24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Naging mas maayos po ang panahon kanina kumpara sa mga nakarang araw.
00:04May malalakas sa ulan pa kaya tayong haasahan sa mga susunod na araw?
00:08Alamin natin yan kay Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center.
00:12Amor!
00:15Salamat Ivan, mga kapuso.
00:17Posible pong maulit ang mga pagulan sa mga susunod na araw dahil pa rin po yan sa habagat
00:21at bagong sama ng panahon na may chance ang mabuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
00:27Sa ngayon naman, nasa bahagi na po ng China at patuloy na po lumayo dito sa ating bansa.
00:33Ito pong dating bagyong krising pero ramdam na ramdam pa rin natin yung epekto po ng hanging habagat o yung southwest monsoon.
00:40Base po sa datos ng metro weather, ngayong gabi may chance pa rin na mga pabugsugsong mga pagulan na may kasama pong malakas na hangin
00:46dito po sa may extreme northern Luzon, ganoon din po dito sa may Ilocos Provinces, La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan,
00:54iba pa pong bahagi ng central Luzon pati na rin po sa Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa at pati na rin po dito po yan sa iba pang bahagi po ng Visayas at Mindanao
01:03pero mga kalat-kalat na ulan po yan.
01:05May gale warning naman po dito sa western seaboards po ng Luzon.
01:08Ibig sabihin po niyan, magiging maalon po ang kondisyon ng karagatan kaya hindi po ligtas po malaot ang maliliit na sasakyang pandagat.
01:15Halos ganito rin po ang mararanasan kinaumagahan bukas pero meron na rin po mga pagulan dito po yan hindi na lamang sa northern at central Luzon pati na rin po dito sa Calabarzon at Mimaropa
01:25kundi meron na rin dito sa ilang bahagi po ng Bicol Region at Visayas.
01:30Mas maraming ulan na po sa hapon at halos buong Luzon na po ang makakaranas niyan.
01:34Nakikita po natin meron mga matitinding pagulan na concentrated dito sa northern Luzon lalo na po sa may Cagayan Valley, Cordillera, ganoon din po dito sa Ilocos Region,
01:44southern Luzon kasama po dyan ito pong Mimaropa lalo na po dito sa Mindoro Provinces at ilang bahagi po ng Calabarzon pati na rin sa Bicol.
01:53Kabilang rin po ang Metro Manila sa mga lugar na may mataas pong chance na mga pagulan bukas kaya patuloy po magmonitor sa advisories ng pag-asa.
02:02Sa Visayas naman may posibleng mga malalakas na ulan din dito po yan sa Panay Island at pati na rin sa Negros Island Region
02:08at mga kalat-kalat na ulan naman po dito sa May Eastern at Central Visayas pati na rin sa ilang bahagi po ng Mindanao.
02:15Meron po sa Caraga, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula.
02:20Samatala, ayon po sa pag-asa, may bagong cloud cluster o kumpol po ng mga ulap.
02:24Ito po yan, yung mga makakapal na ulap dito po sa may silangang bahagi po ng ating bansa,
02:29particular na sa may silangan po ng Luzon.
02:31May chance po yan maging low pressure area at posible rin na ma-develop bilang bagong bagyo.
02:37Maari po yan sa Martes o di kaya naman sa Merkoles.
02:40At kung matuloy po ito, papangalanan po ito na bagyong Dante na posibleng palakasin at hatakin din po yung hanging habagat.
02:48Kaya paghandaan po yung maulang linggo.
02:51Pagsapit nga po ng Martes, magpapatuloy yung maulang panahon sa halos buong Luzon at halos buong Visayas.
02:57Ito po yung may mga malalakas sa pag-ulan at may mga kalat-kalat na ulan din dito po yan sa Mindanao.
03:02Halos ganito rin po ang inaasahang panahon sa Merkoles kaya po maging alerto.
03:07Pero mga kapuso, pwede po po magkaroon ng pagbabago sa outlook kaya tutok lang po kayo sa updates.
03:13Yan ang latest sa ligin ng ating panahon.
03:15Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center.