Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Aired (July 13, 2025): Sa isang santuwaryo sa Puerto Princesa, Palawan, masusulyapan ang mga hayop na bihira nang makita sa wild. Ano ang mga uri ng buhay-ilang na matatagpuan dito at paano sila pinangangalagaan? Panoorin ang video.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Pagputok ng liwanag
00:02Unti-unting nabubuhay ang paligid.
00:13Mula sa mga sanga.
00:15Hanggang sa ilalim ng Mapuno.
00:45Tahinik pero makulay ang kanilang mundo.
00:52Isang panibagong araw para sa mga nilalang sa paraisong ito.
00:57Espesyal umano ang lugar na ito sa Puerto Princesa sa Palawan.
01:16Dahil ang mailap na hayop na sa Palawan lang makikita.
01:24Nagtititipon-tipon sa isang sangtuario.
01:27Kabilang dito, ang isa sa flagship species ng Puerto Princesa, ang Palawan Peacock Pheasant o Tandican.
01:41Okay, so nandito tayo ngayon sa Bird Wing sa Puerto Princesa, kung saan meron silang kakaibang setup sa pag-bird watching.
01:59Pero bago dumiretsyo sa site, aalamin muna namin ang do's and don'ts ng sangsyuaryo.
02:05Kabilang dito, ang huwag mag-ingay at bawal ang flash mula sa mga kamera at cellphone.
02:13Ang kailangan baon namin is patience. Patience at saka kailangan tahimik din kami.
02:20Konting kaluskus lang kasi, nabubugaw na palayo ang Tandican.
02:26Hindi tulad ng ibang bird watching sites na mag-iikot sa gubat.
02:30Sa Bird Wing, tao ang magtatago sa hide at doon mag-oobserba ng wildlife.
02:41Ito na yung hide.
02:44Nandito na yung hide.
02:47Simula na tayo maging tahinik.
02:50Wow, wow, ang ganda na hide.
03:00Unang bumungad sa amin,
03:03ang ibon na falcated wren bubbler.
03:11Parang nagpapakita ito ng gilas sa ganda ng kanyang boses.
03:15Okay, so,
03:23ang dami ng mga ibon dito.
03:27Dahil lang ako nakakita ng ganag.
03:29When you see a bird first time in your life, you call it a lifer.
03:33So, that's my lifer.
03:36Patalong-talong sa lupa.
03:40Palipat-lipat ng sanga na parang may hinahanap.
03:44Ang tunog na kanyang ginagawa ay isang bird song.
03:57Posibleng ginagamit na ito para makapangakit ng kapareha o depensahan ang kanyang teritoryo.
04:05Maya-maya pa,
04:08may ibon na bigla na lang may ginagit sa lupa.
04:10Pero hindi siya nag-iisa rito.
04:23Bihira ng makatagpo ng paraisong hitik sa buhay ilang.
04:28Kaya, espesyal umano ang lugar na ito.
04:36At ginawa na rin research site ng mga biologist at researcher sa Palawan
04:41para mapag-aralan ang ilan sa mga endemic na ibon doon.
04:46Sa Hyde,
04:50nagtatago ang mga bird watcher at researchers
04:53tuwing mag-oobserba ng mga ibon.
04:55Very interesting itong ginawa niyong setup.
05:00Pero why did you find this place interesting para gawin niyo yung bird watching project niyo?
05:09Naririnig namin si Peacock Peasant.
05:12So, ayun po.
05:13Sin-try po namin na i-locate talaga kung saan exactly regular naririnig si Peacock Peasant.
05:20Yan po, naging challenge.
05:22Actually, yung pag-establish namin ng Hyde.
05:25Sabi ng team, bawal yung maingay.
05:28So, instead of using yung pagpok-pok, mga pako,
05:32tinali po namin yung buong Hyde.
05:36Sa ganitong setup,
05:37may iwasan na mabulabog ang buhay ilang sa kanilang natural na tahanan.
05:42Meron tamo, Palawan blue fly catcher.
05:45Endemic species itong Palawan blue fly catcher.
05:49Ang ganda, may parang yelo sa dibdib.
05:53Tapos, yung blue niya, ang ganda.
05:56Ang Palawan blue fly catcher,
06:00tahimik din na patalon-talon sa lupa para maghanap ng pagkain.
06:08Habang ang Palawan bulbul,
06:12pasimpleng tinitira ang prutas ng giant taro.
06:16Sabay-lipad.
06:20Hindi lang mga ibon ang nag-i-enjoy sa pabuffet ni inang kalikasan.
06:27Pati ang mamamal tulad ng Northern Palawan tree squirrel at ang Palawan tree shrew nakikigulo rin.
06:33Guys, mayroon dito yung Palawan tree shrew squirrel.
06:38Ang haba ng muso niya kumpara sa mga ibang squirrel na mas pango ang muso.
06:45Yung movement nila, medyo maliksi.
06:49Kiro, ang likot.
06:52Dahang-dahang inaamoy at inuusisa ng Palawan tree shrew ang lupa.
06:57Insekto at prutas ang kinakain nila.
07:07Habang ang mga squirrel o bising,
07:11muya lang na nunguya sa pagkain na kukuha niya.
07:15Hanggang sa may narinig kaming kakaibang huni.
07:19Ito na raw ang inaantay naming tandigan.
07:30So, narinig natin ng lalaki.
07:33Nandito lang siya.
07:35Nagbunga ang aming panunintay.
07:37Nasaan? Nasaan dyan?
07:40Hindi ko makita.
07:42Yung kulay itim?
07:44Oh, oh my.
07:49Oh my god.
07:51Kita kita yung puti sa chik niya.
07:57Kaya siya tinawag na white-cheek Palawan pigak pheasant.
08:02Finally, first time to see a real wild Palawan pigak pheasant.
08:08And the reason why I'm talking like this is this is the most elusive sod bird ng mga birters.
08:18Talagang napakakandal ng Palawan pigak pheasant nito.
08:23Siya yung sinasabing one of the most beautiful pheasants in the world.
08:29And nandito siya sa Palawan.
08:31Dito lang siya makikita.
08:33Unang lumabas ang lalaking tandigan.
08:35Nagsisilbi siyang lookout para sa kanyang mag-ina bago ito lumabas at manginain.
08:45So, alam nyo ba na sa isang taon, isang sisiw lang ang kaya niyang iproduce.
08:52Kaya napaka-delikado ng species ng bird na ito.
08:57Kaya kung hindi alagaan, pwedeng mawala sa atin yan.
09:01Nang masiguradong ligtas ang paligid, lumabas na rin ang magnanay na tandikan.
09:12Mahingit isang buwan na ang inakay na tandikan.
09:15Palaging nakabuntot at nag-oobserba habang nanginain ang kanyang nanay.
09:26Kabilang ang lugar na ito sa tirahan ng mga natitirang Palawan Peacock Pheasant sa wild.
09:39Base sa pag-aaral, nasa halos limampung libo na lang ang kanilang bilang.
09:46Kaya malaking bagay ang maprotektahan ang sangsyuaryong ito.
09:51Lalo na may nakunan din ito na inakay na tandikan na siyang pag-asa na kanyang lay.
09:57One of the threat na, syempre, bird wing is not the whole area.
10:02Specifically, dito lang po tayo.
10:04So, hindi po namin makukontrol outside bird wing.
10:08Kasi si Peacock Pheasant, hindi pa namin alam kung gano'ng kalaki yung cover niya.
10:12Kung hanggang saan siya naglalakad, naghahanap ng pagkain, gano'ng baka layo yung kanyang pinupuntahan.
10:19Kabilang daw ang mga aso, pusa at unggoy sa kalaban na mga tandikan dito.
10:25Kahit na bird watching site ito,
10:28kinokontrol pa rin ang bilang ng bumibisita para mapangalagaan ang lugar.
10:33Hanggang walong tao lang ang pwedeng bumisita rito.
10:37Although, potential na makita si Palawan Peacock Pheasant,
10:42but on the side, doon pa rin tayo na nagpapahalaga sila doon sa conservation.
10:52Palawan Peacock Pheasant, scene checked.
10:57Hindi man perpekto ang kanilang munting paraiso,
11:06sana'y tuluyang maprotektahan ang kanilang natitirang sanksyuaryo.
11:12Para ang kanilang makulay na mundo,
11:16huwag hintayin na makita na lang sa libro.
11:18Maraming salamat sa panunod ng Born to be Wild.
11:25Para sa iba pang kwento tungkol sa ating kalikasan,
11:29mag-subscribe na sa JMA Public Affairs YouTube channel.

Recommended