Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/6/2025
Aired (July 6, 2025): Ang laway na inilalabas ng silkworm, puwedeng gawing seda?! Hindi basta-bastang tela, kundi isa sa pinakamahal sa buong mundo! Paano ito ginagawa? Panoorin ang buong kuwento sa Born to Be Wild.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Sino ang mag-aakala na sa manipis na hibla mula sa laway ng uhot?
00:06Katumbas ang pinakamahal na seda sa buong mundo.
00:11Pero sa bawat hibla, buhay ang nakataya.
00:22Sa Kapangan Benguet, may tinig na naririnig.
00:30Kapag pinakinggan mo ng maiging, galing ito sa libo-libong silkworm.
00:38Sarap na sarap sila sa pagkain ng dahon ng malberry.
00:45Ang isang ito, slowly but surely ang paghahanap ng dahon.
00:54Bulag ang mga silkworm.
00:56Kaya umaasa sila sa amoy ng mga dahon ng malberry.
01:00Sa loob ng tatlong linggo, wala silang ibang gagawin kundi kumain ang kumain.
01:16Wow! Sana all!
01:20Don't worry dahil mabilis ang kanilang panunaw.
01:23Lalo na't, kailangan nila magpalakas para sa malaking misyon.
01:31Nakilala ko si Mang Joseph.
01:34Nag-aalaga ng mahigit tatlong libong silkworm sa kanyang bahay.
01:37Ito lang ang kinakain nila.
01:42Ito lang ang gusto nila.
01:43Oo, wala nang iba.
01:44Yung malberry pala, magaspag yung ano.
01:47Parang isiis yung dahon ng isiis yung panglilis natin sa probinsya sa mga kaldero.
01:52So ito yung gustong kainin ng ating mga laba.
01:54Ito lang ang kinakain nila, wala nang iba.
01:56So sa isang dahon, may kukumpisa sila doon sa gilid.
02:00Ito, sa ganito na dahon, sa gilid ng dahon, kinakain nila isa-isa hanggang sa maubos nila yung buong dahon.
02:07Kaya makikita mo, yung isang ganitong dahon, sabi nila, three times a day sila magpakain.
02:13Galing daw ang mga silkworm sa Department of Science and Technology,
02:17Philippine Textile Research Institute o DOST-P3 bilang kabuhayan.
02:22Araw-araw niyang sinisiguro na hindi basa ang dahon na ipapakain sa silkworm.
02:34Kung basa yung dahon, magkasakit yung ano.
02:37Most likely because of fungal.
02:40Kasi yung change in color, kapag mataas nga naman yung moisture content nung pinapakain natin,
02:47it breeds the growth of fungi, which eventually affects them.
02:53So kapag na-apektohan sila, mamatay.
02:57Kaya binibitin namin yung kapag...
03:01Magbasa.
03:01Magbasa, ganun na lang.
03:03Ah, hanggang sa matuyo.
03:04Matuyo.
03:05400 pesos.
03:07Kada kilo ng kukun ang kita ni Mang Joseph.
03:09Ang ganitong karaming silkworm, maaari raw makabuo ng isang pure silk barong sa halagang 50,000 pesos.
03:19Kain dito, kain doon, yan ang buhay ng mga silkworm.
03:24Pero habang sila ay lumalaki, gumagawa sila ng kahangahangang bagay.
03:30Pagkatapos kasi ng tatlong linggong malait all you can,
03:33unahan na sila sa paghahanap ng espasyo para gumawa ng kanilang kukun.
03:46Kamit ang tila laway na lumalabas sa kanilang spinnerets,
03:50ang organ na naglalabas ng silk,
03:54mas manipis pa raw ito sa buhok ng tao at posibleng kasing tibay ng alambre.
04:00Magpapaikot-ikot ang silkworm ng mahigit tatlong daang libong beses
04:08hanggang sa mabuo ang malasapot ng kukun.
04:12Buti na lang hindi sila mahiluhin
04:14para itong sapot ng gagamba na binabalot sa kanilang sarili.
04:22Ginagawa nila ito bilang proteksyon o takib sa mga predator.
04:25Mananatili siya doon hanggang dalawang linggo.
04:31Pagkatapos, magiging ganap na butterfly moth.
04:35Pero nakakalungkot,
04:37hindi na niya mararanasan ang magkapakpak.
04:42Dahil hindi maaaring maputol ang malasinulid na kukun.
04:45Kailangan na silang lutuin para makuha ang hipla ng seda o silk.
04:56Naririnig mo na na may laman sa loob.
04:57Ibig sabihin yung kukun,
05:00itong kukun na ito,
05:01yung laman sa loob dried na rin.
05:03Dahil dry na siya,
05:05yung dating larva natin,
05:06ayun na,
05:07nasa loob na,
05:09nag-dry up na.
05:10Alam nyo ba,
05:10kapag hinimay-himay natin yan,
05:13na yung mga hibla tayo makukuha dyan eh,
05:14pag hinimay-himay nyo yung mga hibla na yan,
05:18kaya niyang umabot ng 800 to 1,500 meters.
05:23Isa't kalahating kilometro,
05:25yung pinakamahaba.
05:26Karabing haba, no?
05:27Ginawa lang niya yan for three days.
05:30Dadalhin ang mga kukun sa processing machine
05:33para gawing silk fiber sa La Union.
05:41Yung mga kukun na nakuha natin sa Benguet,
05:44dadalhin nyo dito eh,
05:44bababa dito sa La Union.
05:46Lalagay nila dito sa mga makina,
05:48kagaya nito,
05:49at ibababa dyan na sa tubig para lumambot.
05:51Ito yung mga natira,
05:53na mga hindi na nila makuha.
05:55Pag wala na sila makuha ng hibla,
05:56ito na nandes,
05:57sa loob nyan,
05:58naandyan yung pupa.
06:01So,
06:02ito yung mga pupa,
06:03so,
06:04dahil kinuha natin sila,
06:06hindi na nila na-complete yung life cycle nila.
06:09Ang daming proseso mula dun sa kukun,
06:17mula dun sa pag-harvest natin.
06:21Pagkatapos,
06:22mano-mano itong hahabiin,
06:24hanggang sa maging tela.
06:25Nagsimula ang industriya ng silk sa China,
06:35limang libong taon na ang nakararaan.
06:38Imbis na sa wild ang mga silkworm noon,
06:41ginagawa itong domesticated
06:43o hawak na ng tao ang buhay nila.
06:47Hanggang ngayon,
06:49kinigilala pa rin ang ganitong industriya.
06:52Ito yung ngayon,
06:54yung nagawin nila bilang,
06:55yung damit.
06:57Yung Pilipinas daw,
06:58is one of the best producers of silk textile in the whole world.
07:03Kumpara sa mga plastic na sangkap ng ilang damit,
07:06mas environment-friendly raw ito.
07:08Ang silkworm,
07:10ang gumagawa ng silk,
07:11which is a protein fiber.
07:14Ito ay hindi katulad ng polyester na hindi na-degrade.
07:18Ang ating silk ay na-degrade in time.
07:21Bukod sa paggawa ng seda,
07:23ginagamit din ang silk sa medisina.
07:25Gaya ng sinulid na gamit sa pagtahi ng sugat.
07:28Ang mga patay na view pa naman,
07:31pinag-aaralan pa kung paano magiging protein source o pagkaya ng tao.
07:35Habang pinagmamastad ko ang maliliit na nilalang na ito,
07:41napahanga ako sa kanilang abilidad.
07:44Lalo na sa sakripisyon na kailangan nilang gawin para makagawa ng silk fiber.
07:49Talagang that's incredible.
07:52Kaya sa bawat seda na ating suot,
07:56lagi nating isipin at pahalagahan
07:59ang mabusisi at masinsi na trabaho
08:02na mga muntik nilalang.
08:04Maraming salamat sa panonood ng Born to be Wild.
08:11Para sa iba pang kwento tungkol sa ating kalikasan,
08:14mag-subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.

Recommended