24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Suge-tahin ang isang lalaki sa Malati, Maynila ng habulin at barilin ang tumakas sa riding in tandem.
00:07Ang nahulikam na insidente sa pagtutok ni Jo Merapresto.
00:14Miss 2 lang magpaparada lang ang dalawang lalaking ito na lula ng isang motorsiklo sa San Andres Street, Malati, Maynila, pasado alas 9 kagabi.
00:22Pero ang isa sa kanila naglabas ng baril kaya napatakbo ang lalaking nakaitim.
00:27Maya-maya, bumagsak ang lalaki. Nabaril na pala siya at tinamaan sa kanyang hita.
00:33Hindi kaanong kita sa video pero ayon sa barangay, tinangkang agawin ang riding in tandem ang bag ng biktima.
00:39Mabilis naman siyang nakatayo at nakapagtago ng papatakas ang riding in tandem.
00:44Bago ang insidente, makikita mga salari na napadaan sa lugar.
00:48Ilang saglit lang, nahagip ulit sila ng CCTV na nag-U-turn sa kalsada habang naglalakad ang biktima papalapit sa lalaki na may angkas na bata.
00:56Ka-meet-up raw ito ng biktima.
00:59Nabanggit nung isang kamag-anak na talo sa sabong tapos yung ka-meet-up niya po is babayaran niya lang naman po.
01:07Isinugod ang biktima sa ospital ng lalaking ka-meet-up niya.
01:11Sabi ng barangay, hindi pa malinaw ang ugat ng krimen dahil walang record sa kanila ang biktima na nagtatrabaho bilang delivery rider.
01:18Patuloy ang follow-up operation ng polisya sa mga sospek.
01:21Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok. 24 oras.
01:28Palala po sa publiko, tiyakin pong lehitimo ang kukuning notarial service.
01:33Sa kalokan po kasi, bistado ang panluloko sa notaryo nang magsumbong ng isang abogado.
01:39Naretirado na.
01:40Nakatutok si John Consulta.
01:42Daang-daang lumapit ang tawuan ng DSA Special Operations Unit ng Northern Police District sa target na establishmento sa Kalooka nitong Huwebes.
01:55Sa hudyat ng undercover, pumasok na ang mga polis kasama ang kanilang complainant na isang 82-anyos na abogado.
02:02Di umobra ang paliwanag ng mga tinarget ng entrapet operasyon.
02:19Sa kayong po, ina-arresto po namin kayo sa pagsasabwatan.
02:23Tarapag lang po kayong manahinig at magsawalang kibok.
02:26Sumbong sa NPD nang nagreklamang abogado, 2022 pa siya tumigil sa pagnyonotaryo matapos ma-stroke.
02:34Pero laking gulat niya nang ipatawag siya sa korte para sa notaryong di naman niya ginawa.
02:39Ang ginagamit po ay yung mismong notary seal at pangalan ng ating complainant na isang abogado po.
02:48Yun po ay kanyang itinanggi, hindi po niya yung pirma.
02:51Kaya yun po, ang ating mga suspect ay agad pong inaresto ng ating kapulisan.
02:59Ayon sa NPD, bawal at delikado ang piniging notaryo.
03:04Once po na nagamit yung mga peking dokumento, malalaman po sa court na hindi po pala
03:10or due to technicalities, maaari pong mabaliwala yung kanilang mga reklamo.
03:15Kaya malaki po ang magiging epekto po nito.
03:18Wala pang pahayag ang mga suspect na na-inquest na kahapon at nakakulong na sa Northern Police District.
03:24Yung mga suspect po natin ay kakaharapin po yung mga kasong usurpation of authority
03:31o yung article 177 po ng revised penal code,
03:35stop other deceit, article 315 of the revised penal code,
03:39and falsification by private individual.
03:42Maaari po silang makulong ng 20 years imprisonment at may multa na hindi hihigit sa isang milyong piso po.
03:53Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 horas.
04:00Nakauwi na sa bansa ang anim na OFW na lumikas mula sa hidwaan ng Iran at Israel.
04:06Pagdating sa Naya sa Pasey kanina, sumalubong sa mga nagparepatriate mula sa Iran ang mga opisyal ng gobyerno.
04:12Kabila sa mga umuwi ang limang OFW mula sa Iran at isang domestic worker sa Dubai
04:17na nagpunta sa Iran kasama ng kanyang amo bilang turista.
04:21Binigyan sila ng pinansyal na tulong ng gobyerno at binigyan din ang pagkain at serbisyong medikal.
04:26Dalawang Pilipino pa mula rin sa Iran ang nakatakdang dumating sa bansa ngayong gabi.
04:31Simula po ngayong araw, nasa podcast na rin ang 24 Horas Weekend.
04:38Gaya po ng flagship newscast ng GMA Integrated News na 24 Horas.
04:42Ang 24 Horas Podcast mula ng Ilunsan noong lunes, nanguna agad sa rankings at number 1 sa news category ng Apple Podcasts sa buong bansa.
04:53Number 2 naman ito across all categories.
04:56Grateful at proud ang GMA Integrated News sa overwhelming response ng mga Pilipinos sa 24 Horas Podcast.
05:05Ayon po kay Senior Vice President at Head ng GMA Integrated News, Regional TV at Synergy, Oliver Victor Amoroso.
05:13Mapapakinggan ang 24 Horas Podcast sa Spotify at Apple Podcasts app para po manatili kayong informed on the go
05:21sa mga balita ng 24 Horas at 24 Horas Weekend.
05:27Binoopo ito ng GMA Integrated News Digital Strategy and Innovation Lab
05:32in collaboration with 24 Horas at GMA New Media Incorporated.
05:40Ang Paris na City of Lights, nagdilim po dahil sa thunderstorm.
05:46At sa Amerika naman, lumambitin pati warik ang isang electrical worker na nag-aayos ng traffic lights.
05:52Ang mga balita abroad sa pagtutok ni Bernadette Reyes.
05:55Nag-aayos lang ng traffic lights sa gitna ng kalsada ang isang electrical worker sa Louisiana sa Amerika.
06:04Maya-maya isang 18-wheeler ang dumaan at bigla nitong nasalpok ang boom truck kung saan nakatayo ang trabahador.
06:11Lumambitin tuloy siya pati warik.
06:13Agad namang rumisponde ang kanyang mga kasamahan para maibaba siya.
06:17Ayon sa local media, ligtas siya at hindi nasugatan dahil sa suot na safety harness.
06:22Pinadilim ng thunderstorm ang City of Lights.
06:28Animo'y binagyo ang Paris, France dahil sa lakas ng ulan at hangin.
06:32Ang Eiffel Tower, tila nabura dahil sa kapal ng mga ulap at matinding buhos ng ulan.
06:37Saglit ding nasuspindi ang sesyon sa French Parliament.
06:41Ang ilang mambabatas, napating alapa dahil may tumutulo raw mula sa Kisame.
06:46Agad namang naayos ang tagas nito.
06:51Bukod sa Paris, inulan din ang iba pang bahagi ng France.
06:55Ayon sa mga ulat, dalawa ang nasawi at mahigit sa 100,000 bahay ang nawala ng kuryente.
07:02Isang oso ang namataan ng mga otoridad sa Altadena sa California.
07:07Sa gitna ng mala night walk nito, nakita ng mga otoridad na may kasama siyang isang hindi patukoy na hayo.
07:13Na animo'y isang wolf o wild canine.
07:17Patay ang isang driver matapos mahulog sa bangin ang minamanehong concrete mixer sa Dipakulaw, Aurora.
07:23Base sa inisyal na imbisigasyon ng pulisya na wala ng prenong sasakyan,
07:27dead on the spot ang driver habang sugatan ng pahinante.
07:31Sinusubukan pangkuna na pahayag ang pamilya ng mga biktima.
07:34Muli yung kinulayan na mga miyembro ng LGBTQIA plus community ang Pride March ngayong taon sa Quezon City.
07:45Mahalaga raw para sa kanila na makaramdam ng safe space, pagkakapantay-pantay at inclusion
07:50na matagal na nilang ipinaglalaban lalo na ngayong Pride Month.
07:54At nakatutok live si Jamie.
07:57Jamie?
07:58Pia punong-puno ng kulay ang idinaraos na Love Laban 2025 Pride March and Festival
08:08dito nga sa UP Dileman dito sa Quezon City ngayong Sabado.
08:15Kahit sa gitna ng kainitan ng araw, hindi nagpapigil ang LGBTQ plus community para ipagdiwang ang Pride Month.
08:23Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang selebrasyon ngayong taon
08:27Nagmarcha si Mayor Belmonte kasamang iba't ibang grupo ng LGBTQ plus community mula oblation palibot ng campus.
08:36Makulay ang parada mula sa sumot ng mga lumahok hanggang sa mga track na pinalamutian.
08:42Ang selebrasyon ngayong taon ay inaasahan daw na mas malaki, mas ligtas at mas matapang.
08:48Na layong ipagdiwang ang LGBTQ plus community.
08:52Isulong ang pagkakapantay-pantay at igiit ang agarang pagpasa ng SOGI Equality Bill.
08:58Ilan sa aktibidad sa selebrasyon ang Pride Expo, Pride March at Pride Night.
09:03Hindi lang daw ito isang selebrasyon.
09:05Nagsisilbi rin daw itong paraan upang bigyang lakas ang Filipino LGBTQIA plus community
09:11sa pamamagitan ng paglikha ng mga safe space para ipagdiwang ang kanilang pagkakakilanlan
09:17kung saan iginagalang ang kanilang mga kwento at kinikilala ang kanilang mga karapatan.
09:22Isa rin daw itong anyo ng protesta laban sa pang-aabuso at mga inhostisyang patuloy na kinakaharap ng komunidad.
09:29Para matiyak ang seguridad ng lahat ng dumalo sa selebrasyon,
09:33magkakatuwang sa pagbabantay sa kaayusan at kapayapaan sa lugar,
09:37ang Quezon City Police District, UP Police at ang Task Force Disiplina.
09:41The SOGI Bill is a long-bend issue since then.
09:45So I believe that LGBTQ plus rights is also human rights.
09:50So past SOGI Bill, past same-sex marriage.
09:53Very all-black, very, you know, slay and all that.
09:57And 1, 2, 3, happy pride!
09:59Ha!
10:00Happy pride!
10:07Piyas sa mga oras na ito ay biglang bumuhos ang malakas na ulan dito nga sa UP Diliman
10:12pero hanggang mamaya raw ang makulay at masayang selebrasyon ng love laban dito nga sa UP Diliman.
10:18At yan ang latest mula rito balik sa inyo.
10:22Maraming salamat, Jamie Santos.
10:27Tiyak manlalaki ang inyong mga mata sa bidang piña ng Puntol, Apayaw.
10:36Singtaas kasi ito ng gusali.
10:39Ito na ba ang largest piña sa bansa?
10:41Kuya Kim, anda!
10:43Ang mga laki fiesta sa taon ng piña festival sa Puntol sa Apayaw.
10:52All eyes sa piyang ito.
10:54Sino ba naman kasi ang hindi manlalaki ang mga mata sa laki nito?
10:57Sa taas nitong 32.81 feet, sintayog na ng isang giant piña ang isang two-story building.
11:02Ang giant piña ng Puntol, na isa raw marahil sa pinakamalaki sa bansa,
11:06gawa gamit ang mahigit 2,800 fresh pineapples.
11:10Inaan niya mga ito mula sa iba't ibang taniman sa Puntol.
11:13It was actually just purposely for a one-town, one product.
11:18And then it evolved into something that could help us in economic recovery just after COVID.
11:25We are revitalizing the tourism industry.
11:28We use that and also of course to promote the products coming from our farmers.
11:33Kaya Kim, ano lang?
11:36Ang piña o ananas comosus ay isang tropical plant na indigenous sa South America.
11:41Dinala ito sa Pilipinas na mga Kastila noong late 16th century.
11:45Isa sa agaw pansin sa prutas na ito, ang tila napakarami nitong mata.
11:49Pero ano nga ba ang mga ito?
11:50Ang piña isang multiple fruit.
11:52Ibig sabihin, bunga na ito ng maraming maliliit na bulaklak na nagsama-sama.
11:56At ang sinasabing mata nito ay ang dating lokasyon ng individual na bulaklak.
12:00Ang piña meron ding corona na binubuo ng mga pahaba nitong dahon.
12:04Alam niyo ba na mula sa mga dahong ito, maaaring makagawa ng napakagandang tela?
12:08Ito ang piña cloth.
12:10Laging tandaan, kimportante ang mayalam.
12:12Ito po si Kuya Kim, at sagot ko kayo, 24 hours.
12:20Quitsikaan time tayo mga kapuso.
12:22Nagsama-sama ang fans para sa post-birthday celebration ni Kapuso Morning Sunshine, Shira Diaz, na idinaaw sa Quezon City.
12:32Pasasalamat ito ni Shira sa walang sawa nilang suporta mula pa noong nag-uumpisa siya.
12:37Bakas ang kasiyahan sa aktres na napasayaw pa on the spot.
12:40Sa ngayon, tuloy-tuloy ang preps nila ng piyansay na si EA Guzman para sa kanilang kasal sa Agosto.
12:46Librong Chavit, The Legend of the Philippines, tampok si dating Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson inilunsad.
12:56Base ito sa interview sa kanya ng isang writer mula sa Poland.
13:00Nabuksan daw ang ideyang ito nang minsang mag-viral si Singson sa Poland noong nagpa-cash gun siya ng pera noong pandemic.
13:08Isasalin din daw ang libro sa limampung iba't ibang lengwahe.
13:11Samantala, kumpirmadong may nilulutong proyekto ang GMA Pictures kasama si Singson.
13:19Two J's in one frame.
13:22Nag-collab sa isang dance challenge si star of the new gen Jillian Ward at kay hip-hop artist na si Jay Park.
13:28Kumento pa ng rapper sa post ni Jillian, We Lit.
13:32Nasa bansa si Park ngayon para sa Manila Leg ng kanyang world tour.
13:35Ina-list po ng MMDA ang mga timer sa mga traffic light na nasa kanilang pamamahala.
13:42Sensor-based na raw ang mga ito para mamonitor kung anong linya sa kasada ang mas maraming sasakyan.
13:48Pero ang ilang motorista, tila na nito.
13:51Nakatutok si Von Aquino.
13:56Pansin niyo bang ang ilang traffic light na dating may counter kapag malapit ng mag-stop o mag-go?
14:02Wala nang nagka-countdown?
14:04Sabi ng MMDA, tinanggal na nila ang timer sa lahat ng 76 na traffic lights na nasa pamamahala nila.
14:11Hindi kasama ang mga traffic light na hawak ng mga local government unit.
14:15Ibig sabihin ang mga traffic light kagaya nito dito sa EDSA na wala ng timer ay sensor-based na
14:21kaya't natutukoy nito yung mga sasakyan na kailangan ng patawirin at kailangan ng pahintuin.
14:26I think yung warning na 5 blinks, 3 seconds na yellow and then red is sufficient enough para makapag-adjust yung ating mga kababayan
14:36at malaman nila kung dapat na ba sila mag-slow down para hindi sila mag-beat ng red light.
14:43Bahagi raw ito ng adaptive signaling system na inumpisahan nila noon pang 2012 at ngayon, 100% na nilang ipinatutupad.
14:51Ayon sa MMDA, nag-a-adjust ang kanilang traffic lights depende sa volume na mga sasakyan.
14:58Minimeasure niya, lalong-lalo na sa gabi, yung volume ng traffic, for example, lane A, wala nang dumadaan.
15:06Kahit na nakaprogram siya initially na one minute, ika-cut short niya yun to 30 seconds at inilipat niya doon sa mas nangangailangan dahil mes may bodyo.
15:18Ang ilang nakausap naming motorista, mas gusto pa rin ang traffic lights na may timer.
15:24Nakakaalangan yun kasi iniisip mo, green pa yun eh. Pag tingin mo, bigla magdidilaw na.
15:29Ano ginagawa niya na lang pag-a-lalay ka na lang?
15:32Ang rider na ito, nang huminto sa intersection, muntikraw masalpok ng taxi sa likod.
15:38Mabilis talaga yung count na ng yellow niya, tas biglang red ka agad, kaya bigla ako na best na.
15:44Nagmamadali rin yung taxi sa likod ko, todo pito, mas pinili ko pa rin po mag-stop.
15:50Ah, kasi yellow na?
15:52Kasi mamaya, biglang may dumiret siya sa kanan eh, salp, mabangga pa.
15:58Kaya naman daw mag-adjust ng mga motorista, pero hindi nila.
16:02Ang mas maganda yung dilaw mas matagal kasi para mas makatigil ng tama yung mga sasakyan.
16:07Sabi ng MMDA, may sapat na panahon naman daw para mabigyan ng warning ang mga motorista.
16:14Para sa GMA Integrated News, Von Aquino Nakatutok, 24 Horas.