00:00Alamin naman natin ang sitwasyon sa isang evacuation center sa lungsod ng Valenzuela sa report ni Noel Talacay live. Noel?
00:11Charms, I am here right now sa isa sa mga schools dito sa Valenzuela City at yung likuran ko charms dyan na nanunuluyan ngayon yung mga evacuees dito sa Valenzuela at kinina nga ay nahatira na sila ng mga relief goods.
00:30Nag-aantay para makakuha ng family food pack si Veronica Alvarez, residente ng barangay General Tiborcio de Leon ng Valenzuela City.
00:43Isa ang kanyang pamilya na lumikas dahil inabot ang baha ang kanyang bahay.
00:48Alahadi po ng bahay po namin kasi hindi na po kami makakadaan pag sobrang mataas na yung tubig kaya maaga palang lumilikas na po talaga kami.
00:58Maliban sa baha, mayroon pang pangamba si Aling Veronica.
01:02Ang bahay po namin nasa ilalim mismo ng NGCP, nasa tower, yun na po yung malakas. Yung ground niya, isa na po talaga yun.
01:07Sa mga ganitong sitwasyon, kasama sa problema niya, ang pagkain at matutuluyan.
01:13Pagkain po, yung malilipatan namin, ang matutulugan po namin para po pag bumaha, may masisilungan po kagad kami.
01:21Isa lang si Veronica na pansamantalang nananatili sa mga evacuation center ng Valenzuela.
01:28Kaninang hapon, tatlong mga evacuation center ang hinatiran ng mga family food packs ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
01:37Bukod nito, unang hinatiran ng mga family food packs ang ilang evacuation center sa Quezon City, Marikina City at Rodriguez Rizal.
01:46Lahat ng nangangailangan ay mga constituents rin namin. Yung constituents nila ay constituents namin.
01:53Yung school na ito, ito yung Antonio M. Serapio Elementary School.
01:59Dito sa school, ang pinakamaraming evacuaries ay umabot ng 106 families.
02:06Pero sa mga oras na ito ay nasa 96 families. Naka-uwi na yung iba sa kanilang bahay dahil humupa na rin o wala nang baha yung kanilang bahay.
02:16Pero dito sa Valenzuela Charms, as of 7pm, umabot ng 2,496 families.
02:22Equivalent yan ng 9,403 individuals.
02:27At mayroon 66 evacuation centers na bukas dito sa Valenzuela.
02:32At ayon naman sa DSWD, umabot na ng 110 family food packs ang kanilang na-distribute sa buong bansa.
02:40At 15,000 families naman ang nasa evacuation center across the country.