- yesterday
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Maulang weekend, mga kapuso, at buong puersang nakatutok ang GMA Integrated News
00:08sa efekto ng magdamag na ulan na dala ng bagyong kising at ng pinalakas nitong habagat.
00:14Hindi lang sa Norte humagupit ang masamang panahon,
00:17nagkaroon din ang mga pagbaha at pagguho sa ilan pang lugar sa bansa.
00:21Gayun din sa Metro Manila, kung saan bukod sa mga pagbaha,
00:25ay may mga natumbaring puno, mga poste at billboards.
00:30Aktwa na po po yan ng pagbasag ng boulder o malaking bato sa isang sasakyan sa Cannon Road sa Baguio City.
00:39Isang aso ang nadaga na.
00:41Ang ipapang detalye, ikaw na yan, abangan, maya-maya po lamang.
00:48Magana hapon po, hindi man nag-landfall baka sa ilang lugar sa karya
00:53ng efekto ng pagdaan doon na bagyong kising.
00:55Ilang tulay roon ang hindi nadaanan dahil sa umapaw na ilog
01:00at may nirespondihan pang panganganak sa gitna ng unos
01:04at mula sa Baggao-Kagayaan na Katutok Live, si James Agusti.
01:09James!
01:09Ivan Pia, umabot sa labing isang tulay yung hindi nadaanan kahapon dito po yan sa bayan ng Baggao sa lalawigan ng Cagayan
01:20dahil po doon sa mga umapaw na ilog at creek.
01:23Sa Gonzaga naman ay may isang bahay na sinira na rumaragas ang ilog.
01:27Sa gitna ng malakas na pagulan ng tragasan ng tubig, walang sinayang na oras ang polisya
01:36para respondihan ang babaeng inabutan ng panganganak sa kasagsagan ng Bagyong Kising sa Santa Teresita, Cagayang, kagabi.
01:42Ang babae, lulan ng kolong-kolong ng inabutan ng mga otoridad.
01:46Inilipat siya sa polis mobil.
01:47Lumusong lang yung sasakyan po namin dahil medyo mataas po ito.
01:52And then, yun nga, minabuti namin po na ilipat na lang po doon sa sasakyan namin para madala po siya agad.
01:59Ligtas na nadala sa Municipal Health Center ang Buntis na nagsilang ng babaeng sanggol.
02:05Maayos ang kalagayan ng mag-ina.
02:07Sa bayan ng Baggao, dahil hindi madaanan ng isang tulay na apektado ng pagtaas ng tubig ng Pared River,
02:13isinakay sa rubber boat ang isang kabaong kaninang umaga mula sa barangay Taging para mailibing ng mga kaanak sa barangay poblasyon.
02:20Pasado alas dos na ng hapon ay ganito pa rin po yung sitwasyon dito sa Bagunot Bridge.
02:25Ay hindi pa rin tumadaanan ng mga motorista.
02:27May ila tayong mga nakita ng mga residente na sinusuong yung malakas na agos.
02:31Ayon sa MDRMO, hanggang kaninang umaga ay na-isolate ang pitong barangay dito sa lugar.
02:37Umabot sa labing isang tulay ang hindi nadaanan kahapon dahil sa mga umapaw na kikatilog.
02:42Sobrang mabilis yung pag-angat ng tubig. Maraming stranded kagabi. Dami naming nilikas na mga tao.
02:51Sa Gonzaga, bubong at ilang pader na lang ang natira sa bahay ni Chris Kim, sa barangay Bawa, na sinira na rumaragas ang ilog.
02:58Wala silang naisalbang gamit kaya nananawagan siya ng tulong.
03:01Sobra pong hirap kasi na-operahan na nga po yung asawa ko tapos nawalan pa po kami ng bahay.
03:09Kasi yung mga gamit po ng mga anak ko po, nadami din po doon.
03:14Wala na po silang pang-aral.
03:16Sa evacuation po, open po yung barangay para sa kanila.
03:19At saka kasi yung mga pagkain ganon, sinabi nga wala silang mga damit,
03:25pwede po namin silang matulungan po ng barangay.
03:28Sa di kalayuan, bumigay naman ang veranda ng bahay ni Oscar.
03:32Noong maghapon na, yung humapon na mga alas 4 siguro.
03:36Yun na, talagang isang oras na yata na direct yung malakas yung ulan.
03:40Biglang lumaki po yung ilog.
03:42Ayon sa lokal na pamahalaan, nailikas ang mga nakatira sa tabing ilog.
03:46May plano na rin daw para maisaayos ang river wall na nasira ng bagyong ofen noong nakaraang taon.
03:51We will coordinate with the Department of Public Works and Highways
03:54to pass track the release of fans for that purpose po.
04:01Samantala, mag-alas 3 ngayong hapon ang tuluyan ng madaanan
04:04ng mga motorista at maging residente itong Bagunot Bridge.
04:08Yamunaylitas mula dito sa Lalawigan ng Kagayan. Balik sa'yo, Ivan.
04:13Ingat kayo dyan at maraming salamat sa'yo. James Agustin.
04:16Ikinagulat at ikinabahala rin ng ilang taga-malabon ang baha sa kanilang lugar.
04:21Nakulay puti.
04:22At nakatutok noon live, si Jonathan Nanda.
04:27Jonathan?
04:31Pia, kaninang umaga pa ito.
04:33Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umuhupa yung baha dito sa may palengke ng Malabon.
04:37Sa ngayon, umaambon ngayon dito.
04:40Malakas ang ihip ng hangin at makulim-limang kalangitan.
04:43Sa tala ng Malabon CDRRMO, sa 21 na barangay dito, 16 na barangay ang binaha ngayong araw.
04:5018 inches ang pinakamalalim.
04:52Yung isang barangay, kakaiba ang baha dahil kulay gatas.
04:56Nagulat ang mga tagasan Agustin Malabon dahil puti ang baha sa kanilang lugar.
05:06Nakunan pa ng CCTV ang unti-unting pagbabago ng kulay ng baha, mag-aalas 9 kaninang umaga.
05:12Para pong may gluten, wala na pong maitim sa Malabon.
05:16As of now sir, wala po kami idea kung ano pong dahilan.
05:19Hindi naman po siya mamantika, wala rin naman po, as in wala namang amoy din.
05:23First time po talaga namin na encounter, as in.
05:26Makalipas ng tatlong oras, bandang tanghali, unti-unting nawala ang kulay puti sa baha.
05:31May mga factory kasi dyan, so paiimbestigahan po natin sa ating health department din
05:36para po malaman kung saan nagmula at kung delikado ba ito.
05:41Sa palengke naman ng Malabon, iniinda rin ang mga lumulusong sa baha ang pangangamoy nito.
05:46Ang baho po ng amoy ng baha ngayon, lagi po.
05:49Ganto po yung amoy, tas ganto din po kadumi yung tubig.
05:52Nag-galat din ang mga basura. Dahilan kaya raw tumirik ang tricycle na ito.
05:58Pumalasing ka din na.
06:00Dahil sa baha, malalim masyado na sagi ko yung basura, nagasagasaan.
06:05Actually kahapon, almost 300 na sako ng basura ang nakuha namin.
06:10So medyo nagtataka nga kami bakit meron pa rin naiwan.
06:15So siguro babalik-balikan namin yan para talagang maubos.
06:17And mananawagan na rin kami sa mga nandyan na mag-ana sila maging disiplinado.
06:23Kasi sila rin naman yung unang naapektuhan kapag kung saan-saan lang sila nagtatapo ng basura.
06:28Bukod sa baha, binayo rin ang Malabon ng malakas na hangin na may kasamang ulan.
06:33Pero marami pa rin ang lumabas dahil sa hanap buhay at para bumili ng pangangailangan.
06:37Medyo mababa ngayon kasi wala pang high tide.
06:40Hirap eh.
06:41Gaya ka, may edad na ako.
06:44Sa Ayaw Lumusong, may balsa si Kuya Jomel.
06:46Sampung piso kada pasahero.
06:48Sa Navotas naman, binahari ng ilang lugar tulad ng M. Naval Street.
06:54Pia, sa ngayon ay wala namang naitatalang evacuees dito sa Malabon.
06:59Huwag lang aapaw yung Tuliahan River na dinadaanan ng tubig mula sa Lamesa Dam.
07:04May muna ang latest mula rito sa Malabon. Balik sa iyo, Pia.
07:08Ingat at maraming salamat, Jonathan Andal.
07:12Dahil sa tuloy-tuloy na masamang panahon, bantay sarado ang ilang taga Marikina,
07:17sa antas ng tubig ng Marikina River,
07:19nagbukas na rin doon ang mga evacuation center bilang paghahanda.
07:23At mula sa Marikina, nakatutok live si Darlene Kai.
07:26Darlene.
07:27Ivan, nasa 14.1 meters yung level ng Marikina River as of 5 p.m.
07:35Considered na normal level pa yan.
07:37Pero naghahanda na rin daw yung lokal na pamahalaan,
07:40pati na yung mga residente, sa posibilidad ng paglikas.
07:44Dahil magdamag na maulan sa Marikina,
07:50maraming residente ang napasugod sa tabing ilog para magmasid sa level ng Marikina River.
07:55Pero mayroong nagpunta para mga isda.
08:12Mas madali raw kasing mahuli ang mga isda kapag ganito ang panahon.
08:15Yan ang tilapia ngayon yan.
08:18May hito.
08:18Ayan o, tilapia.
08:20Talaki.
08:21Mula 12 meters kaninang madaling araw,
08:24mabilis na umakyat sa 14 meters ang taas ng Marikina River
08:27bandang alas 8 ng umaga.
08:30Bahagya pa itong umakyat bandang tanghali.
08:33Nasa normal level pa ito.
08:3515 meters pa ang first alarm sa Marikina River.
08:37Hudyat na kailangan ng maghanda ng mga residente
08:40para sa posibleng paglikas.
08:42Kapag umakyat na sa 16 meters o second alarm ang ilog,
08:46kailangan ng mag-evacuate.
08:48Forced evacuation na kung third alarm o 18 meters ang taas ng ilog.
08:52Kahit hindi pa bumabaha, may ilang naghahanda na.
08:56Siyempre natakot na rin kayo ng undoy.
08:58Naranasan na namin talagang na walaan talaga kami lahat ng gamit.
09:02Ayan, nakabahan ako eh.
09:05Malakas ang tubig.
09:08Kasi iyagot, hindi ko tubig yun.
09:10Handa ng mga gamit kung saan na maguligas.
09:20Pinakabinabantayan ng Marikina LG yung limang barangay
09:22na unang binabaha ang Malanday, Nangka, Tumana, Santo Niño at Jesus de la Peña.
09:27Hindi pa nagpapatupad ng preemptive evacuation ng lokal na pamahalaan
09:31pero binuksan na nila ang 36th evacuation center sa lungsod.
09:35Kapag nararamdaman nila na any hour ay tataas at aapaw ito,
09:41pwede na silang pumunta sa mga evacuation sites natin.
09:43Bawal na ang anumang aktibidad sa ilog, kaya sinaway na motoridad ang inabutang nangingisda.
09:50Pinaalis na rin ang mga sasakyang nakaparada sa tabing ilog.
09:53Ivan, hanggang sa mga oras na ito, tuloy-tuloy pa rin yung pagulan dito sa Marikina.
10:03Ayon sa boritoring ng LG, base na rin sa forecast ng pag-asa,
10:06mula kaninang 5pm hanggang mamayang 8pm ay mararanasan yung tuloy-tuloy at malakas na buhos ng ulan dito sa lungsod.
10:14Kaya nananatiling naka-alerto yung lokal na pamahalaan at ganoon din dapat yung mga residente.
10:20Yan yung latest mula rito sa Marikina.
10:22Ako po si Darlene Cai para sa GMA Integrated News.
10:25Ivan?
10:26Ingat at maraming salamat, Darlene Cai.
10:29Mulo yung binaha ang ilang flood-prone na lugar sa Quezon City
10:32at may mga nagbagsakan pang mga poste at billboard.
10:36At mula sa Quezon City, nakatutokla si Bernadette Reyes.
10:41Bernadette?
10:41Pasunod ng Yellow Rainfall Warning na Pag-asa, kaninang alas 8 na umaga,
10:45binaha ang ilang lugar dito sa Quezon City.
10:52Abot hanggang lieg ang baha sa Waling-Waling Street sa Barangay Rojas District kaninang umaga.
10:57Walang alisan ang mga tao rito. Pakigasan dito hanggat mababaw pa tubig.
11:02Mababaw pa yan. Hindi pinapansin ng tao yan.
11:06Pero wisyo ang dulot ng mga pagbaha sa mga komunidad gaya dito sa Rojas District
11:11tuwing bumabagyo. Pero para sa iilan, pagkakataon nito para makapaghanap buhay.
11:16Mula sa pirapirasong mga bakal, mga tanso, mga bote,
11:21pagkakataon nito para meron silang mapakain sa kanika nilang mga pamilya.
11:25Ibebenta po sa junk shop.
11:28Pang gastos.
11:30Hanggang baywang ang tubig kanina sa NS Amoranto Street malapit sa G. Araneta Avenue.
11:46Nagbangka ang ilang residente para makadaan.
11:49Hindi ito madaanan ng light vehicles pero may ilang sasakyang sumubok pa rin tumawin.
11:54Nandito tayo ngayon sa Pat Senador Street sa barangay San Francisco del Monte sa Quezon City.
12:00Ayon sa mga residente dito, kahit na konting ulan lang, agad bumabaha dito sa kanilang lugar.
12:06Ngayong araw nga na ito, tatlong beses na raw nagbabaha dito.
12:10Yung tubig bumabalik.
12:11Kasi sa kabilang side na doon, ilog na.
12:15Kaya once na magbaha, once na umulan, yung tubig bumabalik na.
12:20Sa barangay Paligsahan, pansamantalang isinara ang bahagi ng Panay Avenue
12:26dahil sa malaking sanga ng puno na naputol at sumabit sa kawad ng kuryente.
12:31Sa Commonwealth Tandang Sora Avenue sa Quezon City,
12:34pinatumba ng malakas na hangin at ulan ang mga plastic barrier at code.
12:38Bahagyang bumagal ang trapiko.
12:41Sa Katipunan Avenue, poste at billboard naman ang natumba.
12:45Sa southbound na bahagi ng kalsada, humambalang ang isang billboard.
12:48Ayon sa MMDA, dalawang sasakyan ang naiulat na natamaan.
12:53Bumigat tuluyang trapiko.
12:54Walang nasugatan sa insidente.
12:57Sa northbound, isang poste ng kuryente naman ang natumba.
13:00Fortunately, wala pong nasugatan.
13:03Dahil sa harapang bahagi lamang ng kotse, bumagsak yung poste.
13:07Sa ngayon po, naalis na natin yung kotse at itatabi rin po natin itong poste.
13:12Ayon sa Miralco, lumalabas sa pauna nilang investigasyon
13:16na natamaan na bumagsak na billboard ang kawad ng kuryente kaya nadamay ang poste.
13:21Natanggal na ang poste at gumulong ang operasyon para maibalik ang serbisyo ng kuryente.
13:26Nagpaalala ang Quezon City LGU sa mga may-ari na ibaba ang kanilang mga billboard
13:31at itabi ang kanilang tower crane tuwing may masamang panahon.
13:34Pia, muli na namang bumuhos ang malakas na ulan dito sa Quezon City ngayong alas 5 ng hapon.
13:41Kasalukuyan namang kinicleer ngayon ng Quezon City Engineering Department
13:45ang nabuwal na puno dito sa Panay Avenue.
13:48Balik sa'yo, Pia.
13:50Mag-iingat kayo at maraming salamat, Bernadette Reyes.
13:55Mataas na bahang sumalubong sa ilang bahagi ng Bulacan dahil sa lakas ng ulan.
13:59May mga barangay sa Marilao ang inihanda na ang kanilang evacuation sites.
14:03Mula sa Maykawayan, Bulacan, nakatutok live si Katrina Son.
14:08Katrina.
14:12Iban, ilang mga lugarga o barangay dito sa Marilao, Bulacan,
14:17ang binaha dahil sa tunoy-tunoy na pag-uulan na gulot-iad na bagyog krisig.
14:27Sa barangay Lias, Marilao, Bulacan,
14:30hanggang gutter at taas ng tubig sa ilang kalsada.
14:34Kaya dahan-dahan ang takbo ng mga sasakyan.
14:38Binahari ng barangay nagbalon.
14:40Dito po sa amin, sa barangay nagbalon po,
14:42may tubig na puro sa bandang dulo.
14:45Pero awa naman po ng Diyos,
14:47hindi po masyadong malalim.
14:49Kabado po kami, kaya naka-alerto po kami rito sa amin sa barangay namin.
14:53Sakaling mag-tuloy-tuloy ang ulan na tumaas ang maha,
14:56handa na ang evacuation sites ng barangay.
14:59Kaya ang ilang residente, inaayos na kanilang mga gamit.
15:03Kaya nga, unti-unti na kami magtaas ng gamit.
15:06Kasi kanina, panatagpa kami, kakuwe,
15:10ano pa, medyo malayo pa.
15:12E ngayon, ayan na, pag may dumadaan.
15:14Kaya wala na, kailangan na magtaas.
15:16Sa barangay Poblasyon 1,
15:18hinarang na ang daan papasok.
15:21Not possible na ito sa mga sasakyan dahil sa baha.
15:25Kaya ang ilan, sinuugda ang lampastuhod na baha.
15:29Ang ilang residente,
15:31naglilibas ng tubig sa loob ng kanilang bahay.
15:34Ito po, hindi na po, high tide.
15:36Ano na po yan, ipon na tubig po.
15:38At saka may halong baha na rin po siya.
15:40Kung tutuusin po.
15:42Ang ano po talaga dito,
15:43flooded prone area po talaga kami dito sa Poblasyon po.
15:48Baha rin sa barangay Ibayo at barangay sa Luysoy.
15:52Bataas din ang baha sa barangay Ibayo puro kuno.
15:55Ayon sa pag-asa, kahit nasa labas na ng par ang bagyong krisig,
16:00magdadala ito ng pangulan bukod pa sa epekto ng habaga.
16:03Iban, bahari ng ilang mga barangay dito sa Maykawayan, Bulacan.
16:12At Iban, kanina ubaga,
16:14haka nga buong hapon,
16:15nakakaranas tayo ng pabungsu-bungsu na pagbulan
16:18dito nga sa Maykawayan,
16:20Gayudid sa Marilaw, Bulacan.
16:22At kapag nagtuloy-tuloy raw ito,
16:24inaasahan ng mga residente na basta taas pa
16:26ang baha na kanilang nararadasan.
16:29At yan na buo na ang latest mula dito sa Bulacan, Iban.
16:33Ingat ka at maraming salamat, Katrina Son.
16:37Doble dagok ang hinaharap ngayon na ilang taga-Batangas.
16:40Apektado ang kanilang kabuhayan,
16:42hindi lang ng paghahanap sa mga nawawalang sabongero,
16:44kundi pati ng masamang panahon.
16:47At mula sa Laurel, Batangas,
16:49nakatutok lang si Von Aquino.
16:52Von?
16:53Tia, dahil sa masamang panahon,
16:55sinuspind din ang Philippine Coast Guard
16:57ang kanilang search and retrieval operation
16:59para sa mga nawawalang sabongero
17:01dito sa lawa ng Taal sa Laurel, Batangas.
17:08Halos zero visibility sa Taal Lake
17:11dahil sa malakas at pabungsu-bugsong ulan
17:13dulot ng habagat na pinalakas ng bagyong krising.
17:16Pero may mga pumalaot pa rin
17:18mangingisda.
17:19Dahil din sa masungit na panahon,
17:21hindi nakapag-search and retrieval operation
17:23ng mga technical diver ng Philippine Coast Guard
17:25para sa mga nawawalang sabongero.
17:28Nasa evacuation center
17:29ang mga residente ng Sityo Bucal,
17:31Barangay Gulod sa Laurel, Batangas,
17:33na nagsilikas kahapon.
17:35Hinatiran sila ng tulong ng provincial
17:37at local government at DSWD.
17:39Dahil ang operation nga po natin ngayon
17:42ay almost 24-7 na kahapon pa po kami
17:45nag-aabiso sa kanila na
17:46lumikas na sila sa mga lugar na kung saan
17:49para maging safe po ang bawat isa.
17:52Dala pa raw ng mga residente
17:53ang takot mula sa bagyong kristi
17:55noong isang taon.
17:56Pag nabuhos ang malakas na ulaan na,
17:58akyat na po.
17:59Talagang pag na ulaan
18:01tapos may baha,
18:02kahit anong ginagawa,
18:03iniiwanan na.
18:04Dahil doon po,
18:04noong huling kristin po,
18:05may natabunan.
18:07Tapos ang mga bahay,
18:08was out talaga.
18:09Dobleng dagok naman sa evacuee
18:11na si Isabel Solis
18:12ang masamang panahon
18:13at mahinang kita
18:14sa pagbibenta ng tawilis at tilapia
18:16dahil sa search and retrieval
18:18operation sa lawa.
18:20Kaya na naman po,
18:20marining ng mga nanonungkulan
18:25ng aming hinahing na tama-tama
18:26na tigilan na yung mga isyo na yun,
18:28nakakaawa na yung mga naghahanap buhay.
18:31Hindi na po namin alam
18:32kung saan kami kukuha
18:33ng aming ikabubuhay.
18:3453 pamilya
18:35ang voluntaryong lumikas
18:37at nakisilong muna
18:38sa kanila mga kaanak
18:39sa ibang lugar.
18:40Bukod sa bayan ng Laurel,
18:41malakas din ang ulan
18:42sa ibang bahagi ng Batangas
18:44tulad sa Tanawan at Talisay.
18:50Pia, ayon kay PCG spokesperson
18:53Noemi Kayabia,
18:54posibleng bukas na lang nila
18:55ituloy yung search
18:56and retrieval operation
18:58kapag bumuti na yung panahon.
18:59Sa ngayon kasi, Pia,
19:01ay pabugso-bugso pa rin
19:02yung malakas na ulan
19:03dito sa Laurel, Batangas.
19:05Pia?
19:07Maraming salamat, Von Aquino.
19:10Sa ibang balita,
19:11huli kam sa Maynila
19:12kung paano nasagasaan
19:13ng kotse
19:14ang dalawang taong
19:15tumatawid sa kalsada.
19:16Kritikal
19:17ang isa sa mga biktima.
19:19Nakatotok si
19:20Jomera Presto,
19:21Exclusive.
19:25Patawid na sana
19:26ang barangay tanod na si Manny
19:27sa bahagi ng Yoseco Street,
19:29Tondo, Maynila
19:29pasado alasais kagabi.
19:31Pero,
19:32isang kotse
19:32ang biglang umararo sa kanya
19:34at sa isa pang lalaki
19:35natatawid din sana.
19:37Kita pa sa video
19:38na bukod sa dalawang lalaki,
19:40may ilan pang tao
19:40ang nahagip ng kotse.
19:42Pumailalim sa sasakyan
19:44ang lalaki
19:44na unang nabangga
19:45na isa palang senior citizen
19:47habang ang 55 years old
19:49na si Manny
19:49tumilapon sa kalsada.
19:51Ayon sa tinderan
19:52na si Cecil,
19:53customer niya
19:54ang ilan
19:54sa mga nadamay
19:55sa aksidente.
19:56Nagulat na lang po ako
19:57bigla siyang
19:58pumarangkada dito.
20:00Napatakbo nga po ako
20:01doon eh.
20:02Yung mga bumibili po dito,
20:04nakaladkad niya.
20:06Hindi naman sila
20:07masyadong nasaktan
20:08kaya hindi na rin
20:08sila dinala sa ospital.
20:10Ang tanod na si Manny,
20:11agad isinakay
20:12sa tricycle
20:12papunta sa pagamutan.
20:14Ngunit ang senior citizen
20:15na biktima,
20:16hindi kaagad
20:17na isugod sa ospital
20:18dahil inabot pa
20:19ng kalahating oras
20:19bago dumating
20:20ang ambulansya.
20:22Inaalam pa namin
20:22sa barangay
20:23kung bakit nahuli
20:24ang ambulansya.
20:25Ayon sa barangay,
20:2679 years old na
20:28ang driver ng kotse
20:29na kaaalis lang
20:30sa kanilang barangay
20:31matapos kumuha
20:32ng social pension.
20:33Magpe-payout po
20:34yung asawa niya.
20:35Sanay po yun sa
20:36ano eh,
20:37yung manual,
20:40eh yung pong
20:40dalay niyang
20:41ano sa sakyan,
20:42baka po hindi po
20:43niya gamay.
20:44Sabi pa ng barangay,
20:46stable naman
20:47ang kondisyon
20:47ng senior citizen
20:48na biktima.
20:49Pero ang kanilang
20:50tanod na si Manny,
20:51critical.
20:52Nung sinugod siya,
20:53wala na siyang malay.
20:54Pero nagising naman po siya
20:55nang nasa ospital na.
20:58Tapos po,
20:58mga ilang oras,
21:00ayun na,
21:00ano ulit,
21:01nakatulog hanggang
21:02sa tinubuhan na.
21:04Hindi naman nasugatan
21:05ang driver ng kotse
21:06at ang pasahero nito.
21:07Nangako naman rao sila
21:08sa barangay
21:09na sasagutin ang gasto
21:10sa ospital
21:11ng dalawang biktima.
21:12Sinusubukan pa namin
21:13kunin ang panig
21:14ng nakabanggang driver.
21:16Para sa GMA Integrated News,
21:18Jomer Apresto
21:19nakatuto 24 oras.
Recommended
1:13
|
Up next