Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Aired (July 6, 2025): KAPAG MAY USOK, TIYAK NA MAY MALINAMNAM NA LECHON MANOK!


How do you like your lechong manok?


Ang karimbuaya na hindi lang halamang gamot, special ingredient din ng lechon manok sa Magsingal, Ilocos Sur!


Sa Bacolod naman, hindi lang daw chicken inasal ang masarap lantakan! Pati na rin ang lechon manok na nakakalasing sa sarap dahil ang nagpapalinamnam sa laman ng kanilang native na manok, tuba o coconut wine!


Sa Cebu naman, ang lechon manok, niluluto sa lata!


Ang mga nagsasarapang mga bersyon ng lechon manok sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, tikman sa video na ito! #KMJS


“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

😹
Fun
Transcript
00:00How do you like your lechon manok?
00:06Sa Norte, pinapalamanan ng maasim-asim na dahon.
00:11Sa Cebu, binabalot sa saging at iniluluto sa lapa.
00:17Sa Negros naman, iminamarinate sa tuba.
00:22Dito sa magsinggal sa Ilocosur, may tumutubong halaman na ang tangkay may tinik-tinik, parang kaktus.
00:32Ang dahon, pinaniniwala ang gamot sa lagnat at infeksyon.
00:38Ang tawag nila rito, karimbwaya.
00:43Pero para kay Rambo, ang karimbwaya hindi lang halamang gamot.
00:48Ito rin daw ang special ingredient ng kanyang lechon manok.
00:54May asing, saka may tamis. Tinatanggal niya yung umay.
00:57Ang dahon ng karimbwaya na gamit niya sa paglilechon manok, pinipitas lang niya sa bakura ni Estrella.
01:04Oren ka na saktok tala. Tati, kung ano pa ang nagunod din?
01:08Aamin, apay-pailaan.
01:11Kailangan din daw mag-ingat sa dagta nito.
01:15Dapat hawakan natin yung dahon niya para hindi tayo matinikyan yung kamay natin.
01:21Isa-isa niya munang pinitas ang dahon ng karimbwaya.
01:26At saka hinugasan.
01:29Hiniwa-hiwa niya ito.
01:34At iginisa sa bawang.
01:37Sa halip na yung nakasanayang tanglad, ito raw ang ipanglalaman niya sa manok na ibinapat niya sa kanyang special marinade.
01:53Ito po yung gamit naming pang-inject ng manok para mas malasa sa loob.
01:58Ito sa breast part po niya para mas malasa po.
02:01Kasi di ko talaga yung makaraming sa manok.
02:04Totoo ang natin itong mga manok dito sa bakal.
02:07Para hindi sila mangalay, kakapaypay, tinutukan nila ang baga ng electric fan.
02:24Kailangan daw pirmiring pinapahira ng marinade ang balat ng manok para hindi ito masunog gamit ang piraso ng kawayan na tinalian ng tuwalya.
02:38Kailangan nating ulasan para hindi agad maluto sa labas.
02:41Makalipas ang isang oras, luto na ang juicy at mainit-init nilang karimpwaya lechon manok.
03:01Manamis naamis din, makaibas niya.
03:03Yung ganitong normal na size is 300, piraso po.
03:06Itong mas malaki po is 320.
03:09Bago naging business owner si Rambo, dati siyang delivery rider.
03:13Hanggang taong 2020, nagsagawa siya ng isang fundraiser.
03:19Meron kasi akong pabaranggayan na nagkakailangan na nang tulong.
03:22Pambili po ng gamot, madami namang bumili.
03:26Masarap daw yung lechon manok.
03:28Kaya tinuloy-tuloy ko na po.
03:30Nagtayo na rin siya ng sarili niyang lechonan na may dalawang branch na ngayon.
03:34Kahit nahihirapan na ako, kailangan pala yung magpursigun.
03:39Kasi madami akong pangarap eh.
03:41Para sa pabili ako yung ginagawa ko.
03:47Mas pumamis naman daw ang ngiti ng mga taga City of Smiles.
03:52Hindi lang daw kasi chicken inasal ang masarap plantakan sa Bacolod City.
04:00Pati na rin ang lechon manok na nakalalasing sa sarap.
04:06Ang nagpapalinamnam daw kasi ng laman ng kanilang native na manok, tuba o coconut wine.
04:14Ito ang lechon native na manok with tuba na limang dekada nang iniluluto ni Leti.
04:21Ang 1975-76, nasa beach kami nagtitinda.
04:25Tatay ko, yun ang niluluto in the relation ng bisahe na manok.
04:29Kaya ginaya namin hanggang ngayon.
04:32Ang kinatay ng native na manok, pinimplahan ang mga pampalasa.
04:37At saka pinaliguan ng tuba.
04:40Hindi naman makalalasing yung tuba.
04:43Matamis at mayroon din maasim.
04:45Marinette, mga overnight.
04:47Tuba kasi ito yung ginagawang sukan.
04:49Napapabilis niya yung pagpapalambot ng mga karne.
04:52Pagkatapos, tinuhog ito sa barbecue stick.
04:56Atong ihigot, limongrass man.
04:58Agod to, maghamot pagid siya.
05:01Pagkatapos in eh, salang ta.
05:04Kay ato na nga, toon.
05:06At saka inihaw.
05:07Kada piraso, 500 to 600 pesos.
05:21Depende sa laki.
05:22Hanamit siya ay parang sinamat.
05:25Hanamit siya ng saboroso.
05:27Hindi siya paet.
05:29At yung kanamit, hindi siya.
05:31Pero sa mga gustong matikman ang lechon ni Leti,
05:34made to order daw ito.
05:36Hindi naman araw-araw ako nagtitinday.
05:38Sabadolinggo lang,
05:39pang lonis at saka viernes,
05:41booking lang kung mayroon akong order.
05:43Parami mga pa rin yan,
05:45pumupunta dito, kumakain.
05:46Hinahanap talaga ako.
05:50Sabi nila,
05:51ang lata na walang laman,
05:53maingay.
05:54Pero ang mga latang ito,
05:56sa Lapu-Lapu City sa Cebu,
05:58may laman naman.
06:00Pero gumagawa pa rin ang ingay
06:02dahil sa nakapaloob ditong pagkasarap-sarap,
06:06ang lechon manok sa lata.
06:13Ang paraang ito,
06:14ng pagle-lechon,
06:16minanaparaw ni Estrella
06:17sa kanyang mga magulang.
06:19Naglulota din sila ng lechon.
06:21Parang ordinary nga oven.
06:22Ang loob ng manok,
06:27pinuno ng aromatics,
06:29mga rekado,
06:31at herbs.
06:32Katulad ng panglad,
06:34na pangalis ng lansa,
06:36at sangit,
06:37o lemon basil.
06:39Tinimplahan,
06:40at saka ibinalot sa saha ng saging
06:43para hindi agad masunog.
06:47Sunod niya itong inilagay
06:48sa loob ng lata,
06:49na siyang magsisilbing oven
06:52o improvised pugon.
06:54Pinapalitan namin ang lata
06:56kung marupok na siya.
06:58Ang problema,
06:59pantsahan kung maluto ito.
07:02Kaya dapat,
07:03pantayang apoy sa itaas
07:05at ilalim ng lata
07:06para hindi masunog
07:08ang gamit niyang panggatong,
07:10bunot ng nyog.
07:11Ang mga dyan sa loob,
07:13na absorb sa buong manok ba?
07:16Ang litsong manok sa saha ng saging
07:17isa sa mga survival food.
07:19Ang mga katipuneros natin
07:21at naging paborito din ito,
07:22ni Gat Andres Bonifacio.
07:25Makalipas ang dalawang oras,
07:27amoy na amoy na
07:28ang lechon manok sa lata
07:30ni Estrella.
07:31Sobrang lambot ng laman,
07:50tsaka sobrang savory.
07:52Ang recipe ni Estrella,
07:54nihahain lang daw niya
07:55sa tuwing may espesyal na okasyon
07:57sa kanilang pamilya.
07:59Pero ngayon,
08:00plano na rin daw niya itong ibenta.
08:02May birthday, sir.
08:02Magluto din kami.
08:03Nagpaplano kami na
08:04mag-engusyo ng lechon manok.
08:09Hindi chicken
08:10o hindi madali
08:11ang road to success.
08:14Pinaghihirapan ito.
08:17Kahit pa,
08:18halos mangitim na
08:19ang dulo ng iyong ilong,
08:22kakaihaw o kakaluto.
08:23I-isa lang
08:25ang pinagtutunayan
08:27ng mga naglelechon manok.
08:29Kahit gaano kainit
08:31ang apoy ng buhay,
08:33kung meron kang determinasyon,
08:36tsaka maluluto rin
08:37ang tagumpay.
08:39Thank you for watching,
08:47mga kapuso.
08:48Kung nagustuhan niyo po
08:49ang videong ito,
08:50subscribe na
08:52sa GMA Public Affairs
08:53YouTube channel.
08:54And don't forget
08:56to hit the bell button
08:57for our latest updates.
08:59Thank you for watching,

Recommended