Matapos ang halos walang tigil na pag-ulan na dulot ng habagat, umapaw kahapon ang La Mesa Dam. Dahil dito, binaha ang mga mabababang lugar sa Quezon City at CAMANAVA area—kabilang na ang Valenzuela.
Sa sobrang taas ng tubig-baha, napilitan ang mga residente na lumikas at magtungo sa mga evacuation centers para sa kanilang kaligtasan. Kaya naman tumungo rito ang Unang Hirit at Kapuso Foundation para mag-abot ng tulong.