00:00Nananawagan ng Department of Social Welfare and Development sa mga nais mag-volunteer o tumulong sa pag-repack ng mga family food packs sa National Resource Operations Center sa Pasay City.
00:12Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, sapat pa ang supply ng family food packs ng ahensya na nakastockpile na as of April 10 ay nasa mahigit 2,700,000 pa.
00:24Habang sa Negros Island Region ay mayroong mahigit 152,000 family food packs na nakastockpile.
00:31Ani ang ngayon ang oras na dapat magpamalas ang mga Pilipino ng bayanihan para matiyak ang mabilis at matiwasay na paghatid ng tulong sa mga nangangailangan nating kababayan.
00:42Para sa mga interesadong mag-volunteer, maaaring makipag-coordinate sa mga contact person na makikita sa inyong screen.
00:49Ang mga nais mag-volunteer ay dapat magsuot ng komportabling damit at sapatos at magdala ng sariling tubig at pagkain.