:12881 cubic meters na mga bumarang basura ang nakuha sa mga yan ayon sa MMDA.
02:18Ang labing isa pang mga estero, nililinis pa raw sa pakikipagtulungan sa mga LGU.
02:24May mga desultation din daw o pag-alis sa mga lupang inanod sa estero.
02:29Yung watershed kung saan nagagaling yung tubig,
02:31pagka maraming puno, hindi nadadala yung lupa, hindi magsisilt ng ganito.
02:38Kapagka maraming puno, kaya kasama sa watershed development,
02:41na magtatanim tayo ng puno para hindi madala ng tubig yung lupa.
02:52Ayon sa DPWH, pinag-aaralan pa kung paano makokontrol ang tubig
02:56mula sa Sierra Madre Watershed na umaagos papuntang Pasig Marikina River.
03:01Gagawa po kami ng mga siguro tatlong maliliit na dams doon sa itaas
03:07to restore, to mag-impound ng siguro mga 100 million cubic meters
03:16para doon muna i-impound yung tubig ba ha.
03:20Huwag natin palalabasin ka agad dito sa may Pasig Marikina River.
03:24Plano rin maglagay ng cistern o imbaka ng tubig tulad sa BGC sa Taguig
03:28na maaaring sumado ng tubig para maiwasan ang pagbaha.
03:32Kung ano yung available spaces in the city, pwede hong gawing cisterns.
03:38Cisterns ang tawag po, cisterns yun para yung tubig baha, yung runoff,
03:45yung runoff po na dumadalo yung umulan na hindi muna mailabas,
03:52doon muna sa ilalim.
03:53Marami po yung na-identify ng mga areas, kagaya po doon sa Campa Ginaldo,
04:00sa ilalim ng golf course, pwede muna imbakan ng tubig baha doon
04:04kasi doon talagang perennial na binabahan.
04:08Pinag-aaralan ding maglagay ng mga cisterns sa bahagi ng UST sa Espanya
04:12at loton sa Maynila.
04:15Para sa GMA Integrated News, Brunadette Reyes, nakatutok 24 oras.
04:23Brunadette Reyes, nakatutok 24 oras.

Recommended