00:00It is inailalim ng Department of Social Welfare and Development sa modernisasyon at pagpapalawak ng kapasidad ang National Resource Operations Center sa Pasay City at ang Disayas Disaster Resource Center sa Mandawi City, Cebu.
00:14Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapabuti ang pagtugon sa anumang kalamidad.
00:23Guit ng kalihim, matitiyak na mas mabilis na ang pagtugon sa sakuna dahil ngayon ay nakakapag-produce na ng halos 70,000 family food packs sa dalawang hubs mula sa dating 40,000.
00:36Ang mga family food pack mula sa dalawang hubs ay ilalaan para sa prepositioning sa iba't ibang storage facilities sa bansa.
00:43Sinabi pa ni Gatchalian na naglagay din ng bagong barcoding system ang DSWD para sa maayos na inventaryo at matiyak na mabibilang ang bawat food box.